< Jeremias 20 >
1 Si Pashur na lalaking anak ni Imer na pari—siya ang namumunong opisyal—narinig si Jeremias na nagpapahayag ng mga salitang ito sa harapan ng tahanan ni Yahweh.
Now Pashur, the son of Immer, the priest, who was also chief overseer in the house of Jehovah, heard Jeremiah prophesying these things.
2 Kaya hinampas ni Pashur si Jeremias na propeta at pagkatapos inilagay siya sa mga pangawan na nasa Itaas na Tarangkahan ni Benjamin sa tahanan ni Yahweh.
Then Pashur smote Jeremiah the prophet, and put him in the stocks, that were at the high gate of Benjamin, which was in the house of Jehovah.
3 Nangyari sa sumunod na araw, pinalaya ni Pashur si Jeremias mula sa mga pangawan. At sinabi ni Jeremias sa kaniya, “Hindi ka pinangalanan ni Yahweh na Pashur, ngunit ikaw ay si Magot Missabib.
And on the next day Pashur took Jeremiah out of the stocks. Then said Jeremiah to him, Jehovah calleth thee, not Pashur, but Magor-missabib [[not Safety on every side, but Terror on every side]].
4 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan mo, gagawin kitang isang bagay na kakikilabutan—ikaw at lahat ng iyong minamahal—sapagkat mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway at makikita ito ng iyong mga mata. Ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Gagawin niya silang mga bihag sa Babilonia o lulusubin sila gamit ang espada.
For thus saith Jehovah: Behold, I am about to make thee a terror to thyself and to all thy friends; and they shall fall by the sword of their enemies, thine eyes looking on; and all Judah will I give into the hand of the king of Babylon, who shall carry them captive to Babylon, and shall smite them with the sword.
5 Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng karangyaan at lahat ng kasaganaan ng lungsod na ito, lahat ng mahahalagang bagay at lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda. Ilalagay ko ang mga bagay na ito sa kamay ng inyong mga kaaway at sasamsamin nila ang mga ito. Kukunin nila ang mga ito at dadalhin sa Babilonia.
And I will give all the wealth of this city, and all its possessions, and all its precious things, and all the treasures of the kings of Judah will I give, into the hand of their enemies, and they shall spoil them, and take them and carry them to Babylon.
6 Ngunit ikaw Pashur at ang lahat ng naninirahan sa iyong tahanan ay mabibihag. Pupunta ka sa Babilonia at mamamatay doon. Ikaw at ang lahat ng iyong minamahal na siyang pinagpahayagan mo ng mapanlinlang na mga bagay ay maililibing doon'”.
And thou, Pashur, and all that dwell in thy house, shall go into captivity; thou shalt go to Babylon, and there shalt thou die, and there shalt thou be buried, thou, and all thy friends, to whom thou hast prophesied falsely.
7 Hinikayat mo ako, Yahweh. Tunay nga akong nahikayat. Tinalo at nilupig mo ako. Ako ay naging katatawanan. Araw-araw akong kinukutya ng mga tao, sa lahat ng araw.
Thou didst persuade me, O Jehovah, and I was persuaded; Thou wast stronger than I, and didst prevail. But I am in derision daily, Every one mocketh me.
8 Sapagkat sa tuwing magsasalita ako, isinisigaw at ipinapahayag ko ang, 'Karahasan at pagkawasak.' At ang salita ni Yahweh ay naging paninisi at pangungutya para sa akin araw-araw.
For whenever I speak, I cry out on account of violence, And complain of oppression; For the word of Jehovah bringeth upon me reproach, And daily derision.
9 Kung sasabihin kong, 'Hindi ko na iisipin si Yahweh. Hindi ko na ipapahayag ang kaniyang pangalan.' Magiging tulad ito ng apoy sa aking puso na nasa aking mga buto. Kaya nagsusumikap akong pigilan ito ngunit hindi ko kaya.
So I say, I will no more make mention of him, Nor speak any more in his name; But his word is in my heart like a burning fire, shut up in my bones, And I am weary with forbearing, And I cannot refrain.
10 Nakarinig ako ng usap-usapan ng katatakutan mula sa maraming tao sa paligid. 'Iulat! Dapat natin itong iulat!' Ang mga malapit sa akin ay nanonood upang makita kung babagsak ako. 'Marahil maaari siyang madaya. Kung gayon, maaari natin siyang mahigitan at makapaghiganti sa kaniya.'
For I hear the slander of many, terror on every side; “Tell us something against him, and we will denounce him.” All my familiar friends, they who leave not my side, [[say, ]] “Perhaps he will be enticed, So that we may prevail against him, And take our revenge on him.”
11 Ngunit kasama ko si Yahweh tulad ng makapangyarihang mandirigma, kaya ang mga humahabol sa akin ay matitisod. Hindi nila ako matatalo. Labis silang mapapahiya dahil hindi sila magtatagumpay. Magkakaroon sila ng walang katapusang kahihiyan at hindi ito kailanman malilimutan.
But Jehovah is on my side, like a mighty champion, Therefore shall my persecutors stumble, and not prevail; They shall be covered with shame, because they act not wisely, —With everlasting shame, that shall not be forgotten.
12 Ngunit ikaw, Yahweh ng mga hukbo, ikaw na sumusuri sa matuwid at nakakaalam ng isip at puso. Hayaan mong makita ko ang iyong paghihiganti sa kanila sapagkat ipinakita ko ang aking kalagayan sa iyo.
O Jehovah of hosts, thou that provest the righteous, That seest the reins and the heart, Let me see thy vengeance on them, For to thee have I laid open my cause!
13 Umawit kay Yahweh! Purihin si Yahweh! Sapagkat iniligtas niya ang mga buhay ng mga naapi mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.
Sing to Jehovah! Praise ye Jehovah! For he delivereth the oppressed From the hand of evil-doers.
14 Isumpa nawa ang araw ng aking kapanganakan. Huwag pagpalain ang araw na ipinanganak ako ng aking ina.
Cursed be the day on which I was born; Let not the day on which my mother bore me be blessed!
15 Isumpa ang taong nagsabi sa aking ama na, 'Isang sanggol na lalaki ang ipinanganak para sa iyo,' na nagdulot ng labis na kagalakan.
Cursed be the man who brought the tidings to my father, Saying, “A son is born to thee,” making him very glad!
16 Hayaan ang taong iyon ay maging tulad ng mga lungsod na winasak ni Yahweh nang nawala ang kaniyang awa. Nawa ay marinig niya ang isang panawagan ng tulong sa madaling araw at ang sigaw ng labanan sa tanghali.
Let that man be like the cities which Jehovah overthrew, and relented not; Let him hear an outcry in the morning, And an alarm at noontide;
17 Mangyari nawa ito, yamang hindi ako pinatay ni Yahweh sa sinapupunan o ginawang libingan ko ang aking ina, isang sinapupunang buntis magpakailanman.
Because he slew me not before I saw the light, So that my mother might have been my grave, And her womb have been great with me forever!
18 Bakit ako lumabas sa sinapupunan upang makita ang mga kaguluhan at matinding paghihirap, upang mapuno ng kahihiyan ang aking mga araw?”
Wherefore came I forth from the womb, to see weariness and sorrow, And that my days might be consumed in shame?