< Jeremias 31 >
1 “Sa panahong iyon—ito ang pahayag ni Yahweh— Ako ang magiging Diyos ng lahat ng mga angkan ng Israel at sila ay magiging mga tao ko.”
耶和華說:「那時,我必作以色列各家的上帝;他們必作我的子民。」
2 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang mga tao na nakaligtas sa dumating na pagpatay sa Israel sa pamamagitan ng espada ay nakasumpong ng biyaya sa ilang.”
耶和華如此說: 脫離刀劍的就是以色列人。 我使他享安息的時候, 他曾在曠野蒙恩。
3 Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, “Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.
古時耶和華向以色列顯現,說: 我以永遠的愛愛你, 因此我以慈愛吸引你。
4 Itatayo kitang muli, upang sa gayon ikaw ay makatatayo, birheng Israel. Maaari mong damputin muli ang iyong mga tamburin at lumabas nang may mga masasayang sayaw.
以色列的民哪, 我要再建立你,你就被建立; 你必再以擊鼓為美, 與歡樂的人一同跳舞而出;
5 Muli kayong makapagtatanim ng mga ubasan sa kabundukan ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka at gagamitin ang mga bunga sa mabuti.
又必在撒馬利亞的山上栽種葡萄園, 栽種的人要享用所結的果子。
6 Sapagkat darating ang araw kapag ipinahayag ng taga-bantay sa kabundukan ng Efraim, 'Tumindig kayo at pumunta tayo sa Sion kay Yahweh na ating Diyos.”'
日子必到,以法蓮山上守望的人必呼叫說: 起來吧!我們可以上錫安, 到耶和華-我們的上帝那裏去。
7 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sumigaw sa galak para kay Jacob! Sumigaw ng may kagalakan para sa pinuno ng mga tao sa mga bansa! Hayaang marinig ang papuri. Sabihing, 'Iniligtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ang natitira ng Israel.'
耶和華如此說: 你們當為雅各歡樂歌唱, 因萬國中為首的歡呼。 當傳揚頌讚說: 耶和華啊, 求你拯救你的百姓以色列所剩下的人。
8 Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
我必將他們從北方領來, 從地極招聚; 同着他們來的有瞎子、瘸子、孕婦、產婦; 他們必成為大幫回到這裏來。
9 Darating sila na umiiyak, pangungunahan ko sila habang sila ay nagsusumamo. Paglalakbayin ko sila sa mga batis ng tubig sa isang tuwid na daan. Hindi sila madadapa dito, sapagkat ako ang magiging isang ama ng Israel at ang Efraim ang magiging una kong anak.”
他們要哭泣而來。 我要照他們懇求的引導他們, 使他們在河水旁走正直的路, 在其上不致絆跌; 因為我是以色列的父, 以法蓮是我的長子。
10 “Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, “Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa”
列國啊,要聽耶和華的話, 傳揚在遠處的海島說: 趕散以色列的必招聚他, 又看守他,好像牧人看守羊群。
11 Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob at iniligtas siya sa kamay ng napakalakas para sa kaniya.
因耶和華救贖了雅各, 救贖他脫離比他更強之人的手。
12 Pagkatapos, darating sila sa taas ng Sion na may galak. Magagalak sila dahil sa kabutihan ni Yahweh, dahil sa mais at sa bagong alak, sa langis at sa anak ng mga kawan at mga inahin. Sapagkat ang kanilang pamumuhay ay magiging katulad ng isang dinidiligang hardin at hindi na sila muling makakaramdam ng anumang kalungkutan
他們要來到錫安的高處歌唱, 又流歸耶和華施恩之地, 就是有五穀、新酒,和油, 並羊羔、牛犢之地。 他們的心必像澆灌的園子; 他們也不再有一點愁煩。
13 At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
那時,處女必歡樂跳舞; 年少的、年老的,也必一同歡樂; 因為我要使他們的悲哀變為歡喜, 並要安慰他們,使他們的愁煩轉為快樂。
14 Pagkatapos, pananatilihin ko na sagana ang pamumuhay ng mga pari. Mapupuno ang aking mga tao ng aking kabutihan. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
我必以肥油使祭司的心滿足; 我的百姓也要因我的恩惠知足。 這是耶和華說的。
15 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Isang tinig ang narinig sa Rama na nananaghoy at mapait na nagluluksa. Ito ay si Raquel na umiiyak para sa kaniyang mga anak. Tumanggi siyang paaliw sa kanila, sapagkat sila ay patay na.”
