< Jeremias 19 >

1 Sinabi ito ni Yahweh, “Pumunta ka at bumili ng banga ng magpapalayok habang kasama mo ang mga nakatatanda sa mga tao at ang mga pari.
Hæc dicit Dominus: Vade, et accipe lagunculam figuli testeam a senioribus populi et a senioribus sacerdotum,
2 At pumunta ka sa lambak ng Ben Hinom kung saan nakabukas ang tarangkahan ng Magpapalayok, at ipahayag mo roon ang mga salitang sasabihin ko sa iyo.
et egredere ad vallem filii Ennom, quæ est juxta introitum portæ fictilis: et prædicabis ibi verba quæ ego loquar ad te.
3 Sabihin mo, 'Pakinggan ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem! Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, “Tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lugar na ito at papanting ang mga tainga ng bawat makikinig nito.
Et dices: [Audite verbum Domini, reges Juda, et habitatores Jerusalem. Hæc dicit Dominus exercituum, Deus Israël: Ecce ego inducam afflictionem super locum istum, ita ut omnis qui audierit illam, tinniant aures ejus,
4 Gagawin ko ito dahil tinalikuran nila ako at hindi iginalang ang lugar na ito. Sa lugar na ito, nag-aalay sila sa ibang mga diyos na hindi nila kilala. Pinuno rin ng kanilang mga ninuno at mga hari ng Juda ang lugar na ito ng walang-salang dugo.
eo quod dereliquerint me, et alienum fecerint locum istum, et libaverunt in eo diis alienis quos nescierunt, ipsi et patres eorum, et reges Juda: et repleverunt locum istum sanguine innocentum,
5 Nagtayo sila ng mga dambana para kay Baal upang sunugin ang kanilang mga anak na lalaki sa apoy bilang mga handog na susunugin para sa kaniya—isang bagay na hindi ko iniutos. Hindi ko sinabi sa kanilang gawin ito ni sumagi man lang sa aking puso.
et ædificaverunt excelsa Baalim, ad comburendos filios suos igni in holocaustum Baalim: quæ non præcepi, nec locutus sum, nec ascenderunt in cor meum.
6 Kaya, tingnan ninyo, darating ang mga araw na hindi na tatawaging Tofet ang lugar na ito, ang lambak ng Ben Hinom, sapagkat ito ay magiging lambak ng Patayan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Propterea ecce dies veniunt, dicit Dominus, et non vocabitur amplius locus iste Topheth, et vallis filii Ennom, sed vallis occisionis.
7 Sa lugar na ito, gagawin kong walang saysay ang mga balak ng Juda at Jerusalem. Bubuwalin ko sila sa pamamagitan ng espada sa harapan ng kanilang mga kaaway at sa pamamagitan ng kamay ng mga naghahangad ng kanilang mga buhay. At ibibigay ko ang kanilang mga bangkay bilang pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.
Et dissipabo consilium Juda et Jerusalem in loco isto, et subvertam eos gladio in conspectu inimicorum suorum, et in manu quærentium animas eorum: et dabo cadavera eorum escam volatilibus cæli et bestiis terræ.
8 At gagawin kong wasak at paksa ng panunutsut ang lungsod na ito, sapagkat ang lahat ng daraan dito ay mangangatog at susutsut dahil sa lahat ng salot nito.
Et ponam civitatem hanc in stuporem, et in sibilum: omnis qui præterierit per eam obstupescet, et sibilabit super universa plaga ejus.
9 Ipapakain ko sa kanila ang laman ng kanilang mga anak, kakainin ng bawat isa ang laman ng kaniyang kapwa sa pagkakulong at sa kagipitan na dinala sa kanila ng kanilang mga kaaway at ng mga naghahangad ng kanilang buhay.'”
Et cibabo eos carnibus filiorum suorum et carnibus filiarum suarum: et unusquisque carnem amici sui comedet in obsidione, et in angustia in qua concludent eos inimici eorum, et qui quærunt animas eorum.]
10 Pagkatapos, babasagin mo ang banga sa harapan ng mga kalalakihang sumama sa iyo.
Et conteres lagunculam in oculis virorum qui ibunt tecum,
11 Sasabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Gagawin ko ang ganitong bagay sa mga taong ito at sa lungsod na ito—ito ang pahayag ni Yahweh—gaya ng pagbasag ni Jeremias sa banga upang hindi na mabuong muli. Ililibing ng mga tao ang mga patay sa Tofet hanggang sa wala nang matirang lugar para sa mga namatay.
et dices ad eos: [Hæc dicit Dominus exercituum: Sic conteram populum istum, et civitatem istam, sicut conteritur vas figuli, quod non potest ultra instaurari: et in Topheth sepelientur, eo quod non sit alius locus ad sepeliendum.
12 Ito ang gagawin ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito kapag gagawin kong tulad ng Tofet ang lugar na ito—ito ang pahayag ni Yahweh—
Sic faciam loco huic, ait Dominus, et habitatoribus ejus, et ponam civitatem istam sicut Topheth.
13 kaya magiging katulad ng Tofet ang mga bahay ng Jerusalem at ng mga hari ng Juda—lahat ng mga tahanan na ang bubungan ay pinagsasambahan ng mga hindi malinis na tao sa lahat ng mga bituin sa langit at nagbubuhos ng inuming mga alay sa ibang mga diyos.'”
Et erunt domus Jerusalem, et domus regum Juda, sicut locus Topheth, immundæ, omnes domus in quarum domatibus sacrificaverunt omni militiæ cæli, et libaverunt libamina diis alienis.]
14 Pagkatapos, pumunta si Jeremias mula sa Tofet, kung saan siya isinugo ni Yahweh upang magpahayag ng propesiya. Tumayo siya sa patyo ng tahanan ni Yahweh at sinabi niya sa lahat ng tao,
Venit autem Jeremias de Topheth, quo miserat eum Dominus ad prophetandum, et stetit in atrio domus Domini, et dixit ad omnem populum:
15 “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, 'Makinig kayo, magdadala ako sa lungsod na ito at sa lahat ng bayan nito ng sakuna na aking ipinahayag laban dito, sapagkat pinatigas nila ang kanilang leeg at tumangging makinig sa aking mga salita.'”
Hæc dicit Dominus exercituum, Deus Israël: Ecce ego inducam super civitatem hanc, et super omnes urbes ejus, universa mala quæ locutus sum adversum eam, quoniam induraverunt cervicem suam ut non audirent sermones meos.

< Jeremias 19 >