< Isaias 60 >

1 Bumangon kayo, magliwanag kayo; dahil ang inyong liwanag ay dumating na, at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay sumikat na sa inyo.
Восстань, светись, Иерусалим, ибо пришел свет твой, и слава Господня взошла над тобою.
2 Kahit na ang kadiliman ay magtatakip sa mundo, at makapal na kadiliman sa mga bansa; gayon man si Yahweh ay magliliwanag sa inyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa inyo.
Ибо вот, тьма покроет землю, и мрак - народы; а над тобою воссияет Господь, и слава Его явится над тобою.
3 Ang mga bansa ay lalapit sa inyong liwanag, at ang mga hari sa inyong maliwanag na ilaw na sumisikat.
И придут народы к свету твоему, и цари - к восходящему над тобою сиянию.
4 Pagmasdan ninyo ang buong paligid at tingnan. Tinipon nilang lahat ang kanilang mga sarili at lumalapit sa iyo. Ang inyong mga anak na lalaki ay darating mula sa malayo, at ang inyong mga anak na babae ay bubuhatin sa kanilang mga bisig.
Возведи очи твои и посмотри вокруг: все они собираются, идут к тебе; сыновья твои издалека идут и дочерей твоих на руках несут.
5 Pagkatapos pagmamasdan mo at magiging makinang, at ang inyong puso ay magagalak at mag-uumapaw, dahil ang kasaganaan ng dagat ay ibubuhos sa inyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa inyo.
Тогда увидишь и возрадуешься, и затрепещет и расширится сердце твое, потому что богатство моря обратится к тебе, достояние народов придет к тебе.
6 Ang mga karawan ng kamelyo ay magtatakip sa inyo, ang mga dromedario ng Midian at Efa; lahat sila ay darating mula sa Seba; sila ay magdadala ng ginto at kamanyang, at aawit ng mga papuri ni Yahweh.
Множество верблюдов покроет тебя - дромадеры из Мадиама и Ефы; все они из Савы придут, принесут золото и ладан и возвестят славу Господа.
7 Lahat ng mga kawan ng Kedar ay sama-samang titipunin para sa inyo, paglilingkuran kayo sa inyong mga pangangailangan ng mga lalaking tupa ng Nebaioth, sila ay magiging katanggap-tanggap na mga handog sa aking altar; at aking luluwalhatiin ang aking maluwalhating bahay.
Все овцы Кидарские будут собраны к тебе; овны Неваиофские послужат тебе: взойдут на алтарь Мой жертвою благоугодною, и Я прославлю дом славы Моей.
8 Sino ang mga ito na lumilipad katulad ng isang ulap, at katulad ng mga kalapati patungo sa kanilang mga silungan?
Кто это летят, как облака, и как голуби - к голубятням своим?
9 Ang mga baybaying-lugar ay maghahanap sa akin, at nangunguna ang mga barko sa Tarsis, para dalhin ang inyong mga anak na lalaki mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na dala nila, para sa pangalan ni Yahweh na inyong Diyos, at para sa Banal ng Israel, dahil kayo ay pinarangalan niya.
Так, Меня ждут острова и впереди их - корабли Фарсисские, чтобы перевезти сынов твоих издалека и с ними серебро их и золото их, во имя Господа Бога твоего и Святаго Израилева, потому что Он прославил тебя.
10 Ang mga anak ng mga dayuhan ay muling magtatayo ng inyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa inyo; kahit sa aking matinding galit kayo ay pinarusahan ko, gayon pa man sa aking pabor kinahahabagan ko kayo.
Тогда сыновья иноземцев будут строить стены твои, и цари их - служить тебе; ибо во гневе Моем Я поражал тебя, но в благоволении Моем буду милостив к тебе.
11 Ang inyong mga tarangkahan din ay mananatiling bukas palagi; ang mga ito ay hindi isasara araw o gabi, sa gayon ang kayaman ng mga bansa ay maaaring dalhin, kasama ang kanilang mga hari na pinangungunahan.
И будут всегда отверсты врата твои, не будут затворяться ни днем ни ночью, чтобы приносимо было к тебе достояние народов и приводимы были цари их.
