< Jeremias 17 >

1 “Ang kasalanan ng Juda ay nasulat gamit ang isang panulat na bakal na may diyamante sa dulo. Ito ay nakaukit sa kanilang mga puso at sa mga sungay ng inyong mga altar.
ユダの罪は鐵の筆金剛石の尖をもてしるされその心の碑と汝らの祭壇の角に鐫らるるなり
2 Naalala ng kanilang mga anak ang kanilang mga altar at ang imahen ni Ashera na nasa madahong mga puno sa mataas na mga burol.
彼らはその子女をおもふが如くに靑木の下と高岡のうへなるその祭壇とアシラをおもふ
3 Naalala nila ang kanilang mga altar na nasa mga bundok sa nayon. Gagawin ko ang inyong mga kayamanan bilang samsam para sa iba. Sapagkat ang inyong kasalanan ay nasa lahat ng mga hangganan.
われ野に在る我山と汝の資產と汝のもろもろの財產および汝の四方の境の内なる汝の罪を犯せる崇邱を擄掠物とならしめん
4 Mawawala sa inyo ang mga mana na ibinigay ko sa inyo. Aalipinin kayo ng inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam, sapagkat kayo ang nagpaalab ng aking galit, kung saan mag-aapoy magpakailanman.”
わが汝にあたへし產業より汝手をはなさん又われ汝をして汝の識ざる地に於て汝の敵につかへしめんそは汝ら我をいからせて限なく燃る火を發したればなり
5 Sinasabi ni Yahweh, “Sumpain ang mga tao na nagtitiwala sa kapwa tao; ang kaniyang kalakasan ay sa laman ngunit itinalikod niya ang kaniyang puso palayo kay Yahweh.
ヱホバかくいひたまふおほよそ人を恃み肉をその臂とし心にヱホバを離るる人は詛るべし
6 Sapagkat siya ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikita ang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatili sa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walang nananahan.
彼は荒野に棄られたる者のごとくならん彼は善事のきたるをみず荒野の燥きたる處鹽あるところ人の住ざる地に居らん
7 Ngunit mapalad ang tao na nagtitiwala kay Yahweh, sapagkat si Yahweh ang kaniyang pag-asa.
おほよそヱホバをたのみヱホバを其恃とする人は福なり
8 Sapagkat magiging katulad siya ng halaman na itinanim sa tabi ng tubig-batis; ang kaniyang mga ugat ay kakalat. Hindi niya makikita ang init na parating, sapagkat ang kaniyang mga dahon ay malalapad at maganda. At sa panahon ng tag-tuyot hindi siya mangangamba, ni titigil ang kaniyang pamumunga.
彼は水の旁に植たる樹の如くならん其根を河にのべ炎熱きたるも恐るるところなしその葉は靑く亢旱の年にも憂へずして絕ず果を結ぶべし
9 Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito?
心は萬物よりも僞る者にして甚だ惡し誰かこれを知るをえんや
10 Ako si Yahweh, ang nakakasaliksik ng kaisipan, ang sumusubok sa puso. Ibibigay ko sa bawat tao ang nararapat sa kaniya, parurusahan ko siya sa bunga ng kaniyang mga nagawa.
われヱホバは心腹を察り腎腸を試みおのおのに其途に順ひその行爲の果によりて報ゆべし
11 Nililimliman ng isang pugo ang itlog na hindi naman siya ang nangitlog. Maaaring may taong yayaman sa kalikuan. Ngunit sa panahon ng kalakasan sa kaniyang buhay, iiwan siya ng mga kayamanang iyon at magiging mangmang sa huli.”
鷓鴣のおのれの生ざる卵をいだくが如く不義をもて財を獲る者あり其人は命の半にてこれに離れその終に愚なる者とならん
12 Ang lugar ng ating templo ay isang maluwalhating trono, nakataas mula sa simula.
榮の位よ原始より高き者わが聖所たる者
13 Si Yahweh ang pag-asa ng Israel. Lahat ng mang-iwan sa iyo ay mapapahiya. Ang mga tumalikod sa iyo na nasa lupain ay puputulin. Sapagkat iniiwan nila si Yahweh, ang bukal ng tubig ng buhay.
イスラエルの望なるヱホバよ凡て汝を離るる者は辱められん我を棄る者は土に錄されん此はいける水の源なるヱホバを離るるによる
14 Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling! Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw ang aking awit ng papuri.