耶和華如此說: 在拉瑪聽見號咷痛哭的聲音, 是拉結哭她兒女,不肯受安慰, 因為他們都不在了。
16 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Pigilin mo ang iyong tinig sa pagluluksa at ang iyong mga mata sa pagluha, dahil mayroong kabayaran para sa iyong paghihirap. Ito ang pahayag ni Yahweh babalik ang iyong mga anak mula sa lupain ng kalaban.
耶和華如此說: 你禁止聲音不要哀哭, 禁止眼目不要流淚, 因你所做之工必有賞賜; 他們必從敵國歸回。 這是耶和華說的。
17 Mayroong pag-asa sa iyong hinaharap, ito ang pahayag ni Yahweh, babalik ang iyong mga kaapu-apuhan sa loob ng kanilang mga hangganan.”
耶和華說:你末後必有指望; 你的兒女必回到自己的境界。
18 Tiyak na narinig kong nagdadalamhati ang Efraim, 'Pinarusahan mo ako at ako ay naparusahan. Ibalik mo ako kagaya ng baka na hindi pa naturuan at ako ay babalik, sapagkat ikaw si Yahweh na aking Diyos.
我聽見以法蓮為自己悲歎說: 你責罰我,我便受責罰, 像不慣負軛的牛犢一樣。 求你使我回轉,我便回轉, 因為你是耶和華-我的上帝。
19 Sapagkat matapos akong tumalikod sa iyo, ako ay nagsisisi; matapos akong maturuan, pinaghahampas ko ang aking hita dahil sa kalungkutan. Ako ay nahihiya at napahiya sapagkat dala-dala ko ang pag-uusig sa aking kabataan.
我回轉以後就真正懊悔; 受教以後就拍腿歎息; 我因擔當幼年的凌辱就抱愧蒙羞。
20 Hindi ba si Efraim ang mahal kong anak? Hindi ba siya ang minamahal at kinalulugdan kong anak? Sapagkat sa tuwing magsasalita ako laban sa kaniya, tinitiyak kong inaalala ko pa rin siya sa aking mapagmahal na isipan. Sa ganitong paraan nananabik ang puso ko sa kaniya. Tinitiyak kong kahahabagan ko siya. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
耶和華說:以法蓮是我的愛子嗎? 是可喜悅的孩子嗎? 我每逢責備他,仍深顧念他; 所以我的心腸戀慕他; 我必要憐憫他。
21 Maglagay ka ng mga palatandaan sa daan para sa iyong sarili. Magtayo ka ng mga posteng-patnubay para sa iyong sarili. Ituon mo ang iyong isipan sa tamang landas, ang daan na dapat mong tahakin. Bumalik kayo, birheng Israel! Bumalik kayo sa mga lungsod na ito na pagmamay-ari ninyo.
以色列民哪, 你當為自己設立指路碑, 豎起引路柱。 你要留心向大路, 就是你所去的原路; 你當回轉,回轉到你這些城邑。
22 Gaano katagal mong ipagpapatuloy ang pag-aalinlangan anak kong walang pananampalataya? Sapagkat lumikha si Yahweh ng isang bagay na bago sa mundo: nakapalibot ang mga babae sa mga malalakas na lalaki upang protektahan sila.
背道的民哪, 你反來覆去要到幾時呢? 耶和華在地上造了一件新事, 就是女子護衛男子。
23 Si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel ang nagsabi nito, “Kapag ibinalik ko na ang aking mga tao sa kanilang lupain, sasabihin nila ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lungsod, 'Pagpalain ka nawa ni Yahweh, ikaw na matuwid na lugar kung saan siya nananahan, ikaw na banal na bundok.
萬軍之耶和華-以色列的上帝如此說:「我使被擄之人歸回的時候,他們在猶大地和其中的城邑必再這樣說: 公義的居所啊, 聖山哪,願耶和華賜福給你。
24 Sapagkat ang Juda at ang lahat ng kaniyang mga lungsod ay sama-samang maninirahan sa kaniya. Naroon ang mga magsasaka at mga pastol kasama ang kanilang mga kawan.
猶大和屬猶大城邑的人,農夫和放羊的人,要一同住在其中。
25 Sapagkat bibigyan ko ng tubig na maiinom ang mga napapagod at papawiin ko ang pagdurusa ng bawat isa mula sa pagkakauhaw.”
疲乏的人,我使他飽飫;愁煩的人,我使他知足。」
26 Pagkatapos nito, nagising ako at napagtanto ko na ang pagtulog ko ay naging kaginha-ginhawa.
先知說:「我醒了,覺着睡得香甜!」
27 mo, ang mga araw ay dumarating, Ito ang pahayag ni Yahweh, kapag hahasikan ko ang mga tahanan ng Israel at Juda kasama ang mga kaapu-apuhan ng tao at hayop.