12 Sa katunayan, ang mga bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa inyo ay maglalaho; ang mga bansang iyon ay ganap na mawawasak.
Ибо народ и царства, которые не захотят служить тебе, - погибнут, и такие народы совершенно истребятся.
13 Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay darating sa inyo, ang punong sipres, ang pir, at puno ng pino na magkakasama, para pagandahin ang aking santuwaryo; at luluwalhatiin ko ang lugar ng aking mga paa.
Слава Ливана придет к тебе, кипарис и певг и вместе кедр, чтобы украсить место святилища Моего, и Я прославлю подножие ног Моих.
14 Sila ay lalapit sa inyo para yumuko, ang mga anak na lalaki na humamak sa inyo; sila ay yuyuko sa inyong mga paanan; kayo ay tatawagin nilang, Ang Lungsod ni Yahweh, Sion ang Banal ng Israel.
И придут к тебе с покорностью сыновья угнетавших тебя, и падут к стопам ног твоих все, презиравшие тебя, и назовут тебя городом Господа, Сионом Святаго Израилева.
15 Sa halip na kayo ang nananatiling napabayaan at kinapopootan, na walang sinuman ang pumapansin sa inyo, gagawin ko kayong isang bagay na ipagmamalaki magpakailanman, isang kagalakan mula sa bawat salinlahi.
Вместо того, что ты был оставлен и ненавидим, так что никто не проходил чрез тебя, Я соделаю тебя величием навеки, радостью в роды родов.
16 Iinumin din ninyo ang gatas ng mga bansa, at sususo sa dibdib ng mga hari; malalaman ninyo na Akong, si Yahweh, ako ang inyong Tagapagligtas at inyong Manunubos, ang Tanging Kalakasan ni Jacob.
Ты будешь насыщаться молоком народов, и груди царские сосать будешь, и узнаешь, что Я Господь - Спаситель твой и Искупитель твой, Сильный Иаковлев.
17 Sa halip na tanso, ako ay magdadala ng ginto, sa halip na bakal ako ay magdadala ng pilak; sa halip na kahoy, tanso, at sa halip na mga bato, bakal. Maghihirang ako ng kapayapaan bilang inyong mga gobernador, at katarungan sa inyong mga namumuno.
Вместо меди буду доставлять тебе золото, и вместо железа серебро, и вместо дерева медь, и вместо камней железо; и поставлю правителем твоим мир и надзирателями твоими - правду.
18 Ang karahasan ay hindi na kailanman maririnig sa inyong lupain, o ang pagkawasak, ni paninira sa loob ng inyong mga nasasakupan; pero tatawagin ninyong Kaligtasan ang inyong mga pader, at Papuri ang inyong mga tarangkahan.
Не слышно будет более насилия в земле твоей, опустошения и разорения - в пределах твоих; и будешь называть стены твои спасением и ворота твои - славою.
19 Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian.
Не будет уже солнце служить тебе светом дневным, и сияние луны - светить тебе; но Господь будет тебе вечным светом, и Бог твой - славою твоею.
20 Ang inyong araw ay hindi na kailanman lulubog, ni ang inyong buwan ay lulubog at mawawala; dahil si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang mga araw ng inyong pagluluksa ay matatapos na.
Не зайдет уже солнце твое, и луна твоя не сокроется, ибо Господь будет для тебя вечным светом, и окончатся дни сетования твоего.
21 Lahat ng inyong mamamayan ay magiging matuwid; sila ang magmamay-ari ng lupain sa lahat ng panahon, ang sanga ng aking pagtatanim, ang gawa ng aking mga kamay, para ako ay maaaring luwalhatiin.
И народ твой весь будет праведный, навеки наследует землю, - отрасль насаждения Моего, дело рук Моих, к прославлению Моему.
22 Ang isang kakaunti ay magiging isang libo, at ang isang maliit, isang malakas na bansa; akong si Yahweh, agad na tutuparin ang mga bagay na ito kapag dumating ang panahon.
От малого произойдет тысяча, и от самого слабого - сильный народ. Я, Господь, ускорю совершить это в свое время.

< Isaias 60 >