< Santiago 1 >
1 Ako, si Santiago, isang alagad ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo, ay bumabati sa labindalawang tribu na nasa pangangalat.
James, a servant of God and of the Lord Jesus Christ, to the twelve tribes which are scattered abroad, greeting.
2 Ituring ninyong kagalakan ito mga kapatid, kung nakakaranas kayo ng ibat-ibang kaguluhan,
My brethren, count it all joy when ye fall into divers temptations.
3 dahil nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagdudulot ng pagtitiis.
Knowing [this], that the trying of your faith worketh patience.
4 Hayaan ang pagtitiis na tapusin ang kaniyang gawa, upang kayo ay ganap na lumago, na walang kakulangan.
But let patience have [her] perfect work, that ye may be perfect and entire, wanting nothing.
5 Ngunit kung sinuman sa inyo ay nangangailangan ng karunungan, hingin ninyo ito sa Diyos, ang mapagbigay at walang panunumbat sa lahat ng humihingi, at tutugunin niya ito.
If any of you lacketh wisdom, let him ask of God, who giveth to all [men] liberally, and upbraideth not; and it shall be given to him.
6 Ngunit humingi nang may pananampalataya, nang walang pag-aalinlangan, sapagkat ang nagdadalawang isip ay katulad ng alon sa dagat, na tinatangay ng hangin, kung saan.
But let him ask in faith, nothing wavering. For he that wavereth is like a wave of the sea driven with the wind and tossed.
7 Sapagkat ang taong iyon ay hindi dapat mag-isip na matatanggap niya ang kaniyang kahilingan sa Panginoon,
For let not that man think that he shall receive any thing from the Lord.
8 ang ganitong tao ay dalawa ang pag-iisip at pabagu-bago sa lahat ng kaniyang ginagawa.
A man unsettled in his opinions [is] unstable in all his ways.
9 Ang mahirap na kapatid ay dapat luwalhatiin sa kaniyang mataas na kalagayan,
Let the brother of low degree rejoice in that he is exalted:
10 samantalang ang mayaman na kapatid sa kaniyang kababaang loob, sapagkat siya ay lilipas katulad ng mga bulaklak ng damo sa bukid na lumilipas.
But the rich, in that he is made low: because as the flower of the grass he shall pass away.
11 Sumisikat ang araw na may nakakasunog na init at natutuyo ang halaman at ang mga bulaklak ay nalalagas, at mawawala ang kagandahan nito. Sa parehong paraan ang mayamang mga tao ay mawawala sa kalagitnaan ng kanilang mga gawain.
For the sun hath no sooner risen with a burning heat, but it withereth the grass, and its flower falleth, and the grace of the fashion of it perisheth: so also shall the rich man fade away in his ways.
12 Pinagpala ang tao na nagtitiis sa pagsubok, sapagkat pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang pagsubok, makakatanggap siya ng korona ng buhay, na ipinangako sa mga nagmamahal sa Diyos.
Blessed [is] the man that endureth temptation: for when he is tried, he shall receive the crown of life, which the Lord hath promised to them that love him.
13 Huwag sabihin ng sinuman kapag siya ay tinukso, “Ang pagsubok na ito ay galing sa Diyos,” Sapagkat ang Diyos ay hindi tinukso ng diyablo, at ang Diyos mismo ay hindi tinutukso ang sino man.
Let no man say when he is tempted, I am tempted by God: for God cannot be tempted with evil, neither tempteth he any man:
14 Ang bawat tao ay natutukso ng kaniyang masamang mga pagnanasa kung saan inaakit at itinutulak siya palayo.
But every man is tempted, when he is drawn away by his own lust, and enticed.
15 At pagkatapos na maglihi ang makasalanang pagnanasa, ang kasalanan ay maipapanganak at pagkatapos lumaki ng kasalanan hahantong ito sa kamatayan.
Then when lust hath conceived, it bringeth forth sin: and sin, when it is finished, bringeth forth death.
16 Huwag kayong magpalinlang, mga minamahal kong kapatid.
Do not err, my beloved brethren.
17 Ang bawat mabuti at ganap na kaloob ay mula sa itaas, bumaba mula sa Ama ng mga liwanag. Hindi siya nagbabago katulad ng paglipat ng anino.
Every good gift and every perfect gift is from above, and cometh down from the Father of lights, with whom is no variableness, neither shadow of turning.
18 Pinili ng Diyos na bigyan tayo ng buhay sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang maging katulad tayo ng mga unang bunga sa kaniyang mga nilikha.
Of his own will he hath begotten us with the word of truth, that we should be a kind of first-fruits of his creatures.
19 Alam ninyo ito, mga minamahal kong kapatid. Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at hindi agad nagagalit,
Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:
20 sapagkat ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.
For the wrath of man worketh not the righteousness of God.
21 Kaya alisin ninyo ang lahat ng gawaing makasalanan at ang kasamaan na nasa lahat ng dako, at sa kababaang-loob tanggapin ang itinanim na salita, na makakapagligtas sa inyong kaluluwa.
Wherefore lay apart all filthiness and superfluity of naughtiness, and receive with meekness the ingrafted word, which is able to save your souls.
22 Sundin ninyo ang salita, huwag lamang itong pakinggan, kung saan dinadaya ninyo lang ang inyong mga sarili.
But be ye doers of the word, and not hearers only, deceiving your own selves.
23 Sapagkat kung sinuman ang nakarinig ng salita at hindi ito ginagawa, para siyang isang taong humarap sa salamin at tiningnan ang kaniyang likas na mukha sa salamin.
For if any is a hearer of the word, and not a doer, he is like a man beholding his natural face in a glass:
24 Tinignan ang kaniyang mukha, at umalis, at hindi nagtagal nakalimutan niya kung ano ang kaniyang itsura.
For he beholdeth himself, and goeth away, and immediately forgetteth what manner of man he was.
25 Ngunit ang taong tumitingin ng maingat sa ganap na batas, ang batas na nagbibigay ng kalayaan, at patuloy na sinusunod ito, hindi lamang siya naging tagapakinig na nakakalimot, ang taong ito ay pagpapalain habang ginagawa niya ito.
But he who looketh into the perfect law of liberty, and continueth [in it], he being not a forgetful hearer, but a doer of the work, this man shall be blessed in his deed.
26 Kung sinuman ang nag-iisip sa kaniyang sarili na siya ay relihiyoso, ngunit hindi mapigilan ang kaniyang dila, niloloko niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan.
If any man among you seemeth to be religious, and bridleth not his tongue, but deceiveth his own heart, this man's religion [is] vain.
27 Ito ay dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama: para tulungan ang mga walang ama at balo sa kanilang kapighatian, at para pangalagaan ang sarili mula sa katiwaliaan ng mundo.
Pure religion and undefiled before God and the Father is this, To visit the fatherless and widows in their affliction, [and] to keep himself unspotted from the world.