< Isaias 9 >
1 Mapapawi ang lungkot ng siyang nasa pagdadalamhati. Sa nakaraang panahon, pinahiya niya ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali, pero sa darating na panahon ay gagawin niya itong maluwalhati, ang landas tungo sa dagat, ang malayong dako mula sa Jordan, ang Galilea ng mga bansa.
전에 고통하던 자에게는 흑암이 없으리로다 옛적에는 여호와께서 스불론 땅과 납달리 땅으로 멸시를 당케 하셨더니 후에는 해변길과 요단 저편 이방의 갈릴리를 영화롭게 하셨느니라
2 Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.
흑암에 행하던 백성이 큰 빛을 보고 사망의 그늘진 땅에 거하던 자에게 빛이 비취도다
3 Pinarami mo ang bansa, dinagdagan mo ang kanilang kagalakan; nagagalak sila sa iyo gaya nang sa anihan, gaya ng mga kalalakihan kapag pinaghahatian na nila ang nasamsam sa labanan.
주께서 이 나라를 창성케 하시며 그 즐거움을 더하게 하셨으므로 추수하는 즐거움과 탈취물을 나누는 때의 즐거움 같이 그들이 주의 앞에서 즐거워하오니
4 Dahil ang pasan niyang pamatok, ang kahoy sa kaniyang balikat, ang pamalo ng kaniyang mang-aapi, ay iyong sinira na gaya noong araw sa Midian.
이는 그들의 무겁게 멘 멍에와 그 어깨의 채찍과 그 압제자의 막대기를 꺾으시되 미디안의 날과 같이 하셨음이니이다
5 Sapagkat ang mga bota ay lumalakad sa kaguluhan, ang damit na nababad sa dugo ay susunugin, bilang pandingas sa apoy.
어지러이 싸우는 군인의 갑옷과 피묻은 복장이 불에 섶 같이 살라지리니
6 Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
이는 한 아기가 우리에게 났고 한 아들을 우리에게 주신바 되었는데 그 어깨에는 정사를 메었고 그 이름은 기묘자라 모사라 전능하신 하나님이라 영존하시는 아버지라 평강의 왕이라 할것임이라
7 Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
그 정사와 평강의 더함이 무궁하며 또 다윗의 위에 앉아서 그 나라를 굳게 세우고 자금 이후 영원토록 공평과 정의로 그것을 보존하실 것이라 만군의 여호와의 열심이 이를 이루시리라
8 Nagpadala ng mensahe ang Panginoon laban kay Jacob, at ito ay naipataw sa Israel.
주께서 야곱에게 말씀을 보내시며 그것을 이스라엘에게 임하게 하셨은즉
9 Malalaman ng lahat, maging ng Efraim at ng mga taga-Samaria, na nagmamayabang at nagmamataas sa puso nang sinabi nila,
모든 백성 곧 에브라임과 사마리아 거민이 알 것이어늘 그들이 교만하고 완악한 마음으로 말하기를
10 “Nagiba ang mga laryo, pero bubuuin namin muli sa pamamagitan ng inukit na bato; naputol ang mga sikamore, pero magtatanim kami ng mga sedar pamalit sa kanila.”
벽돌이 무너졌으나 우리는 다듬은 돌로 쌓고 뽕나무들이 찍혔으나 우리는 백향목으로 그것을 대신하리라 하도다
11 Kaya lalabanan siya ni Yahweh, si Rezin, ang kaniyang kalaban, at hihimukin ang kaniyang mga kalabang
그러므로 여호와께서 르신의 대적을 일으켜 그를 치게 하시며 그 원수들을 격동시키시리니
12 mga Arameo sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran. Lalapain nila ang Israel nang may nakabukang bibig. Dahil sa kanyang galit hindi hihinto si Yahweh, at nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
앞에는 아람 사람이요 뒤에는 블레셋 사람이라 그들이 그 입을 벌려 이스라엘을 삼키리라 그럴지라도 여호와의 노가 쉬지 아니하며 그 손이 여전히 펴지리라
13 Pero hindi babalik ang mga tao sa humampas sa kanila, ni hahanapin si Yahweh ng mga hukbo.
이 백성이 오히려 자기들을 치시는 자에게로 돌아오지 아니하며 만군의 여호와를 찾지 아니하도다
14 Kaya puputulin ni Yahweh mula sa Israel ang ulo at ang buntot, ang sanga ng palma at tangkay, sa loob lang ng isang araw.
이러므로 여호와께서 하루 사이에 이스라엘 중에서 머리와 꼬리며 종려가지와 갈대를 끊으시리니
15 Ang mga pinuno at ang mga mayayaman ay ang ulo; at ang propetang nagtuturo ng kasinungalingan ay ang buntot.
머리는 곧 장로와 존귀한 자요 꼬리는 곧 거짓말을 가르치는 선지자라
16 Inililigaw sila ng mga taong nangunguna sa kanila, at ang mga sumunod ay nilamon.
백성을 인도하는 자가 그들로 미혹케 하니 인도를 받는 자가 멸망을 당하는도다
17 Kaya hindi magsasaya ang Diyos sa kanilang mga kabataang lalaki, o kaya magkakaroon ng awa sa mga naulila sa ama at mga balo, dahil ang karamihan ay walang Diyos at masasama, at ang bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan. Dahil sa lahat ng mga ito, ang kaniyang galit ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
이 백성이 각기 설만하며 악을 행하며 입으로 망령되이 말하니 그러므로 주께서 그 장정을 기뻐 아니하시며 그 고아와 과부를 긍휼히 여기지 아니하시리라 그럴지라도 여호와의 노가 쉬지 아니하며 그 손이 여전히 펴지리라
18 Ang kasamaan ay tumutupok na parang apoy, inuubos nito ang mga damo at mga tinik; at sinusunog pa nito maging ang kasukalan ng kagubatan, na umaangat ang usok na parang haligi.
대저 악행은 불 태우는것 같으니 곧 질려와 형극을 삼키며 빽빽한 수풀을 살라서 연기로 위로 올라가게 함과 같은 것이라
19 Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na galit ni Yahweh ng mga hukbo ang lupain ay nasunog at ang mga tao ay tulad ng langis para sa apoy. Walang patatakasin sa kaniyang mga kapatid.
만군의 여호와의 진노로 인하여 이 땅이 소화되리니 백성은 불에 타는 섶나무와 같을 것이라 사람이 그 형제를 아끼지 아니하며
20 Hihiwa sila ng laman sa kanilang kanang kamay pero magugutom pa rin sila; kakainin nila ang laman ng kanilang kaliwang kamay pero hindi sila mabubusog.
우편으로 움킬지라도 주리고 좌편으로 먹을지라도 배부르지 못하여 각각 자기 팔의 고기를 먹을 것이며
21 Ang bawat isa ay kakainin ang kanilang sariling kamay. Lalapain ng Manases ang Efraim, at ang Efraim ang Manases at ang dalawa ay lulusob sa Juda. Sa lahat ng mga ito ang galit ni Yahweh ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
므낫세는 에브라임을 에브라임은 므낫세를 먹을 것이요 또 그들이 합하여 유다를 치리라 그럴지라도 여호와의 노가 쉬지 아니하며 그 손이 여전히 펴지리라