< Jeremias 22 >

1 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Bumaba ka sa tahanan ng hari ng Juda at ipahayag mo ang salitang ito doon.
上主這樣說:「你下到猶大王宮去,在那裏宣佈這話,
2 Sabihin mo, 'Hari ng Juda, ikaw na nakaupo sa trono ni David, makinig ka sa salita ni Yahweh. At makinig, kayo na mga lingkod niya, at kayo na kaniyang mamamayan na pumasok dito sa mga tarangkahan.
說:坐在達味寶座上的猶大王! 你和你的臣僕及從這些門進來的人民,該聆聽上主的話。
3 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Maging makatarungan at makatuwiran, at sinuman ang ninakawan—iligtas siya sa kamay ng mang-aapi sa kaniya. Huwag apihin ang mga dayuhan sa inyong bayan, o anumang ulila o balo. Huwag gagawa ng karahasan o magbubuhos ng dugo ng walang kasalanan sa lugar na ito.
上主這樣說:你們應執行公道正義,從壓迫人的手中解救受剝奪的人,不要傷害虐待外方人和孤兒寡婦,不要在這地方上流無辜者的血。
4 Sapagkat kung talagang gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ang mga haring umupo sa trono ni David ay papasok sa mga tarangkahan ng tahanan niya na nakasakay ng karwahe at mga kabayo. Siya, ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga tao!
假使你們實在照這話去做,必有坐在達味寶座上的君王,乘車騎馬,與自己的臣僕和人民從這宮殿的門進來;
5 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa mga salitang ito mula sa akin na inihayag ko—ito ang pahayag ni Yahweh—kung gayon ang maharlikang palasyong ito ay masisira.'”
倘若你們不聽從這話,我指著自己起誓──上主的斷語──這宮殿必要變為廢墟。
6 Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa palasyo ng hari ng Juda, 'Para sa akin, ikaw ay gaya ng Gilead, o gaya ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Ngunit gagawin kitang isang ilang, mga lungsod na walang mga naninirahan.
因為上主這樣論猶大王的宮殿說:即使你為我有如基肋阿得,又如黎巴嫩的山頂,我仍要使你變為荒野,成為無人居住的城市;
7 Dahil may itinalaga akong mga tagapagwasak upang pumunta laban sa inyo! Mga kalalakihan na may dalang sandata at puputulin ang inyong mga piling puno ng sedar at ilalaglag ang mga ito sa apoy.
我要祝聖那已武裝的毀滅者來攻擊你,砍伐你最佳美的香柏,投入火中。
8 Pagkatapos maraming bansa ang dadaan sa lungsod na ito. Bawat taong daraan ay sasabihin sa kaniyang kasunod, “Bakit kaya nagawa ni Yahweh ang ganito sa dakilang lungsod na ito?”
許多民族經過這城時,必互相問說:為什麼上主這樣對待了這座大城市﹖
9 At sumagot ang isa, “Dahil pinabayaan nila ang kasunduan nila kay Yahweh na kanilang Diyos at yumukod sa ibang mga diyos at sumamba sa kanila.”
人必答說:因為他們廢棄了上主他們的天主的盟約,敬拜事奉了別的神祇。」
10 Huwag iyakan ang namatay. Huwag siyang ipagluksa. Ngunit tiyak na tatangisan ninyo ang sinuman na bibihagin, dahil hindi na siya kailanman makakabalik upang makitang muli ang lupain kung saan siya ipinanganak.'
你們不要為已死的人哭泣,不要為他舉哀;卻要為遠去的人痛哭,因為他不會再回來,見他的生身地。
11 Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoahaz na anak ni Josias na hari ng Juda, na naglingkod bilang hari sa halip na si Josias na kaniyang ama, 'Umalis siya mula sa lugar na ito at hindi na babalik.
因為上主這樣論猶大王約史雅的兒子,即繼承他父親約史雅為王的沙隆說:「他一離開這地方,就不會再回來,
12 Doon siya mamamatay sa lugar kung saan nila siya binihag, at hindi niya kailanman makikitang muli ang lupain na ito.'
必死在被擄去的地方,不會再見此地。」
13 Aba sa sinuman na magpapatayo ng kaniyang tahanan sa paraan na hindi makatuwiran at ang kaniyang mga silid sa itaas na hindi makatarungan; sapagkat pinagawa niya sa ibang manggagawa, ngunit hindi niya sila binayaran.
禍哉,那不以公道正義建築自己的宮殿樓臺,叫人為自己徒勞而不給他工資的人!
14 Aba sa sinuman na magsasabi, 'Magpapatayo ako ng sarili kong tahanan na napakataas at maluluwang na mga silid sa itaas, at malalaki ang pinagawang mga bintana para sa kaniyang sarili at mga dingding na may sedar, at pininturahan lahat ito ng pula.'
他說:我得給自己建築廣大的宮殿,寬敞的樓臺,開設窗戶,鑲上香柏,塗上丹砂。
15 Ito ba ang magpapakita na ikaw ay mabuting hari, kaya gusto mong magkaroon ng sedar na mga dingding? Hindi ba kumain at uminom din ang iyong ama, ngunit gumawa siya ng makatarungan at makatuwiran? Kaya mabuti ang mga bagay na nangyari sa kaniya.
