< Jeremias 16 >

1 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin, nagsasabi,
Kaj aperis al mi la vorto de la Eternulo, dirante:
2 “Huwag kang mag-aasawa, at huwag magkaroon ng mga anak na lalaki o babae sa lugar na ito.
Ne prenu al vi edzinon, kaj ne havu filojn nek filinojn, sur ĉi tiu loko.
3 Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh sa mga anak na lalaki at babae na ipinanganak sa lugar na ito, sa mga ina na nagsilang sa kanila, at sa mga ama na naging dahilan ng pagkakasilang nila sa lupaing ito.
Ĉar tiele diras la Eternulo pri la filoj kaj filinoj, kiuj naskiĝas sur ĉi tiu loko, pri iliaj patrinoj, kiuj naskas ilin, kaj pri iliaj patroj, kiuj naskigas ilin en ĉi tiu lando:
4 Sila ay mamamatay sa sakit. Walang magluluksa para sa kanila at manlilibing. Magiging katulad sila ng dumi na nasa lupa. Sapagkat darating ang kanilang wakas sa pamamagitan ng espada at taggutom, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.'
Per diversaj doloraj mortoj ili mortos; ili ne estos priplorataj nek enterigitaj, ili estos kiel sterko sur la supraĵo de la tero; de glavo kaj de malsato ili pereos, kaj iliaj kadavroj estos manĝaĵo por la birdoj de la ĉielo kaj por la bestoj de la tero.
5 Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh, 'Huwag kang pumasok sa anumang bahay kung saan may nagluluksa. Huwag kang pupunta sa may nananaghoy, at huwag kang makidalamhati sa mga taong ito. Dahil tinipon ko ang aking kapayapaan, tipan na may katapatan, at mga gawang may kaawaan, mula sa mga taong ito! —Ito ang pahayag ni Yahweh—
Ĉar tiele diras la Eternulo: Ne eniru en la domon de plorado, ne iru funebri, kaj ne konsolu ilin; ĉar Mi forprenis de tiu popolo Mian pacon, diras la Eternulo, la favorkorecon kaj la kompaton.
6 kaya ang dakila at ang hamak ay mamamatay sa lupang ito. Sila ay hindi ililibing, at walang sinumang magluluksa para sa kanila. Isa man ay walang magsusugat sa kanilang sarili o mag-aahit ng kanilang mga ulo para sa kanila.
Mortos la granduloj kaj la malgranduloj en tiu lando; ili ne estos enterigitaj nek priplorataj; oni ne faros al si tranĉojn nek kalvaĵon pro ili.
7 Wala isa mang magbabahagi ng pagkain sa pagluluksa upang aliwin sila dahil sa kamatayan, at walang dapat magbigay ng pang-aliw na baso sa kaniyang ama o ina para aliwin sila.
Oni ne disdonos inter ili panon de funebro, por konsoli ilin pri la mortinto, kaj oni ne trinkigos al ili kalikon de konsolo pri ilia patro kaj pri ilia patrino.
8 Hindi ka dapat pumunta sa handaan sa isang tahanan upang makiupo sa kanila na kumain at uminom.'
Ankaŭ en la domon de festeno ne iru, por sidi kun ili, por manĝi kaj trinki.
9 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, 'Tingnan mo, sa harapan mo, sa iyong mga araw at sa lugar na ito, wawakasan ko ang inyong mga tugtugang masasaya at pagdiriwang, ang mga tinig ng lalaki at at ng babaeng ikakasal.'
Ĉar tiele diras la Eternulo Cebaot, Dio de Izrael: Jen Mi forigos de ĉi tiu loko antaŭ viaj okuloj kaj dum via vivo la sonojn de ĝojo kaj la sonojn de gajeco, la voĉon de fianĉo kaj la voĉon de fianĉino.
10 At kung nangyari ito, ibalita mo sa lahat ang mga salitang ito sa mga tao, at sasabihin nila sa iyo, “Bakit niloob ni Yahweh ang lahat ng malaking sakunang ito sa atin? Anong kasamaan at kasalanan ang aming nagawa laban sa ating Diyos na si Yahweh?
