< Jeremias 13 >
1 Sinabi ito sa akin ni Yahweh, “Pumunta ka at bumili ng isang lino na damit-panloob at isuot mo ito sa palibot ng iyong baywang, ngunit huwag mo muna itong ilagay sa tubig.”
Овако ми рече Господ: Иди и купи себи појас ланен и опаши се њим, а не мећи га у воду.
2 Kaya bumili ako ng isang damit-panloob gaya ng iniutos ni Yahweh at isinuot ko ito sa palibot ng aking baywang.
Тако купих појас по речи Господњој, и опасах се њим.
3 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin sa pangalawang pagkakataon at sinabi,
Потом дође ми опет реч Господња говорећи:
4 “Kunin mo ang damit-panloob na iyong binili na nakapalibot sa iyong baywang, tumayo ka at maglakbay sa Eufrates. Itago mo ito doon sa siwang ng isang bato.”
Узми тај појас што си купио, што је око тебе, па се дигни и иди на Ефрат, и сакриј га онде у какву раселину камену.
5 Kaya pumunta ako at itinago ito sa Eufrates gaya ng iniutos sa akin ni Yahweh.
И отидох и сакрих га код Ефрата, како ми заповеди Господ.
6 Makalipas ang maraming araw, sinabi sa akin ni Yahweh, “Tumayo ka at bumalik sa Eufrates. Kunin mo mula doon ang damit-panloob na sinabi kong itago mo.”
А после много времена рече ми Господ: Устани и иди на Ефрат, и узми појас који ти заповедих да сакријеш онде.
7 Kaya, bumalik ako sa Eufrates at hinukay ang damit-panloob kung saan ko ito itinago. Ngunit, masdan mo! Nawasak ang damit-panloob, hindi na ito maganda.
И отидох на Ефрат и откопах и узех појас с места где га бејах сакрио; а гле, појас отрухнуо, и не беше низашта.
8 At muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Тада ми дође реч Господња говорећи:
9 “Sinasabi ito ni Yahweh: Sa parehong paraan, wawasakin ko ang labis na kayabangan ng Juda at Jerusalem.
Овако вели Господ: Тако ћу учинити да отруне понос Јудин и велики понос јерусалимски,
10 Ang mga masasamang taong ito na tumangging makinig sa aking mga salita, mga taong lumalakad sa katigasan ng kanilang mga puso, mga taong sumusunod sa ibang mga diyos upang sumamba at yumukod sa kanila, magiging katulad sila ng damit-panloob na ito na maganda na naging walang halaga.
Тог народа неваљалог, што неће да слуша моје речи, што ходи по мислима срца свог и иде за другим боговима служећи им и клањајући им се; и биће као тај појас, који није низашта.
11 Sapagkat gaya ng isang damit-panloob na dumikit sa baywang ng isang tao, ginawa ko ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda na kumapit sa akin, na magiging aking mga tao na magbibigay sa akin ng katanyagan, kapurihan at karangalan. Ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Јер како се појас припоји око човека, тако бејах припојио око себе сав дом Израиљев и сав дом Јудин, вели Господ, да би били мој народ на славу и хвалу и дику; али не послушаше.
12 Kaya dapat mong sabihin ang salitang ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Mapupuno ng alak ang bawat banga.' Sasabihin nila sa iyo, 'Hindi nga ba talaga namin alam na mapupuno ng alak ang bawat banga?'
Зато им реци ову реч: Овако вели Господ Бог Израиљев: Сви се мехови пуне вина. А они ће рећи: Зар не знамо да се сви мехови пуне вина?
13 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, pupunuin ko ng kalasingan ang bawat naninirahan sa lupaing ito, ang mga hari na nakaupo sa trono ni David, ang mga pari, ang mga propeta, at ang lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem.
Тада им реци: Овако вели Господ: Ево ја ћу напунити пијанства све становнике ове земље и цареве, који седе место Давида на престолу његовом, и свештенике и пророке и све становнике јерусалимске.
14 At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
И разбићу их једног о другог, и очеве и синове, вели Господ; нећу пожалити ни поштедети нити се смиловати, да их не потрем.
