< Jeremias 10 >

1 Pakinggan ninyo ang mga salitang ihahayag sa inyo ni Yahweh, sambahayan ng Israel.
イスラエルの家よ、主のあなたがたに語られる言葉を聞け。
2 Ganito ang sinasabi ni Yahweh, 'Huwag ninyong pag-aralan ang mga kaparaanan ng ibang mga bansa at huwag kayong mabahala sa mga palatandaan sa mga kalangitan, sapagkat nababahala ang mga bansa ng dahil dito.
主はこう言われる、「異邦の人の道に習ってはならない。また異邦の人が天に現れるしるしを恐れても、あなたがたはそれを恐れてはならない。
3 Sapagkat walang kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao. Sapagkat may pumuputol ng punong kahoy sa kagubatan. Ang mga kamay ng manlililok ang gumagawa nito sa pamamagitan ng palakol.
異邦の民のならわしはむなしいからだ。彼らの崇拝するものは、林から切りだした木で、木工の手で、おのをもって造ったものだ。
4 Pagkatapos, pinapalamutian nila ito ng pilak at ginto. Pinatitibay nila ito gamit ang martilyo at mga pako upang hindi ito bumagsak.
人々は銀や金をもって、それを飾り、くぎと鎚をもって動かないようにそれをとめる。
5 Tulad ng panakot ng ibon sa taniman ng pipino ang mga diyus-diyosang ito sapagkat hindi sila makapagsalita ng anuman. Kailangan silang buhatin, sapagkat hindi man lang sila makahakbang. Huwag ninyo silang katakutan, sapagkat hindi nila kayang gumawa ng masama ni makagagawa ng anumang mabuti.'”
その偶像は、きゅうり畑のかかしのようで、ものを言うことができない。歩くこともできないから、人に運んでもらわなければならない。それを恐れるに及ばない。それは災をくだすことができず、また幸をくだす力もないからだ」。
6 Wala kang katulad, Yahweh. Dakila ka at dakila ang kapangyarihan ng iyong pangalan.
主よ、あなたに並びうる者はありません。あなたは大いなる者であり、あなたの名もその力のために大いなるものであります。
7 Sino ang hindi matatakot sa iyo, hari ng mga bansa? Sapagkat ito ang karapat-dapat sa iyo, sapagkat wala kang katulad sa lahat ng matatalinong tao sa mga bansa o sa lahat ng kanilang mga maharlikang kaharian.
万国の王であるあなたを、恐れない者がありましょうか。あなたを恐れるのは当然のことであります。万国のすべての知恵ある者のうちにも、その国々のうちにも、あなたに並びうる者はありません。
8 Pare-pareho silang lahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang.
彼らは皆、愚かで鈍く、偶像の教は、ただ木にすぎない。
9 Nagdadala sila ng pilak na pinanday mula sa Tarsis at ginto mula sa Upaz na gawa ng mga manggagawa at ng kamay ng mga panday. Asul at lila ang kanilang mga damit. Ang kanilang mga dalubhasang tauhan ang gumawa ng lahat ng bagay na ito.
銀ぱくはタルシシから渡来し、金はウパズから携えてくる。これらは工人と金細工人の工作である。彼らの着物はすみれ色と紫色である。これらはみな巧みな細工人の作った物である。
10 Ngunit si Yahweh ang tunay na Diyos. Siya ang buhay na Diyos at hari magpakailanman. Nayayanig ang mundo at hindi kayang tiisin ng mga bansa ang kaniyang galit.
しかし主はまことの神である。生きた神であり、永遠の王である。その怒りによって地は震いうごき、万国はその憤りに当ることができない。
11 Ganito ang sasabihin mo sa kanila, “Malilipol sa lupa at sa ilalim ng kalangitan ang mga diyos na hindi lumikha ng kalangitan at ng lupa.
あなたがたは彼らに、こう言わなければならない、「天地を造らなかった神々は地の上、天の下から滅び去る」と。
12 Ang lumikha ng daigdig sa kaniyang kapangyarihan ang nagtatag ng kalupaan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan at nagpalaganap ng kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa.
主はその力をもって地を造り、その知恵をもって世界を建て、その悟りをもって天をのべられた。
13 Ang kaniyang tinig ang lumilikha ng dagundong ng katubigan sa kalangitan at siya ang nagpapaangat ng hamog mula sa bawat sulok ng daigdig. Lumilikha siya ng kidlat para sa ulan at nagpapalabas ng hangin mula sa kaniyang kamalig.
