< Isaias 64 >
1 O Yahweh, kung binuksan mo ang kalangitan at ikaw ay bumaba! Nayanig sana ang mga bundok sa iyong presensya,
“Oh, if you had split open the heavens and come down! The mountains would have shaken at your presence,
2 tulad nang pagningas ng apoy sa kasukalan, o ng apoy na nagpapakulo ng tubig. O, na malalaman ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan, na manginginig ang mga bansa sa iyong presensya!
as when fire kindles the brushwood, or the fire makes water boil. Oh, that your name would be known by your adversaries, that the nations would tremble at your presence!
3 Noon, nang gumawa ka ng mga kamangha-manghang mga bagay na hindi namin inaasahan, bumaba ka, at ang mga bundok ay nayanig sa iyong presensya.
Previously, when you did marvelous things that we had not expected, you came down, and the mountains trembled at your presence.
4 Mula noong sinaunang panahon wala pang sinuman ang nakarinig o nakakilala, ni nakakita ng anumang Diyos maliban sa iyo, na gumagawa ng mga bagay para sa sinumang umaasa sa kanya.
Since ancient times no one has heard or perceived, nor eye seen any God besides you, who does things for him who waits for him.
5 Dumarating ka para tulungan ang mga nagagalak na gumawa kung ano ang tama, sila na nakakaalala ng iyong mga paraan at sumusunod sa mga ito. Nagalit ka ng kami ay nagkasala. Sa iyong mga paraan lagi kaming maliligtas.
You come to help those who rejoice in doing what is right, those who call to mind your ways and obey them. You were angry when we sinned. In your ways we will always be rescued.
6 Dahil kaming lahat ay naging tulad ng isang taong marumi, at lahat ng aming matutuwid na gawa ay parang pasador. Kaming lahat ay nalanta na parang dahon; ang aming mga kasamaan, tulad ng hangin, ay naglayo sa amin.
For we have all become like one who is unclean, and all our righteous deeds are like a menstrual rag. We have all withered like leaves; our iniquities, like the wind, carry us away.
7 Walang sinumang tumatawag sa pangalan mo ang nagsikap na humawak sa iyo, dahil itinago mo sa amin ang iyong mukha at pinaubaya kami sa aming mga kasalanan.
There are none who calls on your name, who makes an effort to take hold of you. For you have hidden your face from us and made us waste away in the hand of our iniquities.
8 Gayun pa man, Yahweh, ikaw ang aming ama, kami ang putik. Ikaw ang nagbigay hugis sa amin, at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
Yet, Yahweh, you are our father; we are the clay. You are our potter; and we all are the work of your hand.
9 Yahweh, huwag kang magalit nang labis sa amin, ni laging alalahanin ang aming mga kasalanan. Pakiusap masdan mo kaming lahat, ang iyong bayan.
Be not too angry, Yahweh, nor always call to mind against us our sins. Please look at us all, your people.
10 Ang iyong mga banal na lungsod at ang Sion ay naging isang ilang, ang Jerusalam isang kalungkutan.
Your holy cities have become a wilderness; Zion has become a wilderness, Jerusalem a desolation.
11 Ang aming banal at magandang templo, kung saan ang aming mga ninuno ay nagpuri sa iyo, ay nawasak ng apoy, at lahat ng mga mamahalin ay wasak na.
Our holy and beautiful temple, where our fathers praised you, has been destroyed by fire, and all that was so dear is in ruins.
12 Paano ka pa nakakapagpigil, Yahweh? Paano mo nagagawang manatiling tahimik at nakapagpapatuloy na hiyain kami?”
How can you still hold back, Yahweh? How can you remain silent and continue to humiliate us?”