< Santiago 3 >
1 Hindi dapat maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, alam nating matatanggap natin ang mas higit na paghahatol.
Ne bodite mnogi učitelji, bratje moji, vedóč da dobimo večjo sodbo;
2 Sapagkat natitisod tayong lahat sa maraming paraan. Kung sinuman ang hindi natitisod sa kaniyang pananalita, siya ay taong ganap, na may kakayahang pigilan din ang kaniyang buong katawan.
Kajti mnogo grešimo vsi. Če kdo v besedi ne greši, ta je popoln mož, zmožen brzdati tudi celo telo.
3 Ngayon kung lalagyan natin ng busal ang bibig ng kabayo susundin nila tayo, at mapapabaling natin ang kanilang buong katawan.
Glej, konjem devamo brzde v gobce, da so nam poslušni, in vladamo cel njih život.
4 Pansinin din ang mga barko, kahit na napakalaki nila at tinutulak ng malalakas na hangin, ay nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
Glej, tudi ladije, ki so tako velike, in ki jih silni vetrovi gonijo, vlada najmanjše krmilo, kamorkoli hoče vodnikov naklep.
5 Ganoon din ang dila na isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit nagyayabang ng malalaking bagay. Pansinin kung paano ang isang malawak na kagubatan ay nasusunog ng isang maliit na apoy!
Tako je tudi jezik majhen ud in se ponaša. Glej, majhen ogenj, kolikošen gozd zažge!
6 Ang dila ay isa ring apoy, isang mundo ng makasalanan na inilagay sa bahagi ng ating mga katawan, nagpaparumi sa buong katawan at pinagniningas ang daan ng buhay, at ito ay nakatakdang apoy mula sa impiyerno. (Geenna )
Tudi jezik je ogenj, svet krivice. Tako se kaže jezik med udi našimi, ki oskrunja cel život in zažiga rojstva kolo, njega pa zažiga pekel; (Geenna )
7 Bawat uri ng mga mababangis na hayop, mga ibon, mga gumagapang at mga nilalang sa dagat ay kayang paamuin at napaamo ng mga tao,
Kajti sleherno naravo zverî in tičev, laznine in morske živali kroti in je ukrotila narava človeška;
8 ngunit walang kahit na sinuman ang makapagpapaamo ng dila: walang tigil na kasamaan, puno ng nakamamatay na lason.
Jezika pa ne more krotiti nobeden človek; zlo neukrotno, poln smrtnega strupa!
9 Sa pamamagitan ng dila pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, at sa pamamagitan nito nagsusumpa tayo ng tao, na nilikhang kalarawan ng Diyos.
Z njim blagoslavljamo Boga in očeta, in z njim preklinjamo ljudí, vstvarjene po podobi Božji;
10 Galing sa iisang bibig ang pagsasalita ng pagpapala at pagsusumpa. Aking mga kapatid, hindi dapat mangyari ang mga bagay na ito.
Iz istih ust izhaja blagoslov in kletev. To, bratje, ne sme se tako goditi!
11 Lumalabas ba sa bukal ang parehong sariwa at mapait na tubig?
Saj pač studenec iz iste votline ne bruha sladko in grenko!
12 Aking mga kapatid, maaari bang ang isang puno ng igos ay mamunga ng mga olibo? o ang isang puno ng ubas mamunga ng igos? Hindi rin lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat
Saj, bratje moji, smokva ne more roditi oliv ali trta smokev; tako noben studenec delati vode solne in sladke.
13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Hayaan ang taong iyan na ipakita ang kaniyang magandang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa sa kapakumbabaan na nagmumula sa karunungan.
Kdo je moder in razumen med vami? Kaže naj iz lepega vedenja dela svoja v krotkosti modri.
14 Ngunit kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso, huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan.
Če pa imate bridko gorečnost in prepirljivost v srci svojem, ne ponašajte se in lagajte zoper resnico.
15 Hindi ito ang karunungang nagmumula sa itaas, sa halip ay makamundo, hindi espiritwal, mula sa diyablo.
To ni modrost, ki prihaja od zgoraj, nego zemeljska, počutna, vražja.
16 Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral, may pagkalito at masasamang pag-uugali.
Kjer je namreč gorečnost in prepirljivost, tam nerednost in vse zlo delo.
17 Ngunit ang karunungang mula sa itaas unang-una ay dalisay, at maibigin sa kapayapaan, mahinahon, may nag-aalab na puso, puno ng awa at mabuting bunga, walang inaayunang ibang tao, at tapat.
Modrost pa od zgoraj je prvič čista, potem mirna, rahla, poslušna, polna usmiljenja in dobrega sadú, nedvomna in odkritosrčna.
18 At ang bunga ng katuwiran ay naitanim sa kapayapaan alang-alang sa mga gumagawa ng kapayapaan.
Sad pa pravice se seje v miru njim, ki hranijo mir.