< Jeremias 11 >

1 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
ὁ λόγος ὁ γενόμενος παρὰ κυρίου πρὸς Ιερεμιαν λέγων
2 “Makinig ka sa mga salita ng kasunduang ito, at ipahayag ang mga ito sa bawat tao sa Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem.
ἀκούσατε τοὺς λόγους τῆς διαθήκης ταύτης καὶ λαλήσεις πρὸς ἄνδρας Ιουδα καὶ πρὸς τοὺς κατοικοῦντας Ιερουσαλημ
3 Sabihin mo sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Sumpain ang sinumang hindi makikinig sa mga salita ng kasunduang ito.
καὶ ἐρεῖς πρὸς αὐτούς τάδε λέγει κύριος ὁ θεὸς Ισραηλ ἐπικατάρατος ὁ ἄνθρωπος ὃς οὐκ ἀκούσεται τῶν λόγων τῆς διαθήκης ταύτης
4 Ito ang kasunduan na iniutos ko sa inyong mga ninuno na dapat alalahanin simula ng araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, mula sa pugon ng tunawan ng bakal. Sinabi ko, “Makinig kayo sa aking tinig at gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na ito gaya ng iniutos ko sa inyo, sapagkat kayo ang magiging tao ko at ako ang inyong magiging Diyos.”
ἧς ἐνετειλάμην τοῖς πατράσιν ὑμῶν ἐν ἡμέρᾳ ᾗ ἀνήγαγον αὐτοὺς ἐκ γῆς Αἰγύπτου ἐκ καμίνου τῆς σιδηρᾶς λέγων ἀκούσατε τῆς φωνῆς μου καὶ ποιήσατε πάντα ὅσα ἐὰν ἐντείλωμαι ὑμῖν καὶ ἔσεσθέ μοι εἰς λαόν καὶ ἐγὼ ἔσομαι ὑμῖν εἰς θεόν
5 Sundin ninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na aking ipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa na ibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon.”' At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, “Oo, Yahweh!”
ὅπως στήσω τὸν ὅρκον μου ὃν ὤμοσα τοῖς πατράσιν ὑμῶν τοῦ δοῦναι αὐτοῖς γῆν ῥέουσαν γάλα καὶ μέλι καθὼς ἡ ἡμέρα αὕτη καὶ ἀπεκρίθην καὶ εἶπα γένοιτο κύριε
6 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ipahayag ang lahat ng mga bagay na ito sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Makinig kayo sa mga salita ng kasunduang ito at gawin ninyo ang mga ito.
καὶ εἶπεν κύριος πρός με ἀνάγνωθι τοὺς λόγους τούτους ἐν πόλεσιν Ιουδα καὶ ἔξωθεν Ιερουσαλημ λέγων ἀκούσατε τοὺς λόγους τῆς διαθήκης ταύτης καὶ ποιήσατε αὐτούς
7 Sapagkat nagbigay ako ng taimtim na mga utos sa inyong mga ninuno mula ng araw na inilabas ko sila sa Egipto hanggang sa kasalukuyang panahon, patuloy na nagbabala sa kanila at nagsasabi, “Makinig kayo sa aking tinig.”'
8 Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay ng pansin. Lumalakad ang bawat tao sa katigasan ng kaniyang masamang puso. Kaya dinala ko ang lahat ng sumpa sa kasunduang ito na inutusan kong dumating laban sa kanila. Ngunit hindi pa rin sumunod ang mga tao.”
καὶ οὐκ ἐποίησαν
9 Sumunod na sinabi sa akin ni Yahweh, “Natuklasan ang pagsasabwatan ng mga kalalakihan ng Juda at ng mga naninirahan sa Jerusalem.
καὶ εἶπεν κύριος πρός με εὑρέθη σύνδεσμος ἐν ἀνδράσιν Ιουδα καὶ ἐν τοῖς κατοικοῦσιν Ιερουσαλημ
10 Bumaling sila sa mga kasamaan ng kanilang sinaunang mga ninuno na tumangging makinig sa aking salita, sa halip namuhay sila sa pagsamba sa ibang mga diyos. Sinira ng sambahayan ng Israel at sambahayan ng Juda ang aking kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ninuno.