耶和華說:「日子將到,我要把人的種和牲畜的種播種在以色列家和猶大家。
28 Sa nakalipas, pinasubaybayan ko sila upang bunutin sila at upang sirain, pabagsakin, wasakin at magdala ng pinsala sa kanila. Ngunit sa darating na mga araw, babantayan ko sila upang itayo sila at upang itanim sila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
我先前怎樣留意將他們拔出、拆毀、毀壞、傾覆、苦害,也必照樣留意將他們建立、栽植。這是耶和華說的。
29 Sa mga araw na iyon, wala nang magsasabi na, 'Kumain ang mga ama ng mga maaasim na ubas, ngunit mapurol ang mga ngipin ng mga bata.'
當那些日子,人不再說: 父親吃了酸葡萄, 兒子的牙酸倒了。
30 Sapagkat mamamatay ang bawat tao sa kaniyang sariling kasalanan. Magiging mapurol ang mga ngipin ng sinumang kumain ng mga maaasim na ubas.
但各人必因自己的罪死亡;凡吃酸葡萄的,自己的牙必酸倒。」
31 Tingnan mo, paparating na ang mga araw. Ito ang pahayag ni Yahweh. Kapag magtatatag ako ng isang bagong kasunduan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
耶和華說:「日子將到,我要與以色列家和猶大家另立新約,
32 Hindi na ito kagaya ng kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ama sa mga panahong kinuha ko sila sa kanilang mga kamay upang ilabas mula sa lupain ng Egipto. Iyon ang mga araw na nilabag nila ang aking kasunduan, bagaman, ako ay isang asawang lalaki para sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
不像我拉着他們祖宗的手,領他們出埃及地的時候,與他們所立的約。我雖作他們的丈夫,他們卻背了我的約。這是耶和華說的。」
33 Ngunit ito ang kasunduan na aking itatatag sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh. Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban at isusulat ito sa kanilang puso, sapagkat ako ang kanilang magiging Diyos at sila ay magiging aking mga tao.
耶和華說:「那些日子以後,我與以色列家所立的約乃是這樣:我要將我的律法放在他們裏面,寫在他們心上。我要作他們的上帝,他們要作我的子民。
34 At hindi na tuturuan ng bawat tao ang kaniyang kapwa o tuturuan ng isang tao ang kaniyang kapatid at sabihin, “Kilalanin si Yahweh!' Sapagkat lahat sila mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila ay makikilala ako. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan at hindi na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.”
他們各人不再教導自己的鄰舍和自己的弟兄說:『你該認識耶和華』,因為他們從最小的到至大的都必認識我。我要赦免他們的罪孽,不再記念他們的罪惡。這是耶和華說的。」
35 Ito ang sinasabi ni Yahweh. Si Yahweh ang nagdudulot sa araw upang magliwanag sa umaga at umaayos sa buwan at sa mga bituin upang magliwanag sa gabi. Siya ang nagpapagalaw ng dagat upang ang alon nito ay dadagundong. Yahweh, ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Ito ang sinasabi niya,
那使太陽白日發光, 使星月有定例,黑夜發亮, 又攪動大海,使海中波浪匉訇的, 萬軍之耶和華是他的名。 他如此說:
36 “Kung kusang mawawala ang mga permanenteng bagay na ito sa aking paningin —Ito ang pahayag ni Yahweh—hindi titigil ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa pagiging isang bansa sa harapan ko.”
這些定例若能在我面前廢掉, 以色列的後裔也就在我面前斷絕, 永遠不再成國。 這是耶和華說的。
37 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kung ang pinakamataas na kalangitan ay masusukat, at kung malalaman ang pundasyon ng mundo, tatanggihan ko ang lahat ng mga kaapu-apuhan ng Israel dahil sa lahat ng kanilang mga ginawang iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
耶和華如此說: 若能量度上天, 尋察下地的根基, 我就因以色列後裔一切所行的棄絕他們。 這是耶和華說的。
38 Tingnan mo, paparating na ang mga araw—kapag muling itatayo ang lungsod para sa akin, mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Sulok ng Tarangkahan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
耶和華說:「日子將到,這城必為耶和華建造,從哈楠業樓直到角門。
39 At ang linyang panukat ay muling pupunta sa malalayo, sa burol ng Gareb at sa palibot ng Goah.
準繩要往外量出,直到迦立山,又轉到歌亞。
40 Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.
拋屍的全谷和倒灰之處,並一切田地,直到汲淪溪,又直到東方馬門的拐角,都要歸耶和華為聖,不再拔出,不再傾覆,直到永遠。」