< Jeremias 3 >
1 “Sinabi nila, 'Pinapaalis ng isang lalaki ang kaniyang asawa, kaya umalis siya at naging asawa ng ibang lalaki. Dapat ba siyang bumalik muli sa kaniyang asawang babae? Hindi ba siya ganap ng marumi?' Ang babaing iyan ay ang lupaing ito! Kumilos ka na gaya ng babaing bayaran na may maraming kakampi at ngayon nais mo bang bumalik sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.
Pravijo: »Če človek odpusti svojo ženo in gre ona od njega in postane od nekega drugega moškega, ali se bo on ponovno vrnil k njej? Ali ne bi bila ta dežela silno oskrunjena? Ti pa si igrala pocestnico z mnogimi ljubimci; vendar se ponovno vrni k meni, « govori Gospod.
2 Tumingala ka sa mga tigang na burol at tingnan mo! Saan ka hindi nakipagsiping? Nakaupo ka sa mga tabing-daan at hinihintay ang iyong mga mangingibig, gaya ng isang taong pagala-gala sa ilang. Dinungisan mo ang lupain ng iyong kahalayan at kasamaan.
»Povzdigni svoje oči k visokim krajem in poglej, kje vse nisi bila poležena z [njimi]. Na poteh si sedela zanje, kakor Arabec v divjini in deželo si oskrunila s svojimi vlačugarstvi in svojo zlobnostjo.
3 Kaya pinigilan ko ang pagbuhos ng ulan ng tagsibol at hindi na pumatak ang huling ulan. Ngunit mapagmataas ang iyong mukha, gaya ng mukha ng babaing bayaran. Tinanggihan mong maramdaman ang kahihiyan.
Zato so bili nalivi zadržani in ni bilo poznega dežja; in ti imaš vlačugino čelo; odklonila si, da bi bila osramočena.
4 Hindi ka ba tatawag sa akin simula sa oras na ito, 'Aking ama! Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan magmula pa sa aking kabataan.
Mar ne boš od tega časa klicala k meni: ›Moj oče, ti si vodič od moje mladosti?‹«
5 Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!”
Ali bo svojo jezo hranil na veke? Ali jo bo držal do konca? Glej, govoril si in storil hude stvari, kot ti lahko.
6 Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
Gospod mi je tudi rekel v dneh kralja Jošíja: »Ali si videl to, kar je storila odpadnica Izrael? Odhajala je na vsako visoko goro in pod vsako zeleno drevo in tam igrala pocestnico.
7 Sinabi ko, 'Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga bagay na ito, babalik siya sa akin,' ngunit hindi siya bumalik. At nakita ng taksil niyang kapatid na Juda ang kaniyang ginawa.
Potem ko je storila vse te stvari, sem rekel: ›Obrni se k meni.‹ Toda ni se vrnila. In njena verolomna sestra Juda je to videla.
8 Kaya nakita ko na sa lahat ng mga dahilang ito, nangalunya siya. Israel na tuluyang tumalikod! Pinalayas ko siya at binigyan ng mga atas ng pakikipaghiwalay. Ngunit hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda, lumabas at kumilos din siya gaya ng babaing bayaran!
Videl sem, ko sem jo zaradi vseh vzrokov, s čimer je odpadnica Izrael zagrešila zakonolomstvo, odslovil in ji dal ločitveni list, se njena verolomna sestra Juda kljub temu ni bala, temveč je tudi ona odšla in prav tako igrala pocestnico.
9 Walang halaga sa kaniya na dinungisan niya ang lupain, kaya gumawa sila ng mga diyus-diyosan mula sa bato at punongkahoy.
Pripetilo se je skozi lahkomiselnost njenega vlačugarstva, da je omadeževala deželo in zagrešila zakonolomstvo s skalami in z lesom.
10 At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Vendar se zaradi vsega tega njena verolomna sestra Juda ni obrnila k meni z vsem svojim srcem, temveč hlinjeno, « govori Gospod.
11 At sinabi ni Yahweh sa akin, “Ang taksil na Israel ay mas matuwid kaysa sa taksil na Juda!
Gospod mi je rekel: »Odpadnica Izrael se je bolj opravičila kakor verolomna Juda.
12 Pumunta ka at ihayag ang mga salitang ito sa hilaga. Sabihin mo, 'Magbalik ka taksil na Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tapat ako, hindi ako mananatiling galit magpakailanman. Ito ang pahayag ni Yahweh
Pojdi in razglasi te besede proti severu in reci: ›Vrni se, ti odpadnica Izrael, ‹ govori Gospod › in svoji jezi ne bom povzročil, da pade na vas, kajti jaz sem usmiljen, ‹ govori Gospod, › in jeze ne bom držal na veke.
13 Aminin mo ang iyong malaking kasalanan, sapagkat lumabag ka laban kay Yahweh na iyong Diyos, nakisama ka sa mga dayuhan sa ilalim ng bawat mayabong na punongkahoy! Sapagkat hindi mo pinakinggan ang aking tinig! Ito ang pahayag ni Yahweh.
