< Isaias 66 >

1 Ito ang sinabi ni Yahweh, “Ang langit ay aking trono, at ang daigdig ay aking tuntungan. Nasaan na ang bahay na itatayo ninyo para sa akin? Nasaan ang lugar na maari kong pagpahingahan?
ヱホバ如此いひたまふ 天はわが位地はわが足臺なり なんぢら我がために如何なる家をたてんとするか 又いかなる處かわが休憩の場とならん
2 Ang kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito; ganoon nilikha ang lahat ng mga ito — ito ang pahayag ni Yahweh. Ang taong sinasang-ayunan ko ay ang mga nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, at nanginginig sa aking salita.
ヱホバ宣給く 我手はあらゆる此等のものを造りてこれらの物ことごとく成れり 我はただ苦しみまた心をいため我がことばを畏れをののくものを顧みるなりと
3 Sinumang pumapatay ng baka ay pumapatay din ng isang tao; ang siyang nag-aalay ng isang tupa ay bumabali rin ng leeg ng isang aso; ang siyang naghahandog ng isang butil ay naghahandog din ng dugo ng baboy; ang siyang naghahandog ng isang pang-alaala na insenso ay nagpapala rin ng kasamaan. Pinili nila ang kanilang sariling mga paraan, at natutuwa sila sa kanilang kalapastanganan.
牛をほふるものは人をころす者のごとく 羔を犠牲とするものは狗をくびりころす者のごとく 祭物をささぐるものは豕の血をささぐる者のごとく 香をたくものは偶像をほむる者のごとし 彼等はおのが途をえらみその心ににくむべき者をたのしみとせり
4 Sa ganun ding paraan ko pipiliin ang kanilang sariling kaparusahan; ipaparanas ko sa kanila kung ano ang kanilang kinatatakutan, dahil ng ako ay tumawag, walang tumugon kahit isa; nang ako ay nagsalita, walang sinumang nakinig. Ginawa nila kung ano ang masama sa aking paningin, at piniling gawin kung ano ang hindi nakalulugod sa akin.”
我もまた災禍をえらびて彼等にあたへ その懼るるところの事を彼らに臨ましめん そは我よびしとき應ふるものなく我かたりしとき聽ことをせざりき わが目にあしき事をおこなひわが好まざる事をえらみたればなり
5 Pakinggan ang salita ni Yahweh, kayong mga nanginginig sa kanyang salita. “Ang mga kababayan ninyo na napopoot at nagpapalayas sa inyo ng dahil sa aking pangalan ay nagsabi, “Maluwalhati nawa si Yahweh, para makita namin ang inyong kagalakan,' pero sila ay malalagay sa kahihiyan.
なんぢらヱホバの言をおそれをののく者よヱホバの言をきけ なんぢらの兄弟なんぢらを憎みなんぢらをわが名のために逐出していふ 願くはヱホバその榮光をあらはして我儕になんぢらの歡喜を見せしめよと 然どかれらは恥をうけん
6 Isang tunog ng kaguluhan sa labanan ay dumarating mula sa lungsod, isang tunog mula sa templo, ang tunog ng paghihiganti ni Yahweh sa kanyang mga kaaway.
騒亂るこゑ邑よりきこえ聲ありて宮よりきこゆ 此はヱホバその仇にむくいをなしたまふ聲なり
7 Bago humilab ang kanyang tiyan, siya ay manganganak; bago siya lukuban ng sakit, siya ay nagsilang ng isang lalaki.
シオンは產のなやみを知ざるさきに生 その劬勞きたらざるさきに男子をうみいだせり
8 Sino ang nakarinig at nakakita na ng ganung bagay? Maaari bang isilang ang isang lupain sa isang araw? Maaari bang maitatag ang isang bansa sa isang sandali? Gayunman sa sandaling humilab ang tiyan ng Sion, nagsilang siya sa kanyang mga anak.
誰がかかる事をききしや誰がかかる類をみしや 一の國はただ一日のくるしみにて成べけんや 一つの國民は一時にうまるべけんや 然どシオンはくるしむ間もなく直にその子輩をうめり
9 Dadalhin ko ba ang isang sanggol sa may labasan ng panganganak at hindi pahihintulutan ang pagluwal nito? — tinatanong ni Yahweh. O dadalhin ko ba ang isang bata sa panahong dapat nang iluwal at pagkatapos pipigilan ang pagsilang nito? — tinatanong ng inyong Diyos.
ヱホバ言給く われ產にのぞましめしに何でうまざらしめんや なんぢの神いひたまはく 我はうましむる者なるにいかで胎をとざさんや
10 Makisaya sa Jerusalam at magalak para sa kanya, lahat kayong nagmamahal sa kanya, kayo'y makisaya sa kanya, lahat kayong nagdalamhati para sa kanya!
ヱルサレムを愛するものよ皆かれとともに喜べ かれの故をもてたのしめ 彼のために悲めるものよ皆かれとともに喜びたのしめ
11 Dahil kayo ay pasususuhin at masisiyahan; sa kanyang dibdib kayo ay magiginhawahan, dahil makakainom kayo ng lubos at masisiyahan kayo sa kasaganaan ng kanyang kaluwalhatian.
そはなんぢら乳をすふ如くヱルサレムの安慰をうけて飽ことを得ん また乳をしぼるごとくその豐なる榮をうけておのづから心さわやかならん
12 Ito ay kung anong sinabi ni Yahweh, “Palalaganapin ko na ang kasaganaan sa kanya tulad ng isang ilog, at ang kayamanan ng mga bansa tulad ng umaapaw na batis. Ikaw ay pasususuhin sa kanyang tabi, bubuhatin sa kanyang mga bisig, at ihehele sa kanyang kandungan.
