< Jeremias 14 >
1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias tungkol sa tagtuyot,
The word of Jehovah, which came to Jeremiah concerning a drought.
2 “Hayaang magluksa ang Juda, hayaang gumuho ang kaniyang mga tarangkahan. Tumataghoy sila para sa lupain, lumalakas ang kanilang pag-iyak para sa Jerusalem.
Judah mourneth, And the gates thereof languish; They are in deep mourning upon the ground. And the cry of Jerusalem goeth up.
3 Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
The nobles send their younger ones for water; They come to the wells, they find none; They return with their vessels empty; They are ashamed and confounded; They cover their heads.
4 Dahil dito, nabitak ang lupa sapagkat walang ulan sa lupain. Nahihiya ang mga mag-aararo at tinatakpan nila ang kanilang mga ulo.
Because of the ground, which is in consternation, No rain falling upon the earth, The husbandmen are ashamed, They hide their heads.
5 Sapagkat iniiwan din maging ng babaing usa ang kaniyang maliliit na anak sa parang at pinababayaan ang mga ito sapagkat walang damo.
Even the hind in the field is delivered, And deserteth her young, Because there is no grass.
6 Tumatayo sa mga tigang na kapatagan ang mga maiilap na asno at humihingal sa hangin tulad ng mga asong-gubat. Lumalabo ang kanilang mga mata dahil walang halaman.”
The wild asses stand upon the hills, They snuff up the wind like jackals; Their eyes fail, Because there is no grass.
7 Kahit na nagpapatotoo laban sa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumilos ka para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasala kami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng aming pananampalataya.
Though our iniquities testify against us, Yet do thou, O Jehovah, act from a regard to thine own name. For our transgressions have been many; We have sinned against thee.
8 Ang pag-asa ng Israel, ang siyang nagligtas sa kaniya sa panahon ng matinding pagkabalisa, bakit ka magiging katulad ng isang dayuhan sa lupain, katulad ng isang banyagang gumagala na nagpapalipas at nananatili lamang ng isang gabi?
O thou hope of Israel, His saviour in the time of trouble, Why wilt thou be as a stranger in the land, As a traveller who spreadeth his tent to pass the night?
9 Bakit ka magiging katulad ng isang taong nalilito, katulad ng isang mandirigma na hindi kayang sagipin ang sinuman? Sapagkat nasa kalagitnaan ka namin, Yahweh! Ipinahayag sa amin ang iyong pangalan. Huwag mo kaming iwanan.
Why wilt thou be as a man that is amazed, As a hero that cannot save? Thou art in the midst of us, O Jehovah, And we are called by thy name; Do not forsake us!
10 Sinabi ito ni Yahweh sa mga taong ito: “Yamang ibig nilang maglibot at hindi nila pinigil ang kanilang mga paa na magpatuloy.” Hindi nalugod si Yaweh sa kanila. Ngayon, inalala niya ang kanilang kasamaan at pinarusahan niya ang kanilang mga kasalanan.
Thus saith Jehovah concerning this people: Thus they love to wander, They restrain not their feet; Therefore Jehovah doth not accept them; Now will he remember their iniquities, And punish their sins.
11 Sinabi ni Yahweh sa akin, “Huwag kang manalangin para sa ikabubuti ng mga taong ito.
Then said Jehovah to me: Pray not for this people for their good!
12 Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.”
Though they fast, I will not hear their cry; Though they offer burnt-offerings and flour-offerings, I will not accept them; But by the sword, and by famine, and by pestilence, I will make an end of them.
13 At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'
Then said I, Alas! O Lord Jehovah! Behold, the prophets say to them, “Ye shall not see the sword, Nor shall famine come upon you; But Jehovah will give you lasting peace in this place.”
14 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo.”
Then said Jehovah to me: The prophets prophesy lies in my name; I have not sent them, nor commissioned them, nor spoken to them; A false vision, and divination, and vanity, And the fraud of their hearts, do they prophesy to you.
15 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tungkol sa mga propeta na nagpapahayag sa aking pangalan ngunit hindi ko ipinadala at ang mga nagsasabing walang espada at taggutom sa lupaing ito. Mamamatay ang mga propetang ito sa pamamagitan ng espada at taggutom.
Therefore thus saith Jehovah concerning the prophets Who prophesy in my name, though I sent them not, But who themselves say, “The sword and famine shall not be in this land”: By the sword and by famine shall those prophets be consumed.
16 At ang mga tao na kanilang pinagpahayagan ay maitatapon sa labas ng mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at espada, sapagkat walang sinuman ang maglilibing sa kanila. Sa kanila, sa kanilang mga asawang babae o sa kanilang mga anak. Sapagkat ibubuhos ko sa kanila ang kanilang mga kasamaan.
And the people to whom they prophesy Shall be cast forth in the streets of Jerusalem By means of famine and the sword; And they shall have none to bury them, —They, their wives, and their sons, and their daughters; For I will pour their wickedness upon them.
17 Sabihin mo ang salitang ito sa kanila: 'Hayaang dumaloy sa aking mata ang mga luha sa araw at gabi. Huwag itong pigilan, sapagkat magkakaroon ng isang matinding pagkawasak ang birhen na anak ng aking mga tao. Isang napakalaki at walang lunas na sugat.
Thus also shalt thou speak to them: My eyes shall run down with tears night and day; They shall not cease; For a deep wound hath she received, The virgin daughter of my people, A deadly blow.
18 Kung lalabas ako sa parang at tumingin! mayroong mga pinatay sa pamamagitan ng espada. At kung pupunta ako sa lungsod at tumingin! mayroong mga nagkasakit dahil sa taggutom. Kahit na ang mga propeta at ang mga paring naglilibot sa lupain ay walang nalalaman.”'
If I go forth into the fields, Then behold them that are slain by the sword! And if I enter the city, Then behold them that pine with famine! Both prophet and priest wander about the land, they know not whither.
19 Ganap mo bang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalingan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunit walang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, para sa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.
Hast thou utterly rejected Judah? Doth thy soul abhor Zion? Why hast thou smitten us, so that there is no healing for us! We look for peace, and there is no good, For a time of healing, and behold, terror!
20 Inaamin namin, Yahweh, ang aming mga kasalanan at ang kasamaan ng aming mga ninuno, sapagkat nagkasala kami sa iyo.
We acknowledge, O Jehovah, our wickedness, And the iniquity of our fathers; For we have sinned against thee.
21 Huwag mo kaming itakwil! Huwag mong gawing kahihiyan ang iyong maluwalhating trono para sa kapakanan ng iyong pangalan. Alalahanin at huwag sirain ang iyong kasunduan sa amin.
Do not spurn us, for thy name's sake! Do not dishonor thy glorious throne! Call to mind, break not, thy covenant with us!
22 Mayroon ba sa mga diyus-diyosan ng mga bansa na kayang gawin ang sinuman na paulanin ang kalangitan sa panahon ng tagsibol? Hindi ba ikaw Yahweh, na aming Diyos ang gumawa ng mga ito? Umaasa kami sa iyo, sapagkat ikaw ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.
Are there among the vanities of the nations any that can cause rain? Or can the heavens give showers? Art not thou he, O Jehovah, our God? Therefore in thee will we trust, For thou hast made all these things!