< Jeremias 32 >

1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh sa ikasampung taon ni Zedekias na hari ng Juda, sa ikalabing-walong taon ni Nebucadnezar.
Verbum quod factum est ad Jeremiam a Domino, in anno decimo Sedeciæ regis Juda, ipse est annus decimusoctavus Nabuchodonosor.
2 Sa panahong iyon, sinasalakay ng hukbo ng hari ng Babilonia ang Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakakulong sa patyo ng bantay sa tahanan ng hari ng Juda.
Tunc exercitus regis Babylonis obsidebat Jerusalem, et Jeremias propheta erat clausus in atrio carceris qui erat in domo regis Juda.
3 Ikinulong siya ni Zedekias na hari ng Juda at sinabi, “Bakit ka nagpapahayag at sinasabi, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.
Clauserat enim eum Sedecias rex Juda, dicens: Quare vaticinaris, dicens: Hæc dicit Dominus: Ecce ego dabo civitatem istam in manus regis Babylonis, et capiet eam:
4 Hindi makatatakas si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ng mga Caldeo, sapagkat tunay ngang ipinasakamay siya sa hari ng Babilonia. Ang bibig niya ay makikipag-usap sa bibig ng hari, at makikita ng kaniyang mga mata ang mga mata ng hari.
et Sedecias rex Juda non effugiet de manu Chaldæorum, sed tradetur in manus regis Babylonis: et loquetur os ejus cum ore illius, et oculi ejus oculos illius videbunt:
5 Sapagkat pupunta si Zedekias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa may gawin ako sa kaniya, ito ang pahayag ni Yahweh, sapagkat nilabanan ninyo ang mga Caldeo. Hindi kayo magiging matagumpay.”
et in Babylonem ducet Sedeciam, et ibi erit donec visitem eum, ait Dominus: si autem dimicaveritis adversum Chaldæos, nihil prosperum habebitis?
6 Sinabi ni Jeremias, “Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
Et dixit Jeremias: Factum est verbum Domini ad me, dicens:
7 'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, “Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'”
Ecce Hanameel filius Sellum, patruelis tuus, veniet ad te, dicens: Eme tibi agrum meum qui est in Anathoth, tibi enim competit ex propinquitate ut emas.
8 At gaya ng ipinahayag ni Yahweh, pumunta sa akin si Hanamel na lalaking anak ng aking tiyuhin sa patyo ng mga bantay, at sinabi sa akin, 'Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, sapagkat nasa iyo ang karapatan sa mana, at nasa iyo ang karapatang bilhin ito. Bilhin mo ito para sa iyong sarili.' At alam ko na salita ito ni Yahweh.
Et venit ad me Hanameel filius patrui mei, secundum verbum Domini, ad vestibulum carceris, et ait ad me: Posside agrum meum qui est in Anathoth, in terra Benjamin, quia tibi competit hæreditas, et tu propinquus es ut possideas. Intellexi autem quod verbum Domini esset:
9 Kaya binili ko ang bukid na nasa Anatot mula kay Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at tinimbang ko ang pilak para sa kaniya, labing-pitong siklo.
et emi agrum ab Hanameel filio patrui mei, qui est in Anathoth, et appendi ei argentum: septem stateres, et decem argenteos.
10 At sumulat ako sa isang kasulatang binalumbon at sinelyuhan ko ito, at may mga saksing nakasaksi nito. At tinimbang ko ang pilak sa timbangan.
Et scripsi in libro, et signavi, et adhibui testes, et appendi argentum in statera.
11 Pagkatapos, kinuha ko ang katibayan ng pagkabili na naselyuhan, bilang pagsunod sa utos at sa mga kautusan, gayon din ang hindi naselyuhang katibayan.
Et accepi librum possessionis signatum, et stipulationes, et rata, et signa forinsecus:
12 Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
et dedi librum possessionis Baruch filio Neri filii Maasiæ, in oculis Hanameel patruelis mei, in oculis testium qui scripti erant in libro emptionis, et in oculis omnium Judæorum qui sedebant in atrio carceris.