ヱホバ如此いひたまふ 視よわれ河のごとく彼に平康をあたへ 漲ぎる流のごとく彼にもろもろの國の榮をあたへん 而して汝等これをすひ背におはれ膝におかれて樂しむべし
13 Gaya ng pag-aaliw ng isang ina sa kanyang anak, gayun din aaliwin ko kayo, at kayo ay aaliwin sa Jerusalem.
母のその子をなぐさむるごとく我もなんぢらを慰めん なんぢらはヱルサレムにて安慰をうべし
14 Makikita ninyo ito at masisiyahan ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay uusbong gaya ng murang damo. Mahahayag ang kamay ni Yahweh sa kaniyang mga lingkod, pero magagalit siya sa kaniyang mga kaaway.
なんぢら見て心よろこばん なんぢらの骨は若草のさかゆるごとくだるべし ヱホバの手はその僕等にあらはれ又その仇をはげしく怒りたまはん
15 Kaya masdan ninyo, darating si Yahweh na may apoy, at ang kaniyang mga karwahe ay darating tulad ng malakas na bagyo para dalhin ang sidhi ng kaniyang galit at ang kaniyang pagsaway na may lagablab ng apoy.
視よヱホバは火中にあらはれて來りたまふその 車輦ははやちのごとし 烈しき威勢をもてその怒をもらし火のほのほをもてその譴をほどこし給はん
16 Dahil pinapatupad ni Yahweh ang paghahatol sa sangkatauhan sa pamamagitan ng apoy at kaniyang espada. Marami ang mapapatay ni Yahweh.
ヱホバは火をもて劍をもてよろづの人を刑ひたまはん ヱホバに刺殺さるるもの多かるべし
17 Itinatalaga at ginagawa nilang dalisay ang kanilang mga sarili kay Yahweh para makapasok sila sa mga hardin, kasunod ng mga kumakain ng laman ng baboy at kasuklam-suklam na mga bagay gaya ng mga daga. “Darating sila sa pagwawakas— ito ang pahayag ni Yahweh.
ヱホバ宣給く みづからを潔くしみづからを別ちて園にゆき その中にある木の像にしたがひ 豕の肉けがれたる物および鼠をくらふ者はみな共にたえうせん
18 Dahil nalalaman ko ang kanilang mga ginagawa at iniisip. Darating ang panahon na titipunin ko lahat ng mga bansa at mga wika. Darating sila at makikita nila ang aking kaluwalhatian.
我かれらの作爲とかれらの思念とをしれり 時きたらばもろもろの國民ともろもろの族とをあつめん 彼等きたりてわが榮光をみるべし
19 Maglalagay ako ng isang makapangyarihang tanda sa kanila. Pagkatapos ipapadala ko ang mga nakaligtas mula sa kanila sa mga bansa: Sa Tarsis, Put, at Lud, mga mamamana na gumagamit ng kanilang mga palaso, sa Tubal, Javan at sa mga malalayong baybayin kung saan sila ay hindi pa nakarinig ng tungkol sa akin ni nakakita ng aking kaluwalhatian. Ipapahayag nila ang aking kaluwalhatian sa mga bansa.
我かれらのなかに一つの休徴をたてて逃れたる者をもろもろの國すなはちタルシシよく弓をひくブル、ルデおよびトバル、ヤワン又わが聲名をきかずわが榮光をみざる遙かなる諸島につかはさん 彼等はわが榮光をもろもろの國にのべつたふべし
20 Bilang isang handog kay Yahweh, ibabalik nila ang lahat ng inyong mga kababayan sa lahat ng mga bansa. Sila ay darating na sakay ng mga kabayo, at mga nasa karwahe, sa bagon, sa mga asno, at mga kamelyo patungo sa aking banal na bundok sa Jerusalem— sinabi ni Yahweh. Dahil ang bayan ng Israel ay magdadala ng handog na butil na nasa malinis na sisidlan patungo sa tahanan ni Yahweh.
ヱホバいひ給ふ かれらはイスラエルの子輩がきよき器にそなへものをもりてヱホバの家にたづさへきたるが如く なんぢらの兄弟をもろもろの國の中よりたづさへて馬 車 轎 騾 駱駝にのらしめ わが聖山ヱルサレムにきたらせてヱホバの祭物とすべし
21 Ang iba sa mga ito ay pipiliin ko bilang mga pari at mga Levita— sinabi ni Yahweh.
ヱホバいひ給ふ 我また彼等のうちより人をえらびて祭司としレビ人とせんと
22 Ito ang pahayag ni Yahweh— kung gaano katagal mananatili sa harapan ko ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin, ganoon din katagal mananatili ang inyong kaapu-apuhan, at ang inyong pangalan ay mananatili.
ヱホバ宣給く わが造らんとする新しき天とあたらしき地とわが前にながくとどまる如く なんちの裔となんぢの名はながくとどまらん
23 Sinabi ni Yahweh— Mula sa isang buwan hanggang sa mga susunod, at mula sa isang Araw ng Pamamahinga hanggang sa mga susunod, lahat ng mga tao ay darating para yumukod sa akin.
ヱホバいひ給ふ新月ごとに安息日ごとによろづの人わが前にきたりて崇拜をなさん
24 Lalabas sila at makikita nila ang mga bangkay ng mga taong nagrebelde laban sa akin, dahil ang mga uod na kakain sa kanila ay hindi mamamatay, at ang apoy na lalamon sa kanila ay hindi maaapula; at ito ay magiging nakakadiri sa buong sangkatauhan.”
かれら出てわれに逆きたる人の屍をみん その蛆しなずその火きえず よろづの人にいみきらはるべし

< Isaias 66 >