< Jeremias 33 >
1 At ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias sa ikalawang pagkakataon, habang nakakulong siya sa loob ng patyo ng bantay, at kaniyang sinabi,
耶利米還囚在護衛兵的院內,耶和華的話第二次臨到他說:
2 “Ito ang sinasabi ni Yahweh na manlilikha, Si Yahweh na umaanyo upang magtatag, Yahweh ang kaniyang pangalan,
「成就的是耶和華,造作、為要建立的也是耶和華;耶和華是他的名。他如此說:
3 'Tumawag ka sa akin at sasagutin kita. Magpapakita ako ng dakilang mga bagay sa iyo, mga hiwaga na hindi mo nauunawaan.'
你求告我,我就應允你,並將你所不知道、又大又難的事指示你。
4 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga tahanan sa lungsod na ito at sa mga tahanan ng mga hari ng Juda na nagiba dahil sa mga bunton ng paglusob at sa espada,
論到這城中的房屋和猶大王的宮室,就是拆毀為擋敵人高壘和刀劍的,耶和華-以色列的上帝如此說:
5 'Parating na ang mga Caldeo upang makipaglaban at upang punuin ang mga tahanan ng mga bangkay ng mga tao na aking papatayin sa aking galit at poot, kapag ikukubli ko ang aking mukha mula sa lungsod na ito dahil sa lahat na kasamaan nila.
人要與迦勒底人爭戰,正是拿死屍充滿這房屋,就是我在怒氣和忿怒中所殺的人,因他們的一切惡,我就掩面不顧這城。
6 Ngunit tingnan mo, magdadala ako ng kagalingan at isang lunas, sapagkat pagagalingin ko sila at magdadala ako sa kanila ng kasaganaan, kapayapaan at katapatan.
看哪,我要使這城得以痊癒安舒,使城中的人得醫治,又將豐盛的平安和誠實顯明與他們。
7 Sapagkat ibabalik ko ang mga kayamanan ng Juda at Israel. Itatayo ko silang muli gaya noong simula.
我也要使猶大被擄的和以色列被擄的歸回,並建立他們和起初一樣。
8 At lilinisin ko sila mula sa lahat ng kasamaang kanilang ginawa laban sa akin. Patatawarin ko ang lahat ng kanilang mga kasamaang kanilang nagawa laban sa akin, at ang lahat ng kanilang paghihimagsik laban sa akin.
我要除淨他們的一切罪,就是向我所犯的罪;又要赦免他們的一切罪,就是干犯我、違背我的罪。
9 Sapagkat ang lungsod na ito ay magiging kagalakan sa akin, isang awit ng papuri at karangalan para sa lahat ng bansa sa daigdig na makaririnig ng lahat ng mabubuting bagay na aking gagawin para dito. At manginginig sila dahil sa lahat ng mabubuting bagay at sa kapayapaang aking ibibigay dito.'
這城要在地上萬國人面前使我得頌讚,得榮耀,名為可喜可樂之城。萬國人因聽見我向這城所賜的福樂、所施的恩惠平安,就懼怕戰兢。」
10 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar na ito na inyong sinasabi ngayon, “Ito ay napabayaan. Walang tao ni hayop sa mga lungsod ng Juda at walang naninirahan sa mga lansangan ng Jerusalem, tao man o hayop.”
耶和華如此說:「你們論這地方,說是荒廢無人民無牲畜之地,但在這荒涼無人民無牲畜的猶大城邑和耶路撒冷的街上,
11 Muling makaririnig dito ng mga ingay ng kagalakan at pagdiriwang, mga ingay ng mga lalaki at mga babaeng ikakasal, mga ingay ng mga taong nagsasabi, “Magpasalamat kay Yahweh ng mga hukbo, sapagkat siya ay mabuti at ang kaniyang tipan ng katapatan ay walang hanggan.” Magdala ng handog ng pasasalamat sa aking tahanan, sapagkat panunumbalikin ko ang kayamanan ng lupain gaya noong simula,' sabi ni Yahweh.
必再聽見有歡喜和快樂的聲音、新郎和新婦的聲音,並聽見有人說: 要稱謝萬軍之耶和華, 因耶和華本為善; 他的慈愛永遠長存! 又有奉感謝祭到耶和華殿中之人的聲音;因為我必使這地被擄的人歸回,和起初一樣。這是耶和華說的。」
12 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Sa napabayaang lugar na ito, na ngayon ay mayroon nang tao at hayop, magkakaroon muli ng pastulan sa lahat ng lungsod nito para sa mga pastol na umaakay sa kanilang mga kawan upang mamahinga.
