< Isaias 9 >
1 Mapapawi ang lungkot ng siyang nasa pagdadalamhati. Sa nakaraang panahon, pinahiya niya ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali, pero sa darating na panahon ay gagawin niya itong maluwalhati, ang landas tungo sa dagat, ang malayong dako mula sa Jordan, ang Galilea ng mga bansa.
As the former time made light The land of Zebulun and the land of Naphtali, So the latter hath honoured the way of the sea, Beyond the Jordan, Galilee of the nations.
2 Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.
The people who are walking in darkness Have seen a great light, Dwellers in a land of death-shade, Light hath shone upon them.
3 Pinarami mo ang bansa, dinagdagan mo ang kanilang kagalakan; nagagalak sila sa iyo gaya nang sa anihan, gaya ng mga kalalakihan kapag pinaghahatian na nila ang nasamsam sa labanan.
Thou hast multiplied the nation, Thou hast made great its joy, They have joyed before Thee as the joy in harvest, As [men] rejoice in their apportioning spoil.
4 Dahil ang pasan niyang pamatok, ang kahoy sa kaniyang balikat, ang pamalo ng kaniyang mang-aapi, ay iyong sinira na gaya noong araw sa Midian.
Because the yoke of its burden, And the staff of its shoulder, the rod of its exactor, Thou hast broken as [in] the day of Midian.
5 Sapagkat ang mga bota ay lumalakad sa kaguluhan, ang damit na nababad sa dugo ay susunugin, bilang pandingas sa apoy.
For every battle of a warrior [is] with rushing, and raiment rolled in blood, And it hath been for burning — fuel of fire.
6 Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
For a Child hath been born to us, A Son hath been given to us, And the princely power is on his shoulder, And He doth call his name Wonderful, Counsellor, Mighty God, Father of Eternity, Prince of Peace.
7 Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
To the increase of the princely power, And of peace, there is no end, On the throne of David, and on his kingdom, To establish it, and to support it, In judgment and in righteousness, Henceforth, even unto the age, The zeal of Jehovah of Hosts doth this.
8 Nagpadala ng mensahe ang Panginoon laban kay Jacob, at ito ay naipataw sa Israel.
A word hath the Lord sent into Jacob, And it hath fallen in Israel.
9 Malalaman ng lahat, maging ng Efraim at ng mga taga-Samaria, na nagmamayabang at nagmamataas sa puso nang sinabi nila,
And the people have known — all of it, Ephraim, and the inhabitant of Samaria, In pride and in greatness of heart, saying,
10 “Nagiba ang mga laryo, pero bubuuin namin muli sa pamamagitan ng inukit na bato; naputol ang mga sikamore, pero magtatanim kami ng mga sedar pamalit sa kanila.”
'Bricks have fallen, and hewn work we build, Sycamores have been cut down, and cedars we renew.'
11 Kaya lalabanan siya ni Yahweh, si Rezin, ang kaniyang kalaban, at hihimukin ang kaniyang mga kalabang
And Jehovah setteth the adversaries of Rezin on high above him, And his enemies he joineth together,
12 mga Arameo sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran. Lalapain nila ang Israel nang may nakabukang bibig. Dahil sa kanyang galit hindi hihinto si Yahweh, at nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Aram from before, and Philistia from behind, And they devour Israel with the whole mouth. With all this not turned back hath His anger, And still His hand is stretched out.
13 Pero hindi babalik ang mga tao sa humampas sa kanila, ni hahanapin si Yahweh ng mga hukbo.
And the people hath not turned back unto Him who is smiting it, And Jehovah of Hosts they have not sought.
14 Kaya puputulin ni Yahweh mula sa Israel ang ulo at ang buntot, ang sanga ng palma at tangkay, sa loob lang ng isang araw.
And Jehovah cutteth off from Israel head and tail, Branch and reed — the same day,
15 Ang mga pinuno at ang mga mayayaman ay ang ulo; at ang propetang nagtuturo ng kasinungalingan ay ang buntot.
Elder, and accepted of face, he [is] the head, Prophet, teacher of falsehood, he [is] the tail.
16 Inililigaw sila ng mga taong nangunguna sa kanila, at ang mga sumunod ay nilamon.
And the eulogists of this people are causing to err, And its eulogised ones are consumed.
17 Kaya hindi magsasaya ang Diyos sa kanilang mga kabataang lalaki, o kaya magkakaroon ng awa sa mga naulila sa ama at mga balo, dahil ang karamihan ay walang Diyos at masasama, at ang bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan. Dahil sa lahat ng mga ito, ang kaniyang galit ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Therefore, over its young men the Lord rejoiceth not, And its orphans, and its widows He pitieth not, For every one [is] profane, and an evil doer, And every mouth is speaking folly. With all this not turned back hath His anger, And still His hand is stretched out.
18 Ang kasamaan ay tumutupok na parang apoy, inuubos nito ang mga damo at mga tinik; at sinusunog pa nito maging ang kasukalan ng kagubatan, na umaangat ang usok na parang haligi.
For burned as a fire hath wickedness, Brier and thorn it devoureth, And it kindleth in thickets of the forest, And they lift themselves up, an exaltation of smoke!
19 Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na galit ni Yahweh ng mga hukbo ang lupain ay nasunog at ang mga tao ay tulad ng langis para sa apoy. Walang patatakasin sa kaniyang mga kapatid.
In the wrath of Jehovah of Hosts Hath the land been consumed, And the people is as fuel of fire; A man on his brother hath no pity,
20 Hihiwa sila ng laman sa kanilang kanang kamay pero magugutom pa rin sila; kakainin nila ang laman ng kanilang kaliwang kamay pero hindi sila mabubusog.
And cutteth down on the right, and hath been hungry, And he devoureth on the left, And they have not been satisfied, Each the flesh of his own arm they devour.
21 Ang bawat isa ay kakainin ang kanilang sariling kamay. Lalapain ng Manases ang Efraim, at ang Efraim ang Manases at ang dalawa ay lulusob sa Juda. Sa lahat ng mga ito ang galit ni Yahweh ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Manasseh — Ephraim, and Ephraim — Manasseh, Together they [are] against Judah, With all this not turned back hath His anger. And still His hand is stretched out!