< Jeremias 15 >
1 At sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na tumayo sa aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin ako maaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapan para makapunta sa malayo.
And Jehovah saith unto me: Though Moses and Samuel should stand before Me, My soul is not toward this people, Send from before My face, and they go out.
2 At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.'
And it hath come to pass, when they say to thee, Whither do we go out? that thou hast said unto them, Thus said Jehovah: Those who [are] for death — to death, And those who are for the sword, to the sword, And those who are for famine, to famine, And those who are for captivity, to captivity.
3 Ito ang pahayag ni Yahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat. Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga aso ay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdig ay upang kainin at wasakin ang ilan.
And I have appointed over them four kinds, an affirmation of Jehovah, The sword to slay, and the dogs to drag, And the fowl of the heavens, And the beast of the earth, to consume and to devour.
4 Gagawin ko sa kanila ang mga katakut-takot na bagay sa lahat ng mga kaharian sa daigdig, sa pananagutan ni Manases na anak ni Hezekias na hari ng Juda dahil sa ginawa niya sa Jerusalem.
And I have given them for a trembling To all kingdoms of the earth, Because of Manasseh son of Hezekiah king of Judah, For that which he did in Jerusalem.
5 Sapagkat sino ang mahahabag para sa iyo, Jerusalem? Sino ang magluluksa para sa iyo? Sino ang lilingon upang magtanong tungkol sa iyong kapakanan?
For who hath pity on thee, O Jerusalem? And who doth bemoan for thee? And who turneth aside to ask of thy welfare?
6 Ito ang pahayag ni Yahweh: Tinalikuran mo ako at lumayo ka sa akin. Kaya hahampasin kita ng aking mga kamay at wawasakin kita. Pagod na akong magkaroon ng awa sa iyo.
Thou — thou hast left Me — an affirmation of Jehovah, Backward thou goest, And I stretch out My hand against thee, And I destroy thee, I have been weary of repenting,
7 Kaya, tatahipan ko sila sa mga tarangkahan ng lupain sa pamamagitan ng isang pantuhog ng mga dayami. Gagawin ko silang ulila. Wawasakin ko ang aking mga tao yamang hindi sila tumatalikod sa kanilang mga gawain.
And I scatter them with a fan, in the gates the land, I bereaved, I have destroyed My people, From their ways they turned not back.
8 Gagawin kong mas marami ang bilang ng kanilang mga balo kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan. Sa katanghalian, ipadadala ko ang mga maninira laban sa mga ina ng mga batang lalaki. Hahayaan kong dumating sa kanila ng biglaan ang pagkasindak at pagkatakot.
Its widows have been more to Me than the sand of the seas, I brought in to them — against the mother — A young man — a spoiler — at noon. I caused to fall upon her suddenly, wrath and trouble.
9 Mawawalan ng malay ang isang ina na mamamatay ang pitong anak. Kakapusin siya sa paghinga. Magdidilim ang kaniyang araw habang maliwanag pa. Mahihiya at mapapahiya siya, sapagkat ibibigay ko ang mga natira sa espada ng kanilang mga kaaway. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Languished hath the bearer of seven, She hath breathed out her spirit, Gone in hath her sun while yet day, It hath been ashamed and confounded, And their residue to the sword I give up before their enemies, An affirmation of Jehovah.
10 Kaawa-awa ako, aking ina! Dahil isinilang mo ako, isa akong tao na pinag-uusapan at pinagtatalunan sa buong lupain. Hindi ako nagpautang, ni walang sinuman ang umutang sa akin, ngunit sinusumpa nila akong lahat.
Woe to me, my mother, For thou hast borne me a man of strife, And a man of contention to all the land, I have not lent on usury, Nor have they lent on usury to me — All of them are reviling me.
11 Sinabi ni Yahweh: “Hindi ba kita sasagipin para sa iyong kabutihan? Titiyakin ko na hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad at matinding pagkabalisa ang iyong mga kaaway.