Kiam vi diros al tiu popolo ĉiujn ĉi tiujn vortojn, kaj ili diros al vi: Pro kio la Eternulo eldiris pri ni tiun tutan grandan malfeliĉon? kia estas nia krimo, kaj kia estas nia peko, kiun ni pekis antaŭ la Eternulo, nia Dio? —
11 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Dahil iniwan ako ng inyong mga ninuno—Ito ang pahayag ni Yahweh—at sumunod sila sa ibang mga diyos at sumamba at lumuhod sa mga ito. Iniwan nila ako at hindi sinunod ang aking kautusan.
tiam diru al ili: Pro tio, ke viaj patroj forlasis Min, diras la Eternulo, kaj sekvis aliajn diojn kaj servis kaj adorkliniĝis al ili, dum Min ili forlasis kaj Mian instruon ne obeis;
12 Ngunit nagdala kayo ng higit na kasamaan kaysa sa inyong mga ninuno, sapagkat tingnan ninyo, bawat tao ay lumalakad sa katigasan at kasamaan ng kaniyang puso; wala isa mang nakikinig sa akin.
kaj vi agas ankoraŭ pli malbone ol viaj patroj, kaj ĉiu el vi sekvas la obstinecon de sia malbona koro, ne aŭskultante Min;
13 Kaya ipapatapon ko kayo mula sa lupaing ito patungo sa isang lupaing hindi ninyo kilala, kayo o ang inyong mga ninuno, at sasamba kayo roon sa ibang mga diyos sa araw at gabi, sapagkat wala na akong ibibigay sa inyo na anumang tulong.”
tial Mi elĵetos vin el ĉi tiu lando en landon, kiun ne konis vi nek viaj patroj, kaj vi servos tie al aliaj dioj tage kaj nokte, ĉar Mi ne donos al vi indulgon.
14 Kaya tingnan ninyo! Darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi na magtatagal wala ng magsasabi nito, 'Buhay si Yahweh, na siyang nagdala sa mga tao ng Israel mula sa lupain ng Egipto.'
Pro tio jen venos tempo, diras la Eternulo, kiam oni ne plu diros: Vivas la Eternulo, kiu elkondukis la Izraelidojn el la lando Egipta;
15 Sapagkat buhay si Yahweh, ang nagdala sa mga tao ng Israel sa hilagang lupain at sa mga lupain na kung saan ikinalat niya sila, ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.
sed: Vivas la Eternulo, kiu elkondukis la Izraelidojn el la lando norda, kaj el ĉiuj landoj, kien Li dispelis ilin; ĉar Mi revenigos ilin en ilian landon, kiun Mi donis al iliaj patroj.
16 Tingnan ninyo! magpapadala ako ng maraming mangingisda—Ito ang pahayag ni Yahweh—upang hulihin nila ang mga tao. Pagkatapos nito, ipadadala ko ang maraming mangangaso upang hanapin sila sa lahat ng kabundukan at mga burol, at sa mga bitak ng bato.
Jen Mi sendos multe da fiŝkaptistoj, diras la Eternulo, por kapti ilin; poste Mi sendos multe da ĉasistoj, por ĉasi ilin de ĉiu monto, de ĉiu monteto, kaj el la fendoj de la rokoj.
17 Sapagkat ang aking paningin ay laging nasa kanilang mga gawa. Hindi sila makapagtatago sa harapan ko. Ang kanilang mga kasamaan ay hindi nalilingid sa aking mga paningin.
Ĉar Miaj okuloj vidas ĉiujn iliajn vojojn; ili ne estas kovritaj antaŭ Mi, kaj iliaj malbonagoj ne estas kaŝitaj antaŭ Miaj okuloj.
18 Una kong pagbabayarin ng dalawang beses ang kanilang kasamaan at kasalanan dahil dinungisan nila ang aking lupain ng kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosang imahen, at dinungisan nila ang aking mana ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan.”
Antaŭ ĉio Mi duoble pagos pro iliaj malbonagoj kaj iliaj pekoj, pro tio, ke ili malpurigis Mian landon: per la kadavroj de siaj idoloj kaj per siaj abomenindaĵoj ili plenigis Mian heredaĵon.
19 Yahweh, ikaw ang aking matibay na tanggulan, aking kanlungan, aking ligtas na lugar sa panahon ng kabagabagan. Ang mga bansa ay pupunta sa iyo mula sa wakas ng lupa at magsasabi, “Tunay na ang aming mga ninuno ay nagmana ng panlilinlang. Wala silang alam; walang pakinabang sa kanila.
Ho Eternulo, mia forto kaj mia fortikeco kaj mia rifuĝo en tempo de malfeliĉo! al Vi venos nacioj de la randoj de la tero, kaj diros: Nur malverajn diojn heredis niaj patroj; ili estas vantaĵo, ili taŭgas por nenio.
20 Gumawa ba ang mga tao ng diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili? Ngunit sila ay hindi mga diyos.
Ĉu povas homo fari al si diojn? ili ne estas ja dioj.
21 Kaya tingnan ninyo! Ipapaalam ko sa kanila sa panahong ito, ipapakilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan, kaya makikilala nila na ang pangalan ko ay Yahweh.”
Tial jen Mi prudentigos ilin; tiun fojon Mi sentigos al ili Mian manon kaj Mian forton; kaj ili ekscios, ke Mia nomo estas Eternulo.

< Jeremias 16 >