13 Kaya nagbigay ako ng isang utos kay Baruc sa harap nila. Sinabi ko,
Et præcepi Baruch coram eis, dicens:
14 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kunin mo ang mga kasulatang binalumbon na ito kasama ang resibo ng pagbili na naselyuhan at itong hindi naselyuhan na kasulatang binalumbon. Ilagay mo ang mga ito sa bagong lalagyan upang tumagal ang mga ito sa mahabang panahon.
Hæc dicit Dominus exercituum, Deus Israël: Sume libros istos, librum emptionis hunc signatum, et librum hunc qui apertus est, et pone illos in vase fictili, ut permanere possint diebus multis:
15 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang mga tahanan, mga bukirin, at mga ubasan ay muling bibilhin sa lupaing ito.'
hæc enim dicit Dominus exercituum, Deus Israël: Adhuc possidebuntur domus, et agri, et vineæ in terra ista.
16 Pagkatapos kong ibigay ang resibo ng pagbili kay Baruc na lalaking anak ni Nerias, nanalangin ako kay Yahweh at sinabi,
Et oravi ad Dominum, postquam tradidi librum possessionis Baruch filio Neri, dicens:
17 'Oh, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Ikaw lamang ang lumikha sa kalangitan at sa lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng iyong nakataas na braso. Wala kang sinabi na napakahirap para sa iyo na gawin.
Heu! heu! heu! Domine Deus, ecce tu fecisti cælum et terram in fortitudine tua magna, et in brachio tuo extento: non erit tibi difficile omne verbum:
18 Nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa libu-libo at ibinuhos mo ang kasamaan ng mga tao sa mga kandungan ng kanilang magiging mga anak. Ikaw ang dakila at makapangyarihang Diyos, Yahweh ng mga hukbo ang iyong pangalan.
qui facis misericordiam in millibus, et reddis iniquitatem patrum in sinum filiorum eorum post eos: fortissime, magne, et potens, Dominus exercituum nomen tibi.
19 Ikaw ay dakila sa karunungan at makapangyarihan sa mga gawa, sapagkat bukas ang iyong mga mata sa lahat ng ginagawa ng mga tao, upang ibigay sa bawat tao kung ano ang nararapat sa kaniyang pag-uugali at mga gawa.
Magnus consilio, et incomprehensibilis cogitatu: cujus oculi aperti sunt super omnes vias filiorum Adam, ut reddas unicuique secundum vias suas, et secundum fructum adinventionum ejus.
20 Gumawa ka ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. Maging sa kasalukuyang panahon dito sa Israel at sa lahat ng sangkatauhan, ginawa mong tanyag ang iyong pangalan.
Qui posuisti signa et portenta in terra Ægypti usque ad diem hanc, et in Israël, et in hominibus, et fecisti tibi nomen sicut est dies hæc.
21 Sapagkat inilabas mo ang iyong mga Israelita sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at mga kamangha-mangha, sa isang malakas na kamay, isang nakataas na braso, at nang may matinding takot.
Et eduxisti populum tuum Israël de terra Ægypti, in signis et in portentis, et in manu robusta et in brachio extento, et in terrore magno:
22 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito, na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, isang lupaing umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan.
et dedisti eis terram hanc, quam jurasti patribus eorum ut dares eis, terram fluentem lacte et melle.
23 Kaya pumasok sila at inangkin ito. Ngunit hindi nila sinunod ang iyong tinig o namuhay sa pagsunod sa iyong kautusan. Wala silang ginawa sa mga iniutos mo na kanilang gagawin, kaya dinala mo sa kanila ang lahat ng sakunang ito.
Et ingressi sunt, et possederunt eam, et non obedierunt voci tuæ, et in lege tua non ambulaverunt: omnia quæ mandasti eis ut facerent non fecerunt, et evenerunt eis omnia mala hæc.