ἐπεστράφησαν ἐπὶ τὰς ἀδικίας τῶν πατέρων αὐτῶν τῶν πρότερον οἳ οὐκ ἤθελον εἰσακοῦσαι τῶν λόγων μου καὶ ἰδοὺ αὐτοὶ βαδίζουσιν ὀπίσω θεῶν ἀλλοτρίων τοῦ δουλεύειν αὐτοῖς καὶ διεσκέδασαν οἶκος Ισραηλ καὶ οἶκος Ιουδα τὴν διαθήκην μου ἣν διεθέμην πρὸς τοὺς πατέρας αὐτῶν
11 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, magpapadala ako ng kapahamakan sa kanila, isang kapahamakan na hindi nila maaaring takasan. Pagkatapos, tatawag sila sa akin, ngunit hindi ako makikinig sa kanila.
διὰ τοῦτο τάδε λέγει κύριος ἰδοὺ ἐγὼ ἐπάγω ἐπὶ τὸν λαὸν τοῦτον κακά ἐξ ὧν οὐ δυνήσονται ἐξελθεῖν ἐξ αὐτῶν καὶ κεκράξονται πρός με καὶ οὐκ εἰσακούσομαι αὐτῶν
12 Pupunta at tatawag ang mga lungsod ng Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem sa mga diyos na pinagbigyan nila ng mga alay, ngunit tiyak na hindi sila maililigtas ng mga ito sa oras ng kanilang kapahamakan.
καὶ πορεύσονται πόλεις Ιουδα καὶ οἱ κατοικοῦντες Ιερουσαλημ καὶ κεκράξονται πρὸς τοὺς θεούς οἷς αὐτοὶ θυμιῶσιν αὐτοῖς μὴ σώσουσιν αὐτοὺς ἐν καιρῷ τῶν κακῶν αὐτῶν
13 Sapagkat dumami ang bilang ng iyong mga diyos na pumantay sa bilang ng iyong mga lungsod, Juda. At gumawa kayo ng kahiya-hiyang bilang ng mga altar sa Jerusalem, mga altar ng insenso para kay Baal na pumantay sa bilang ng kaniyang mga lansangan.
ὅτι κατ’ ἀριθμὸν τῶν πόλεών σου ἦσαν θεοί σου Ιουδα καὶ κατ’ ἀριθμὸν ἐξόδων τῆς Ιερουσαλημ ἐτάξατε βωμοὺς θυμιᾶν τῇ Βααλ
14 Kaya ikaw mismo Jeremias, hindi mo dapat ipanalangin ang mga taong ito. Hindi ka dapat tumangis o manalangin para sa kanila. Sapagkat hindi ako makikinig kapag tumawag sila sa akin sa kanilang kapahamakan.
καὶ σὺ μὴ προσεύχου περὶ τοῦ λαοῦ τούτου καὶ μὴ ἀξίου περὶ αὐτῶν ἐν δεήσει καὶ προσευχῇ ὅτι οὐκ εἰσακούσομαι ἐν τῷ καιρῷ ἐν ᾧ ἐπικαλοῦνταί με ἐν καιρῷ κακώσεως αὐτῶν
15 Bakit nasa aking tahanan ang minamahal kong mga tao na may napakaraming masamang hangarin? Sapagkat hindi makakatulong sa inyo ang mga nakalaang karne para sa inyong mga alay dahil gumawa kayo ng kasamaan at nagalak kayo dito.
τί ἡ ἠγαπημένη ἐν τῷ οἴκῳ μου ἐποίησεν βδέλυγμα μὴ εὐχαὶ καὶ κρέα ἅγια ἀφελοῦσιν ἀπὸ σοῦ τὰς κακίας σου ἢ τούτοις διαφεύξῃ
16 Sa nakaraan, tinawag kayo ni Yahweh na mayabong na puno ng olibo, maganda na may kaibig-ibig na bunga. Ngunit magsisindi siya ng apoy dito na katulad ng tunog ng dagundong ng bagyo, kaya mababali ang mga sanga nito.