Jehovah said, Did I not direct thee for good? Did not I intercede for thee in a time of evil, And in a time of adversity, with the enemy?
12 Kaya ba ng isang tao na durugin ang bakal? Lalung-lalo na ang mga bakal na nagmula sa hilaga na may halong mga tanso?
Doth one break iron — northern iron, and brass?
13 Ibibigay ko sa iyong mga kaaway ang iyong karangyaan at mga kayamanan bilang malayang pagnanakaw. Gagawin ko ito dahil sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa lahat ng inyong nasasakupan.
Thy strength and thy treasures For a prey I do give — not for price, Even for all thy sins, and in all thy borders.
14 At hahayaan kong dalhin kayo ng inyong mga kaaway sa isang lupain na hindi ninyo alam, sapagkat magliliyab ang isang apoy at sisiklab ang aking poot sa inyo.”
And I have caused thine enemies To pass over into the land — Thou hast not known, For a fire hath been kindled in Mine anger, Against you it doth burn.
15 Alam mo sa iyong sarili, Yahweh! Alalahanin mo ako at tulungan ako. Ipaghiganti mo ako laban sa aking mga manunugis. Sa iyong pagtitiis, huwag mo akong ilayo. Kilalanin mo na nagdusa ako sa pagsisi para sa iyo.
Thou, Thou hast known, O Jehovah, Remember me, and inspect me, And take vengeance for me of my pursuers, In Thy long-suffering take me not away, Know — I have borne for Thee reproach.
16 Natagpuan ang iyong mga salita at naintindihan ko ang mga ito. Kagalakan sa akin ang iyong mga salita, isang kagalakan sa aking puso, sapagkat ipinahayag sa akin ang iyong pangalan, Yahweh na Diyos ng mga hukbo.
Thy words have been found, and I eat them, And Thy word is to me for a joy, And for the rejoicing of my heart, For Thy name is called on me, O Jehovah, God of Hosts.
17 Hindi ako umupo sa gitna ng mga nagdiwang at nagsaya. Umupo akong nag-iisa dahil sa makapangyarihan mong kamay, sapagkat pinuno mo ako ng iyong pagkagalit.
I have not sat in an assembly of deriders, Nor do I exult, because of thy hand, — Alone I have sat, For [with] indignation Thou hast filled me.
18 Bakit hindi nawawala ang sakit at walang lunas ang aking mga sugat at hindi gumagaling? Magiging katulad ka ba ng mapanlinlang na tubig sa akin, mga tubig na natuyo?
Why hath my pain been perpetual? And my wound incurable? It hath refused to be healed, Thou art surely to me as a failing stream, Waters not stedfast.
19 Kaya sinabi ito ni Yahweh, “Kung magsisisi ka Jeremias, panunumbalikin kita at tatayo ka sa aking harapan at maglilingkod sa akin. Sapagkat kapag pinaghiwalay mo ang mga bagay na walang kabuluhan sa mga mahahalagang bagay, magiging tulad ka ng aking bibig. Babalik sa iyo ang mga tao, ngunit dapat hindi ikaw ang mismong bumalik sa kanila.
Therefore, thus said Jehovah: If thou turnest back, then I bring thee back, Before Me thou dost stand, And if thou bringest out the precious from the vile, As My mouth thou art! They — they turn back unto thee, And thou dost not turn back unto them.
20 Gagawin kitang tulad ng isang tansong pader na hindi matitibag ng mga taong ito at magsasagawa sila ng digmaan laban sa iyo. Ngunit hindi ka nila matatalo sapagkat kasama mo ako upang iligtas at sagipin ka.
And I have made thee to this people For a wall — brazen — fenced, And they have fought against thee, And they do not prevail against thee, For with thee [am] I to save thee, And to deliver thee — an affirmation of Jehovah,
21 Sapagkat sasagipin kita mula sa kamay ng mga masasama at tutubusin kita mula sa kamay ng mga mang-aapi. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
And I have delivered thee from the hand of evil doers, And I have ransomed thee From the hand of the terrible!