萬軍之耶和華如此說:「在這荒廢無人民無牲畜之地,並其中所有的城邑,必再有牧人的住處;他們要使羊群躺臥在那裏。
13 Sa mga lungsod sa maburol na lugar, sa mga kapatagan, at sa Negeb, sa lupain ng Benjamin at sa buong paligid ng Jerusalem, at sa mga lungsod ng Juda, daraan muli ang mga kawan sa ilalim ng mga kamay ng bibilang sa kanila,' sabi ni Yahweh.
在山地的城邑、高原的城邑、南地的城邑、便雅憫地、耶路撒冷四圍的各處,和猶大的城邑必再有羊群從數點的人手下經過。這是耶和華說的。」
14 Tingnan mo! Dumarating ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na gagawin ko ang aking ipinangako sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
耶和華說:「日子將到,我應許以色列家和猶大家的恩言必然成就。
15 Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon, gagawa ako ng isang matuwid na sanga na magmumula sa lahi ni David, at kaniyang ipatutupad ang katarungan at katuwiran sa lupain.
當那日子,那時候,我必使大衛公義的苗裔長起來;他必在地上施行公平和公義。
16 Sa mga araw na iyon, maliligtas ang Juda, at mamumuhay nang matiwasay ang Jerusalem, sapagkat ito ang itatawag sa kaniya, “Si Yahweh ay ang ating katuwiran.'”
在那日子猶大必得救,耶路撒冷必安然居住,他的名必稱為『耶和華-我們的義』。
17 Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh, 'Ang isang lalaki na magmumula sa lahi ni David ay hindi kailanman kukulangin na uupo sa trono sa tahanan ng Israel
「因為耶和華如此說:大衛必永不斷人坐在以色列家的寶座上;
18 ni ang isang lalaki mula sa mga Levitang pari ay magkukulang sa aking harapan na magtaas ng mga sinunog na handog, upang maghandog ng mga pagkaing susunugin, at upang maghandog ng mga butil sa lahat ng panahon.'”
祭司、利未人在我面前也不斷人獻燔祭、燒素祭,時常辦理獻祭的事。」
19 Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi, “
耶和華的話臨到耶利米說:
20 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kung magagawa ninyong sirain ang aking tipan sa araw at sa gabi nang sa gayon wala nang araw at gabi sa kanilang tamang panahon,
「耶和華如此說:你們若能廢棄我所立白日黑夜的約,使白日黑夜不按時輪轉,
21 kung gayon ay magagawa rin ninyong sirain ang aking tipan kay David na aking lingkod, nang sa gayon hindi na siya magkakaroon ng isang anak na lalaking uupo sa kaniyang trono, at ang aking tipan sa mga paring Levita, na aking mga lingkod.
就能廢棄我與我僕人大衛所立的約,使他沒有兒子在他的寶座上為王,並能廢棄我與事奉我的祭司、利未人所立的約。
22 Gaya ng mga hukbo ng langit na hindi mabilang, at ng mga buhangin sa dalampasigan na hindi masukat, tulad nito ang pagpaparami ko sa mga kaapu-apuhan ni David na aking lingkod at ang mga Levita na naglilingkod sa akin.”
天上的萬象不能數算,海邊的塵沙也不能斗量;我必照樣使我僕人大衛的後裔和事奉我的利未人多起來。」
23 Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi,
耶和華的話臨到耶利米說:
24 “Hindi mo ba isinaalang-alang ang ipinahayag ng mga taong ito nang sabihin nila, 'Ang dalawang angkan na pinili ni Yahweh, ngayon sila ay tinanggihan niya? Sa paraang ito, hinamak nila ang aking mga tao, sinasabi na hindi na sila isang bansa sa kanilang paningin.
「你沒有揣摩這百姓的話嗎?他們說:『耶和華所揀選的二族,他已經棄絕了。』他們這樣藐視我的百姓,以為不再成國。
25 Akong si Yahweh ang nagsabi nito, 'Kung wala na ang aking tipan para sa araw at gabi, o hindi ko pinanatili ang kaayusan ng langit at lupa,
耶和華如此說:若是我立白日黑夜的約不能存住,若是我未曾安排天地的定例,
26 at kung gayon, hindi ko tatanggapin ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at David na aking lingkod, at hindi ako magdadala sa kanila ng isang taong mamumuno sa lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham, Isaac, at Jacob. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan at magiging mahabagin ako sa kanila.”
我就棄絕雅各的後裔和我僕人大衛的後裔,不使大衛的後裔治理亞伯拉罕、以撒、雅各的後裔;因為我必使他們被擄的人歸回,也必憐憫他們。」