彼が声を出されると、天に多くの水のざわめきがあり、また地の果から霧を立ちあがらせられる。彼は雨のために、いなびかりをおこし、その倉から風を取り出される。
14 Naging mangmang ang mga tao na walang kaalaman. Nailagay sa kahihiyan ang bawat panday dahil sa kaniyang diyus-diyosan sapagkat manlilinlang ang mga ginawa niyang imahen at walang buhay ang mga ito.
すべての人は愚かで知恵がなく、すべての金細工人はその造った偶像のために恥をこうむる。その偶像は偽り物で、そのうちに息がないからだ。
15 Walang silbi ang mga ito, ang gawa ng mga mangungutya. Malilipol sila sa panahon ng kanilang kaparusahan.
これらは、むなしいもので、迷いのわざである。罰せられる時に滅びるものである。
16 Ngunit hindi nito katulad ang Diyos na kabahagi ni Jacob sapagkat siya ang humubog sa lahat ng bagay. Ang Israel ang tribo ng kaniyang mana, Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
ヤコブの分である彼はこのようなものではない。彼は万物の造り主だからである。イスラエルは彼の嗣業としての部族である。彼の名を万軍の主という。
17 Tipunin ang inyong bigkis at umalis sa lupain, kayong mga taong namumuhay sa ilalim ng pananakop.
囲みの中におる者よ、あなたの包を地から取り上げよ。
18 Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, ipapatapon ko sa panahong ito ang mga naninirahan sa lupain. Pahihirapan ko sila at malalaman nila ito.”
主がこう言われるからだ、「見よ、わたしはこのたび、この地に住む者を投げ捨てる。かつ彼らをせめなやまして、思い知らせる」。
19 Aba sa akin! Dahil sa mga nabali kong buto, malubha ang aking sugat. Kaya sinabi ko, “Tiyak na matinding paghihirap ito, ngunit dapat ko itong tiisin.”
わたしはいたでをうけた、ああ、わざわいなるかな、わたしの傷は重い。しかしわたしは言った、「まことに、これは悩みである。わたしはこれを忍ばなければならない」と。
20 Ganap na nawasak ang aking tolda at nahati sa dalawa ang lahat ng tali nito. Kinuha sa akin ang aking mga anak, kaya wala na sila. Wala ng maglalatag ng aking tolda o magtataas ng aking mga kurtina.
わたしの天幕は破れ、綱はことごとく切れ、子どもたちはわたしを捨てて行って、いなくなった。もはやわたしの天幕を張る者はなく、幕を掛ける者もない。
21 Sapagkat naging hangal ang mga pastol. Hindi nila hinanap si Yahweh kaya hindi sila nagtagumpay at nagsikalat ang lahat ng kanilang kawan.
牧者は愚かであって、主に問うことをしないからである。それゆえ彼らは栄えることもなく、その群れはみな散り去っている。
22 Dumating na ang ulat ng mga balita, “Tingnan ninyo! Parating na ito! Isang malakas na lindol ang paparating mula sa hilagang lupain upang sirain ang mga lungsod ng Juda at maging taguan ng mga asong-gubat.”
聞けよ、うわさのあるのを。見よ、北の国から大いなる騒ぎが来る。これはユダの町々を荒して山犬の巣とする。
23 Alam ko Yahweh na ang landas ng tao ay hindi nagmula sa kaniyang sarili. Walang tao ang nangunguna sa sarili niyang mga hakbang.
主よ、わたしは知っています、人の道は自身によるのではなく、歩む人が、その歩みを自分で決めることのできないことを。
24 Ituwid mo ako Yahweh ng may katarungan ngunit hindi sa pamamagitan ng iyong galit at baka mapuksa mo ako.
主よ、わたしを懲らしてください。正しい道にしたがって、怒らずに懲らしてください。さもないと、わたしは無に帰してしまうでしょう。
25 Ibuhos mo ang iyong matinding galit sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga pamilya na hindi tumatawag sa pangalan mo. Sapagkat nilamon nila si Jacob at inubos siya upang ganap na wasakin at buwagin ang kaniyang tirahan.
あなたを知らない国民と、あなたの名をとなえない人々にあなたの怒りを注いでください。彼らはヤコブを食い尽しこれを食い尽して滅ぼし、そのすみかを荒したからです。

< Jeremias 10 >