15 Makinig kayo at bigyang pansin. Huwag kayong maging mayabang, sapagkat sinasabi Yahweh.
Слушајте и чујте, немојте се поносити, јер Господ говори.
16 Bigyan ng karangalan si Yahweh na inyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bago siya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paa sa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangad kayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin ang lugar na magiging isang maitim na ulap.
Дајте славу Господу Богу свом док није спустио мрак, докле се нису спотакле ноге ваше по горама мрачним, да чекате светлост, а Он је обрати у сен смртни и претвори у таму.
17 Kaya, kung hindi kayo makikinig, iiyak akong mag-isa dahil sa inyong kayabangan. Tiyak na iiyak ako at dadaloy ang mga luha mula sa aking mga mata, sapagkat mabibihag ang mga kawan ni Yahweh.
Ако ли ово не послушате, душа ће моја плакати тајно ради охолости ваше и ронити сузе, сузе ће тећи из ока мог, јер ће се заробити стадо Господње.
18 “Sabihin ninyo sa hari at sa inang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkat bumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyong pagmamataas at ang inyong karangalan.'
Реци цару и царици: Доле седите, јер ће се славни венац ваш скинути с ваше главе.
19 Maisasara ang mga lungsod sa Negev at walang sinuman ang makapagbubukas ng mga ito. Mabibihag ang mga taga-Juda at ipapatapon ang lahat ng nasa kaniya.
Градови јужни затвориће се и неће бити никога да их отвори, одвешће се Јуда у ропство, сасвим ће се одвести у ропство.
20 Imulat mo ang iyong mga mata at pagmasdan ang mga parating mula sa hilaga. Nasaan ang kawan na ibinigay niya sa iyo, ang kawan na pinakamaganda sa iyo?
Подигните очи своје и видите оне што иду од севера. Где је стадо што ти је предано, стадо славе твоје?
21 Ano ang sasabihin mo kapag inilagay ng Diyos sa iyong itaas ang mga inaakala mong mga kaibigan mo? Hindi ba ito ang umpisa ng mga paghihirap na sasakop sa iyo gaya ng isang babaing nanganganak?
Шта ћеш рећи кад те походи? Јер си их ти научио да буду кнезови над тобом. Неће ли те спопасти болови као жену кад се порађа?
22 At maaari mong sabihin sa iyong puso, 'Bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito?' Sapagkat dahil ito sa napakarami mong kasamaan na itinaas ang iyong mga palda at nilapastangan ka.
Ако ли кажеш у срцу свом: Зашто ме то задеси? За мноштво безакоња твог узгрнуће се скути твоји и обућа ти се скинути.
23 Maaari bang baguhin ng mga tao sa Cus ang kulay ng kanilang balat o baguhin ng isang leopardo ang kaniyang mga batik? Kung gayon, ikaw mismo, kaya mong gumawa ng kabutihan bagaman nasanay ka sa kasamaan.
Може ли Етиопљанин променити кожу своју или рис шаре своје? Можете ли ви чинити добро научивши се чинити зло?
24 Kaya, ikakalat ko sila tulad ng mga ipa na naglalaho sa hangin sa disyerto.
Зато ћу их разметнути као што размеће плеву ветар из пустиње.
25 Ito ang ibinigay ko sa inyo, ang bahagi na iniatas ko para sa inyo, dahil kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa kasinungalingan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
То је део твој и оброк твој од мене, говори Господ, зато што си ме заборавио и поуздао се у лаж.
26 Kaya, ako rin mismo ang huhubad ng inyong mga palda at makikita ang mga maseselang bahagi ng inyong katawan.
Зато ћу ти ја узгрнути скуте на лице да се види срамота твоја.
27 Ang inyong pangangalunya at paghalinghing, ang inyong kahiya-hiyang kahalayan sa mga burol at sa mga parang! Ilalantad ko ang mga ito, ang mga nakasusuklam na mga bagay na ito! Kaawa-awa ka, Jerusalem! Hindi ka pa malinis. Gaano katagal ito magpapatuloy?”
Прељубе твоје, рзање твоје, срамотна курварства твоја по хумовима, по пољима, гадове твоје видео сам; тешко теби, Јерусалиме! Зар се нећеш очистити? Докле још?