24 Tingnan mo! Ang mga bunton ng paglusob ay nakaabot sa lungsod upang sakupin ito. Sapagkat dahil sa espada, taggutom at salot, ang lungsod ay naipasakamay sa mga Caldeo na siyang na nakikipaglaban dito. Sapagkat nangyayari na ang sinabi mong mangyayari, at tingnan mo, pinanonood mo.
Ecce munitiones exstructæ sunt adversum civitatem ut capiatur, et urbs data est in manus Chaldæorum qui præliantur adversus eam, a facie gladii, et famis, et pestilentiæ: et quæcumque locutus es, acciderunt, ut tu ipse cernis.
25 At ikaw mismo ang nagsabi sa akin, “Bumili ka ng isang bukid para sa iyong sarili sa pamamagitan ng pilak at tumawag ng mga saksi upang saksihan ito, bagaman ibinigay ang lungsod na ito sa mga Caldeo.””
Et tu dicis mihi, Domine Deus: Eme agrum argento, et adhibe testes, cum urbs data sit in manus Chaldæorum?
26 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias at sinabi,
Et factum est verbum Domini ad Jeremiam, dicens:
27 “Tingnan mo! Ako si Yahweh, ang Diyos ng sangkatauhan. Mayroon bang bagay na napakahirap gawin para sa akin?
Ecce ego Dominus Deus universæ carnis: numquid mihi difficile erit omne verbum?
28 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at kay Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Sasakupin niya ito.
Propterea hæc dicit Dominus: Ecce ego tradam civitatem istam in manus Chaldæorum, et in manus regis Babylonis, et capient eam.
29 Darating ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lungsod na ito at susunugin ang lungsod na ito, kasama ang mga bahay kung saan ang mga bubungan ay pinagsambahan ng mga tao kay Baal at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa ibang diyos upang galitin ako.
Et venient Chaldæi præliantes adversum urbem hanc, et succendent eam igni, et comburent eam, et domos in quarum domatibus sacrificabant Baal, et libabant diis alienis libamina ad irritandum me.
30 Sapagkat tiyak na ang mga Israelita at ang mga taga-Juda ay mga tao na gumagawa ng kasamaan sa harap ng aking mga mata mula pa sa kanilang pagkabata. Ang mga Israelita ay talagang sinaktan ako sa pamamagitan ng mga gawa ng kanilang mga kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Erant enim filii Israël et filii Juda jugiter facientes malum in oculis meis ab adolescentia sua: filii Israël, qui usque nunc exacerbant me in opere manuum suarum, dicit Dominus.
31 sapagkat ang lungsod na ito ang nagpaalab ng aking poot at matinding galit mula noong araw na itinayo nila ito. Ganito pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kaya aalisin ko ito mula sa aking harapan
Quia in furore et in indignatione mea facta est mihi civitas hæc, a die qua ædificaverunt eam usque ad diem istam qua auferetur de conspectu meo,
32 dahil sa lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel at Juda, ang mga bagay na kanilang ginawa upang galitin ako... sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, mga propeta, at bawat tao sa Juda at mga naninirahan sa Jerusalem.
propter malitiam filiorum Israël et filiorum Juda, quam fecerunt ad iracundiam me provocantes, ipsi et reges eorum, principes eorum, et sacerdotes eorum, et prophetæ eorum, viri Juda et habitatores Jerusalem.
33 Tinalikuran nila ako, sa halip na harapin, kahit pa masigasig ko silang tinuruan. Sinubukan kong turuan sila, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakinig upang tumanggap ng pagtutuwid.
Et verterunt ad me terga, et non facies, cum docerem eos diluculo et erudirem, et nollent audire, ut acciperent disciplinam.
34 At inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa tahanan upang dumihan ito, sa tahanan kung saan tinawag ang aking pangalan.
