< Jeremias 12 >
1 Sa tuwing nakikipagtalo ako sa iyo, Yahweh, ikaw ay matuwid. Tunay nga na dapat kong sabihin sa iyo ang aking dahilan upang magreklamo. Bakit nagtatagumpay ang pamamaraan ng mga masasama? Nagtatagumpay ang lahat ng mga taong walang pananampalataya.
Herre! du er retfærdig, naar jeg vil trætte med dig; jeg vil kun tale med dig om Ret: Hvorfor er de ugudeliges Vej lykkelig? hvorfor ere alle de troløse saare trygge?
2 Itinanim mo sila at nagkaroon ng mga ugat. Nagpatuloy sila upang makapamunga. Malapit ka sa kanilang mga labi, ngunit malayo sa kanilang mga puso.
Du plantede dem, de sloge ogsaa Rødder, de gaa frem, de have ogsaa baaret Frugt; du er nær i deres Mund, men langt borte fra deres Indre.
3 Ngunit ikaw mismo Yahweh, kilala mo ako. Nakikita mo ako at sinusuri ang aking puso. Dalhin mo sila sa katayan tulad ng isang tupa. Ibukod mo sila para sa araw ng pagkatay.
Men du, Herre! du kender mig, du ser mig og prøver mit Hjertelag imod dig; bortryk dem som Faar til at slagtes og indvi dem til Drabsdagen!
4 Gaano katagal magpapatuloy ang lupain sa pagluluksa at nalalanta na ang mga halaman sa bawat bukirin dahil sa kasamaan ng mga naninirahan dito? Nawala lahat ang mga maiilap na hayop at mga ibon. Sa katunayan, sinasabi ng mga tao, “Hindi alam ng Diyos kung ano ang mangyayari sa atin.”
Hvor længe skal Landet sørge og Urterne paa al Marken tørres hen? for deres Ondskabs Skyld, som bo der, ere Dyr og Fugle omkomne; thi de sige: Han ser ikke, hvorledes vor sidste Tid vil blive.
5 Sinabi ni Yahweh, “Sapagkat kung ikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaang kawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas na kabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daan ng Jordan?
Naar du løb med Fodgængere, og de gjorde dig træt: Hvorledes vil du da kunne kappes med Heste? og i Fredens Land føler du dig vel tryg, men hvorledes vil du gøre det ved Jordans Stolthed?
6 Sapagkat nagtaksil din sa iyo at labis kang tinuligsa ng iyong mga kapatid na lalaki at pamilya ng iyong ama. Huwag kang magtiwala sa kanila, kahit magsabi pa sila ng mga mabubuting bagay sa iyo.
Thi ogsaa dine Brødre og din Faders Hus, ogsaa disse ere troløse imod dig, ogsaa disse skrige med fuld Røst efter dig; tro dem ikke, naar de tale godt til dig.
7 Pinabayaan ko ang aking tahanan at tinalikuran ang aking mana. Ibinigay ko ang aking mga minamahal na tao sa mga kamay ng kaniyang mga kaaway.
Jeg har forladt mit Hus, opgivet min Arv; jeg har givet min Sjæls elskelige i hendes Fjenders Haand.
8 Naging katulad na ng isang leon sa isang kasukalan ang aking mana, ibinukod niya ang kaniyang sarili laban sa akin sa pamamagitan ng sarili niyang tinig, kaya kinamumuhian ko siya.
Min Arv er bleven mig som en Løve i Skoven; den har opløftet sin Røst imod mig, derfor hader jeg den.
9 Ang aking mga mahahalagang pag-aari ay isang mabangis na aso at pinalilibutan ng mga ibong mandaragit ang itaas ng kaniyang ulo. Pumunta kayo at tipunin ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa mga bukirin at dalhin ang mga ito upang kainin sila.
Er min Arv bleven mig som en spraglet Rovfugl? Rovfuglene omringe den; gaar, samler alle vilde Dyr paa Marken, lader dem komme at æde!
10 Sinira ng maraming pastol ang aking ubasan. Tinapakan nila ang buong bahagi ng aking lupain, ginawa nilang isang ilang at malagim ang aking kaakit-akit na bahagi.
Mange Hyrder have ødelagt min Vingaard, de have nedtraadt min Ager; de have gjort den Ager; der var min Lyst, til en øde Ørk.
11 Ginawa nila siyang isang lagim. Nagluluksa ako para sa kaniya dahil pinabayaan siya. Pinabayaan ang buong lupain dahil wala ni isa ang tumanggap nito sa kanilang puso.
Man har gjort den aldeles øde, den sørger over for mig, der den er øde; alt Landet er ødelagt, thi ingen lagde sig det paa Hjerte.
12 Dumating ang mga maninira laban sa lahat ng mga tigang na lugar sa ilang, sapagkat ang espada ni Yahweh ang umuubos sa dulo ng lupain hanggang sa iba pa. Walang kaligtasan sa lupain para sa anumang nabubuhay na nilalang.
Ødelæggere ere komne over alle nøgne Høje i Ørken; thi Herren har et Sværd, der fortærer fra Jordens ene Ende og indtil Jordens anden Ende; intet Kød har Fred.
13 Naghasik sila ng trigo ngunit umani ng tinik ng mga palumpong. Nagpakapagod sila sa pagtatrabaho ngunit walang napakinabangan. “Kaya, mahiya kayo sa inyong gawa dahil sa poot ni Yahweh.”
De saaede Hvede og høstede Torne, de gjorde sig Møje, men det gavner dem ikke, og de skamme sig over deres Indtægt, for Herrens brændende Vredes Skyld.
14 Ito ang sinasabi ni Yahweh laban sa lahat ng aking mga kapwa, ang mga taong masasama na sumira sa aking mga pag-aari na ipinamana ko sa aking mga taong Israelita, “Tingnan ninyo, ako ang siyang bubunot sa kanila mula sa kanilang sariling lupain at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.
Saa siger Herren imod alle mine onde Naboer, der antaste den Arv, som jeg har tildelt mit Folk Israel: Se, jeg oprykker dem af deres Land og oprykker Judas Hus af deres Midte.
15 At pagkatapos kong bunutin ang mga bansang iyon, mangyayari na magkakaroon ako ng habag sa kanila at pababalikin ko sila. Ibabalik ko sila, ang bawat tao sa kaniyang mana at ang kaniyang lupain.
Og det skal ske, efter at jeg har oprykket dem, da vil jeg komme igen og forbarme mig over dem; og jeg vil føre dem tilbage, hver til sin Arv og hver til sit Land.
16 Mangyayari na kapag maingat na natutunan ng mga bansang iyon ang mga pamamaraan ng aking mga tao na sumumpa sa aking pangalan 'Dahil buhay si Yahweh!' tulad ng itinuro nila sa aking mga tao na sumumpa kay Baal, kung gayon maitatayo sila sa kalagitnaan ng aking mga tao.
Og det skal ske, dersom de lære mit Folks Veje, saa de Sværge ved mit Navn, „saa sandt som Herren lever‟, ligesom de lærte mit Folk at sværge ved Baal: Da skulle de bygges midt iblandt mit Folk.
17 Ngunit kung sinuman ang hindi makikinig, bubunutin ko ang bansang iyon. At tiyak itong mabubunot at mawawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Men dersom de ikke høre, da vil jeg oprykke et saadant Folk, ja, oprykke og ødelægge det, siger Herren.