你為王是要以香柏爭勝嗎﹖你父親豈不也吃也喝﹖但他執行公道正義,為此能一切順利;
16 Ang paghuhukom niya ay panig sa mga mahihirap at mga nangangailangan. At maayos ang lahat noon. Hindi ba ito ang kahulugan ng pagkilala sa akin? —Ito ang pinahayag ni Yahweh.
他親自裁判弱小和貧苦人的案件,因此一切順利;這豈不是表示他認識我﹖──上主的斷語──
17 Ngunit walang laman ang inyong mga mata at puso maliban ang pag-aalala sa hindi makatarungan na kikitain ninyo at pagbuhos sa mga dugo ng walang kasalanan, at sa paggawa ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mga iba.
至於你,你的眼和心,只顧私利,只知無辜者的血,施行欺壓和勒索。
18 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda: Hindi nila siya tatangisan ng 'Aba, ang aking kapatid na lalaki!' o 'Aba, ang aking kapatid na babae!' At hindi sila tatangis ng “Aba, panginoon!' o 'Aba, kamahalan!'
為此上主這樣說:「對於猶大王約史雅的兒子約雅金,人必不哀悼他說:哀哉,我兄弟! 或哀哉,我姊妹! 人必不哀悼他說:哀哉,主上! 或哀哉,陛下!
19 Maililibing siya tulad ng paglibing ng isang patay na asno, kakaladkarin palayo at ihahagis sa kabila ng mga tarangkahan ng Jerusalem.
人要埋葬他如同埋葬一匹死驢,將他拖出,拋在耶路撒冷的門外。」
20 Umakyat ka sa mga bundok ng Lebanon at sumigaw. Lakasan mong sumigaw sa Bashan. Sumigaw mula sa mga bundok ng Abarim, dahil lilipulin ang lahat ng iyong mga kaibigan.
你該上黎巴嫩去呼喊,在巴商提高你的聲音,由阿巴陵喊叫,因為你的情侶都已滅亡。
21 Kinausap kita noong panahon na ikaw ay ligtas, ngunit ang sinabi mo, 'Hindi ako makikinig.' Ito ang dati mong kaugalian mula pa ng kabataan mo, dahil hindi ka nakinig sa aking tinig.
在你歡樂時,我曾勸告過你,你卻說:「我不聽從。」你從幼年,就是這般行徑,從不聽我的聲音。
22 Ang hangin ang siyang aakay palayo sa lahat ng iyong mga pastol, at ang mga kaibigan mo ay mapupunta sa pagkabihag. Pagkatapos ay tiyak na mapapahiya at hahamakin ka dahil sa mga masasama ninyong gawa.
你所有的牧人將被風捲去,你的情侶必徒遠方;那時你必因你行的一切邪惡,含羞抱愧。
23 Ikaw na hari, kayo na nakatira sa Tahanan sa Kagubatan ng Lebanon, kayo na nagpupugad sa mga sedar, paano ninyo matitiis kapag darating sa inyo ang pagpapahirap na gaya ng sakit ng panganganak.”
你現在住在黎巴嫩,在香柏樹上營巢,但是,當痛苦,像產婦的痛苦襲擊你時,你將多麼可憐!
24 Dahil buhay ako—ito ang pahayag ni Yahweh— kahit na ikaw, Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, ay ang singsing na pantatak na nasa aking kanang kamay, sisirain kita.
我永在──上主的斷語──猶大王約雅金的兒子苛尼雅,即便你是我右手上蓋章的指環,我也要將你拔除,
25 Dahil ibinigay na kita sa mga kamay ng mga naghahangad sa buhay mo at sa mga dati mong kinatatakutan, ang kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang mga Caldeo.
交在圖謀你性命和你畏懼的人的手中,交在巴比倫王拿步高和加色丁人的手中;
26 Itatapon kita at ang iyong ina na nagsilang sa iyo, sa ibang lupain na hindi ka doon ipinanganak. Doon ka mamamatay.
將你和你生身的母親,拋在不是你們出生的異地,叫你們死在那裏。
27 At tungkol sa bansang ito kung saan nila gustong bumalik, hindi na sila makababalik dito.
他們必不能回到他心靈渴望回去的地方。
28 Ito ba ay hamak at basag na sisidlan? Ito bang lalaking si Jehoiakin ay isang palayok na walang magkakagusto? Bakit kailangan siyang itapon palabas at ang kaniyang mga kaapu-apuhan, at ibuhos sila sa lupaing hindi nila alam?
苛尼雅這人,不是個可鄙而該毀滅的器皿,或無人喜稅的傢具嗎﹖為什麼他和他的後裔被拋棄,被投擲到自己不相識的地方去﹖
29 O Lupa, Lupa, Lupa! Pakinggan mo ang salita ni Yahweh!
地啊! 地啊! 請聆聽上主的話!
30 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Isulat ang tungkol sa lalaking ito na si Jehoiakin: Siya ay mawawalan ng anak. Hindi siya naging masagana sa kaniyang panahon, at wala sa kaniyang mga angkan ang magtatagumpay o kailanman ay hindi makauupo sa trono ni David at maghari sa buong Juda.”'
上主這樣說:「你應記錄:這人是一個無子女,畢生無成就的人,因為他的後裔中,沒有一人能成功,能坐上達味的寶座,再統治猶大。」

< Jeremias 22 >