Samo priznaj svojo krivičnost, da si se pregrešila zoper Gospoda, svojega Boga in si svoje poti razkropila k tujcem pod vsakim zelenim drevesom in nisi ubogala mojega glasu, ‹ govori Gospod.
14 Magbalik kayo mga taksil na tao! Sapagkat pinakasalan ko kayo! Kukunin ko kayo, isa sa isang lungsod, dalawa sa isang angkan at dadalhin ko kayo sa Zion! Ito ang pahayag ni Yahweh.
›Obrnite se, odpadli otroci, ‹ govori Gospod. ›Kajti jaz sem poročen z vami. Vzel vas bom enega iz mesta in dva iz družine in vas privedel k Sionu.
15 Bibigyan ko kayo ng mga pastol na umiibig sa akin at pamumunuan nila kayo nang may katalinuhan at kaalaman.
Dal vam bom pastirje po svojem srcu, ki vas bodo hranili z znanjem in razumevanjem.
16 At mangyayari nga na dadami kayo at mamumunga sa lupain sa mga araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi na nila sasabihin, “Ang kaban ng tipan ni Yahweh!” Hindi na aalalahanin ng kanilang mga puso ang bagay na ito, sapagkat hindi na nila iisipin ang tungkol dito o bibigyang pansin ito. Ang pahayag na ito ay hindi na gagawin.'
Zgodilo se bo, ko boste pomnoženi in povečani v deželi, v tistih dneh, ‹ govori Gospod, ›ne bodo več rekli: ›Skrinja Gospodove zaveze.‹ Niti to ne bo prišlo na misel, niti se tega ne bodo spomnili, niti je ne bodo obiskali, niti to ne bo več storjeno.
17 Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.
Ob tistem času bodo [prestolnico] Jeruzalem imenovali Gospodov prestol. Vsi narodi bodo zbrani k njej, k imenu Gospoda, k [prestolnici] Jeruzalem. Niti ne bodo več hodili po zamisli svojih zlih src.
18 Sa mga araw na iyon, maglalakad ang sambahayan ng Juda kasama ang sambahayan ng Israel. Magkasama silang pupunta mula sa lupain sa hilaga patungo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang kanilang mana.
V tistih dneh bo Judova hiša hodila z Izraelovo hišo in skupaj bodo prišli iz severne dežele k deželi, ki sem jo dal v dediščino vašim očetom.
19 Para sa akin, sinabi ko, 'Gayon na lamang kita nais parangalan bilang aking anak na lalaki at bigyan ka ng kaaya-ayang lupain, isang mana na mas maganda kaysa sa anumang nasa ibang bansa!' Sasabihin ko, 'Tatawagin mo ako, “aking Ama”.' Sasabihin ko na hindi ka dapat tumalikod sa pagsunod sa akin.
Toda rekel sem: ›Kako te bom postavil med otroke in ti dal prijetno deželo, čedno dediščino vojske narodov?‹ Rekel sem: ›Klicala me boš: ›Moj oče‹ in ne boš se odvrnila od mene.‹
20 Ngunit gaya ng isang babaing taksil sa kaniyang asawa, pinagtaksilan mo ako, sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Zagotovo, kakor žena zahrbtno odide od svojega soproga, tako ste zahrbtno ravnali z menoj, oh hiša Izraelova, ‹ govori Gospod
21 “Isang ingay ang narinig sa mga kapatagan, ang pag-iyak at pagsusumamo ng mga Israelita! Sapagkat binago nila ang kanilang mga pamamaraan, nilimot nila ako, si Yahweh na kanilang Diyos.
›Glas je bil slišan na visokih krajih, jokanje in ponižne prošnje Izraelovih otrok, kajti izkrivili so svojo pot in pozabili Gospoda, svojega Boga.
22 Magbalik kayo, mga taong taksil! Pagagalingin ko kayo sa inyong kataksilan!” “Masdan! Lalapit kami sa iyo, sapagkat ikaw si Yahweh na aming Diyos!
Vrnite se, vi odpadli otroci in ozdravil bom vaša odvračanja.‹« »Glej, mi prihajamo k tebi, kajti ti si Gospod, naš Bog.
23 Kasinungalingan lamang ang nagmumula sa mga burol, mula sa mga kabundukan. Tiyak na ang kaligtasan ng Israel ay na kay Yahweh lamang na ating Diyos.
Resnično, zaman je upati na rešitev duše s hribov in od množice gora. Zares, v Gospodu, našem Bogu, je Izraelova rešitev duš.
24 Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang kanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak na lalaki at babae!
Kajti sramota je od naše mladosti požrla trud naših očetov; njihove trope in njihove črede, njihove sinove in njihove hčere.
25 Humiga tayo sa kahihiyan. Takpan nawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayo kay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mga ninuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na ating Diyos.
Uležemo se v svoji sramoti in naša zmešnjava nas pokriva, kajti grešili smo zoper Gospoda, svojega Boga, mi in naši očetje, od svoje mladosti, celo do današnjega dne in nismo ubogali glasu Gospoda, svojega Boga.«