< Jeremias 14 >
1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias tungkol sa tagtuyot,
耶和华论到干旱之灾的话临到耶利米:
2 “Hayaang magluksa ang Juda, hayaang gumuho ang kaniyang mga tarangkahan. Tumataghoy sila para sa lupain, lumalakas ang kanilang pag-iyak para sa Jerusalem.
犹大悲哀,城门衰败。 众人披上黑衣坐在地上; 耶路撒冷的哀声上达。
3 Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
他们的贵胄打发家僮打水; 他们来到水池, 见没有水,就拿着空器皿, 蒙羞惭愧,抱头而回。
4 Dahil dito, nabitak ang lupa sapagkat walang ulan sa lupain. Nahihiya ang mga mag-aararo at tinatakpan nila ang kanilang mga ulo.
耕地的也蒙羞抱头; 因为无雨降在地上, 地都干裂。
5 Sapagkat iniiwan din maging ng babaing usa ang kaniyang maliliit na anak sa parang at pinababayaan ang mga ito sapagkat walang damo.
田野的母鹿生下小鹿,就撇弃, 因为无草。
6 Tumatayo sa mga tigang na kapatagan ang mga maiilap na asno at humihingal sa hangin tulad ng mga asong-gubat. Lumalabo ang kanilang mga mata dahil walang halaman.”
野驴站在净光的高处,喘气好像野狗; 因为无草,眼目失明。
7 Kahit na nagpapatotoo laban sa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumilos ka para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasala kami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng aming pananampalataya.
耶和华啊,我们的罪孽虽然作见证告我们, 还求你为你名的缘故行事。 我们本是多次背道,得罪了你。
8 Ang pag-asa ng Israel, ang siyang nagligtas sa kaniya sa panahon ng matinding pagkabalisa, bakit ka magiging katulad ng isang dayuhan sa lupain, katulad ng isang banyagang gumagala na nagpapalipas at nananatili lamang ng isang gabi?
以色列所盼望、在患难时作他救主的啊, 你为何在这地像寄居的, 又像行路的只住一宵呢?
9 Bakit ka magiging katulad ng isang taong nalilito, katulad ng isang mandirigma na hindi kayang sagipin ang sinuman? Sapagkat nasa kalagitnaan ka namin, Yahweh! Ipinahayag sa amin ang iyong pangalan. Huwag mo kaming iwanan.
你为何像受惊的人, 像不能救人的勇士呢? 耶和华啊,你仍在我们中间; 我们也称为你名下的人, 求你不要离开我们。
10 Sinabi ito ni Yahweh sa mga taong ito: “Yamang ibig nilang maglibot at hindi nila pinigil ang kanilang mga paa na magpatuloy.” Hindi nalugod si Yaweh sa kanila. Ngayon, inalala niya ang kanilang kasamaan at pinarusahan niya ang kanilang mga kasalanan.
耶和华对这百姓如此说: 这百姓喜爱妄行, 不禁止脚步, 所以耶和华不悦纳他们。 现今要记念他们的罪孽, 追讨他们的罪恶。
11 Sinabi ni Yahweh sa akin, “Huwag kang manalangin para sa ikabubuti ng mga taong ito.
耶和华又对我说:“不要为这百姓祈祷求好处。
12 Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.”
他们禁食的时候,我不听他们的呼求;他们献燔祭和素祭,我也不悦纳;我却要用刀剑、饥荒、瘟疫灭绝他们。”
13 At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'
我就说:“唉!主耶和华啊,那些先知常对他们说:‘你们必不看见刀剑,也不遭遇饥荒;耶和华要在这地方赐你们长久的平安。’”
14 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo.”
耶和华对我说:“那些先知托我的名说假预言,我并没有打发他们,没有吩咐他们,也没有对他们说话;他们向你们预言的,乃是虚假的异象和占卜,并虚无的事,以及本心的诡诈。
15 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tungkol sa mga propeta na nagpapahayag sa aking pangalan ngunit hindi ko ipinadala at ang mga nagsasabing walang espada at taggutom sa lupaing ito. Mamamatay ang mga propetang ito sa pamamagitan ng espada at taggutom.
所以耶和华如此说:论到托我名说预言的那些先知,我并没有打发他们;他们还说这地不能有刀剑饥荒,其实那些先知必被刀剑饥荒灭绝。
16 At ang mga tao na kanilang pinagpahayagan ay maitatapon sa labas ng mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at espada, sapagkat walang sinuman ang maglilibing sa kanila. Sa kanila, sa kanilang mga asawang babae o sa kanilang mga anak. Sapagkat ibubuhos ko sa kanila ang kanilang mga kasamaan.
听他们说预言的百姓必因饥荒刀剑抛在耶路撒冷的街道上,无人葬埋。他们连妻子带儿女,都是如此。我必将他们的恶倒在他们身上。”
17 Sabihin mo ang salitang ito sa kanila: 'Hayaang dumaloy sa aking mata ang mga luha sa araw at gabi. Huwag itong pigilan, sapagkat magkakaroon ng isang matinding pagkawasak ang birhen na anak ng aking mga tao. Isang napakalaki at walang lunas na sugat.
你要将这话对他们说: 愿我眼泪汪汪, 昼夜不息, 因为我百姓受了裂口破坏的大伤。
18 Kung lalabas ako sa parang at tumingin! mayroong mga pinatay sa pamamagitan ng espada. At kung pupunta ako sa lungsod at tumingin! mayroong mga nagkasakit dahil sa taggutom. Kahit na ang mga propeta at ang mga paring naglilibot sa lupain ay walang nalalaman.”'
我若出往田间, 就见有被刀杀的; 我若进入城内, 就见有因饥荒患病的; 连先知带祭司在国中往来, 也是毫无知识。
19 Ganap mo bang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalingan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunit walang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, para sa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.
你全然弃掉犹大吗? 你心厌恶锡安吗? 为何击打我们,以致无法医治呢? 我们指望平安,却得不着好处; 指望痊愈,不料,受了惊惶。
20 Inaamin namin, Yahweh, ang aming mga kasalanan at ang kasamaan ng aming mga ninuno, sapagkat nagkasala kami sa iyo.
耶和华啊,我们承认自己的罪恶, 和我们列祖的罪孽, 因我们得罪了你。
21 Huwag mo kaming itakwil! Huwag mong gawing kahihiyan ang iyong maluwalhating trono para sa kapakanan ng iyong pangalan. Alalahanin at huwag sirain ang iyong kasunduan sa amin.
求你为你名的缘故, 不厌恶我们, 不辱没你荣耀的宝座。 求你追念, 不要背了与我们所立的约。
22 Mayroon ba sa mga diyus-diyosan ng mga bansa na kayang gawin ang sinuman na paulanin ang kalangitan sa panahon ng tagsibol? Hindi ba ikaw Yahweh, na aming Diyos ang gumawa ng mga ito? Umaasa kami sa iyo, sapagkat ikaw ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.
外邦人虚无的神中有能降雨的吗? 天能自降甘霖吗? 耶和华—我们的 神啊, 能如此的不是你吗? 所以,我们仍要等候你, 因为这一切都是你所造的。