ἐλαίαν ὡραίαν εὔσκιον τῷ εἴδει ἐκάλεσεν κύριος τὸ ὄνομά σου εἰς φωνὴν περιτομῆς αὐτῆς ἀνήφθη πῦρ ἐπ’ αὐτήν μεγάλη ἡ θλῖψις ἐπὶ σέ ἠχρεώθησαν οἱ κλάδοι αὐτῆς
17 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo ang nagtanim sa inyo, ang nag-atas ng kapahamakan laban sa inyo dahil sa mga gawaing masama na ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alay kay Baal.”'
καὶ κύριος ὁ καταφυτεύσας σε ἐλάλησεν ἐπὶ σὲ κακὰ ἀντὶ τῆς κακίας οἴκου Ισραηλ καὶ οἴκου Ιουδα ὅτι ἐποίησαν ἑαυτοῖς τοῦ παροργίσαι με ἐν τῷ θυμιᾶν αὐτοὺς τῇ Βααλ
18 Ipinaalam ni Yahweh sa akin ang mga bagay na ito, kaya alam ko ang mga ito. Ikaw Yahweh, ang nagpakita sa akin ng kanilang mga gawain.
κύριε γνώρισόν μοι καὶ γνώσομαι τότε εἶδον τὰ ἐπιτηδεύματα αὐτῶν
19 Tulad ako ng isang maamong tupa na dinala sa mangangatay. Hindi ko alam na may binalak sila laban sa akin, “Sirain natin ang puno maging ang mga bunga nito! Putulin natin siya sa lupain ng mga buhay upang hindi na maalala pa ang kaniyang pangalan.”
ἐγὼ δὲ ὡς ἀρνίον ἄκακον ἀγόμενον τοῦ θύεσθαι οὐκ ἔγνων ἐπ’ ἐμὲ ἐλογίσαντο λογισμὸν πονηρὸν λέγοντες δεῦτε καὶ ἐμβάλωμεν ξύλον εἰς τὸν ἄρτον αὐτοῦ καὶ ἐκτρίψωμεν αὐτὸν ἀπὸ γῆς ζώντων καὶ τὸ ὄνομα αὐτοῦ οὐ μὴ μνησθῇ ἔτι
20 Ngunit matuwid na hukom si Yahweh ng mga hukbo na siyang sumisiyasat ng puso at isipan. Magiging saksi ako sa iyong paghihiganti laban sa kanila, sapagkat iniharap ko ang aking kalagayan sa iyo.
κύριε κρίνων δίκαια δοκιμάζων νεφροὺς καὶ καρδίας ἴδοιμι τὴν παρὰ σοῦ ἐκδίκησιν ἐξ αὐτῶν ὅτι πρὸς σὲ ἀπεκάλυψα τὸ δικαίωμά μου
21 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga taga-Anatot na umuusig sa iyong buhay, “Sinabi nila, 'Hindi ka dapat mag-propesiya sa ngalan ni Yahweh, o mamamatay ka sa pamamagitan ng aming mga kamay.'
διὰ τοῦτο τάδε λέγει κύριος ἐπὶ τοὺς ἄνδρας Αναθωθ τοὺς ζητοῦντας τὴν ψυχήν μου τοὺς λέγοντας οὐ μὴ προφητεύσῃς ἐπὶ τῷ ὀνόματι κυρίου εἰ δὲ μή ἀποθανῇ ἐν ταῖς χερσὶν ἡμῶν
22 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Tingnan mo, parurusahan ko sila. Mamamatay sa pamamagitan ng espada ang malalakas nilang mga kabataan. Mamamatay sa gutom ang mga anak nilang lalaki at babae.
ἰδοὺ ἐγὼ ἐπισκέψομαι ἐπ’ αὐτούς οἱ νεανίσκοι αὐτῶν ἐν μαχαίρᾳ ἀποθανοῦνται καὶ οἱ υἱοὶ αὐτῶν καὶ αἱ θυγατέρες αὐτῶν τελευτήσουσιν ἐν λιμῷ
23 Walang matitira sa kanila dahil magdadala ako ng kapahamakan sa mga taga-Anatot, ang panahon ng kanilang kaparusahan.”'
καὶ ἐγκατάλειμμα οὐκ ἔσται αὐτῶν ὅτι ἐπάξω κακὰ ἐπὶ τοὺς κατοικοῦντας ἐν Αναθωθ ἐν ἐνιαυτῷ ἐπισκέψεως αὐτῶν

< Jeremias 11 >