ヱホバよ我を醫し給へ然らばわれ愈んわれを救ひたまへさらば我救はれん汝はわが頌るものなり
15 Tingnan ninyo, sinasabi nila sa akin, 'Nasaan na ang salita ni Yahweh? Hayaang ito ay pumarito!
彼ら我にいふヱホバの言は何にあるやいま之をのぞましめよと
16 Para sa akin, hindi ako tumakbo sa pagiging isang pastol na sumusunod sa inyo. Hindi ko hinangad ang araw ng sakuna. Alam mo ang mga pahayag na lumabas sa aking mga labi. Sila ay ginawa sa iyong harapan.
われ牧者の職を退かずして汝にしたがひ又禍の日を願はざりき汝これを知りたまふ我唇よりいづる者は汝の面の前にあり
17 Huwag maging katatakutan sa akin. Ikaw ang aking kanlungan sa panahon ng kalamidad.
汝我を懼れしむる者となり給ふ勿れ禍の時に汝は我避場なり
18 Nawa ang mga tumutugis sa akin ay mapapahiya, ngunit huwag mo akong gawing kahiya-hiya. Nawa sila ay panghinaan ng loob, ngunit huwag mong hayaang panghinaan ako ng loob. Ipadala ang araw ng sakuna laban sa kanila at wasakin sila ng ibayong pagkawasak.”
我を攻る者を辱しめ給へ我を辱しむるなかれ彼らを怖れしめよ我を怖れしめ給ふなかれ禍の日を彼らに來らしめ滅亡を倍して之を滅し給へ
19 Sinabi ni Yahweh ito sa akin: “Pumunta ka at tumayo sa tarangkahan ng mga tao kung saan pumapasok at lumalabas ang mga hari ng Juda, at sa lahat ng ibang tarangkahan ng Jerusalem.
ヱホバ我にかくいひ給へり汝ゆきてユダの王等の出入する民の門及びヱルサレムの諸の門に立て
20 Sabihin mo sa kanila, 'Pakingggan ninyo ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at lahat ng mga tao ng Juda, at sa bawat naninirahan sa Jerusalem na pumapasok sa mga tarangkahang ito.
彼らにいへ此門より入る所のユダの王等とユダのすべての民とヱルサレムに住るすべての者よ汝らヱホバの言をきけ
21 Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem.
ヱホバかくいひたまふ汝ら自ら愼め安息日に荷をたづさへてヱルサレムの門にいる勿れ
22 At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin.
また安息日に汝らの家より荷を出す勿れ諸の工作をなす勿れ我汝らの先祖に命ぜしごとく安息日を聖くせよ
23 Hindi sila nakinig o nagbigay pansin, kundi pinatigas nila ang kanilang mga leeg upang hindi na nila ako pinakinggan ni tanggapin ang aking pagtutuwid.
されど彼らは遵はず耳を傾けずまたその項を強くして聽ず訓をうけざるなり
24 Ito ay mangyayari kung tunay na nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—at huwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sa halip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga at huwag kayong gagawa ng anumang gawain—
ヱホバいひ給ふ汝らもし謹愼て我にきき安息日に荷をたづさへてこの邑の門にいらず安息日を聖くなして諸の工作をなさずば
25 At ang mga hari, mga prinsipe, at sa mga umupo sa trono ni David na pupunta sa mga tarangkahan ng lungsod na ito na nakakarwahe at may mga nakakabayo, sila at ang kanilang mga pinuno, mga kalalakihan ng Juda at lahat ng naninirahan sa Jerusalem. At ang lungsod na ito ay mananatili magpakailanman.
ダビデの位に坐する王等牧伯たちユダの民ヱルサレムに住る者車と馬に乗てこの邑の門よりいることをえんまた此邑には限なく人すまはん
26 Darating sila mula sa mga lungsod ng Juda at sa lahat ng nasa palibot ng Jerusalem, at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababang lupain, mula sa mga bundok at mula sa Negev, magdadala ng mga susunuging handog, mga alay, at mga pagkaing handog at kamanyang. At magdadala sila ng mga handog pasasalamat sa aking tahanan.
また人々ユダの邑とヱルサレムの四周およびベニヤミンの地と平地と山と南の方よりきたり燔祭 犠牲 素祭 馨香 謝祭を携へてヱホバの室にいらん
27 Ngunit kung hindi kayo makikinig, upang ilaan ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh—kung magpapasan kayo ng mga pasanin sa mga tarangkahan ng Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga, kung gayon sisindihan ko ng apoy ang mga tarangkahan, apoy na susunog sa mga tanggulan ng Jerusalem, at hindi ito mapapatay.”
されど汝らもし我に聽ずして安息日を聖くせず安息日に荷をたづさへてヱルサレムの門にいらばわれ火をその門の内に燃してヱルサレムの殿舍を燬んその火は滅ざるべし

< Jeremias 17 >