Et posuerunt idola sua in domo in qua invocatum est nomen meum, ut polluerent eam.
35 Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'
Et ædificaverunt excelsa Baal quæ sunt in valle filii Ennom, ut initiarent filios suos et filias suas Moloch, quod non mandavi eis, nec ascendit in cor meum ut facerent abominationem hanc: et in peccatum deducerent Judam.
36 At kaya ngayon, akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel ang nagsasabi nito tungkol sa lungsod na ito, ang lungsod na sinasabi ninyong, 'Naipasakamay na ito sa hari ng Babilonia sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot.'
Et nunc propter ista, hæc dicit Dominus Deus Israël ad civitatem hanc, de qua vos dicitis quod tradetur in manus regis Babylonis, in gladio, et in fame, et in peste:
37 Tingnan mo, malapit ko na silang tipunin sa bawat lupain kung saan itinaboy ko sila sa aking galit, poot, at matinding galit. Malapit ko na silang ibalik sa lugar na ito at mamumuhay sila nang matiwasay.
Ecce ego congregabo eos de universis terris ad quas ejeci eos in furore meo, et in ira mea, et in indignatione grandi: et reducam eos ad locum istum, et habitare eos faciam confidenter:
38 At sila ay magiging aking mga tao, at ako ay magiging Diyos nila.
et erunt mihi in populum, et ego ero eis in Deum.
39 Bibigyan ko sila ng isang puso at isang paraan upang parangalan ako sa bawat araw kaya magiging mabuti ito para sa kanila at sa magiging mga kaapu-apuhan nila.
Et dabo eis cor unum, et viam unam, ut timeant me universis diebus, et bene sit eis, et filiis eorum post eos.
40 At magtatatag ako ng isang panghabang panahon na kasunduan sa kanila kaya hindi ko na sila tatalikuran. Gagawin ko ito upang magdala ng kabutihan sa kanila at maglagay sa kanilang mga puso ng parangal para sa akin. Kaya hindi na sila tatalikod sa pagsunod sa akin.
Et feriam eis pactum sempiternum, et non desinam eis benefacere: et timorem meum dabo in corde eorum, ut non recedant a me.
41 At magagalak ako sa paggawa ng kabutihan sa kanila. Matapat ko silang patitirahin sa lupaing ito nang buong puso at buong buhay ko.
Et lætabor super eis, cum bene eis fecero: et plantabo eos in terra ista in veritate, in toto corde meo et in tota anima mea.
42 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tulad ng pagdala ko sa lahat ng matitinding sakunang ito sa mga taong ito, gayon din, dadalhin ko sa kanila ang lahat ng mabubuting bagay na sinabi kong gagawin ko para sa kanila.
Quia hæc dicit Dominus: Sicut adduxi super populum istum omne malum hoc grande, sic adducam super eos omne bonum quod ego loquor ad eos.
43 At bibilhin ang mga bukirin sa lupaing ito, na inyong sinasabi, “Ito ay nawasak na lupain, na walang tao o hayop. Naipasakamay na ito sa mga Caldeo.”
Et possidebuntur agri in terra ista, de qua vos dicitis quod deserta sit, eo quod non remanserit homo et jumentum, et data sit in manus Chaldæorum.
44 Bibili sila ng mga bukirin sa pamamagitan ng pilak at isusulat sa mga selyadong kasulatang binalumbon. Titipunin nila ang mga saksi sa lupain ni Benjamin, sa palibot ng buong Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda, sa mga lungsod sa maburol na bansa at sa mga mababang lugar, at sa mga lungsod ng Negeb. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
Agri ementur pecunia, et scribentur in libro, et imprimetur signum, et testis adhibebitur, in terra Benjamin et in circuitu Jerusalem, in civitatibus Juda, et in civitatibus montanis, et in civitatibus campestribus, et in civitatibus quæ ad austrum sunt, quia convertam captivitatem eorum, ait Dominus.

< Jeremias 32 >