< Isaias 6 >
1 Sa taon ng kamatayan ni Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang trono; siya ay mataas at nakaangat; at ang laylayan ng kaniyang kasuotan ay bumalot sa templo.
In the year that King Uzziah died, I saw the Lord seated in majesty on a high throne, and the train of his robe filled the Temple.
2 Nasa taas niya ang mga serapin, bawat isa ay mayroong anim na pakpak, dalawa ang nakatakip sa kaniyang mukha, at dalawa ang nakatakip sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.
Seraphim stood above him, and each of them had six wings: They used two wings to cover their faces, two to cover their feet, and two to fly.
3 Bawat isa ay nagsasabi sa isa't isa, “Banal, banal, banal si Yahweh na pinuno ng mga hukbo! Puno ng kaniyang kaluwalhatian ang buong mundo.”
They were calling out to one another: Holy, holy, holy is the Lord Almighty; his glory fills the whole earth.
4 Nayanig ang mga pinto at mga pundasyon sa mga tinig ng mga nananawagan, at napuno ng usok ang bahay.
The sound of their shouts made the doorposts and doorsteps shake, and the Temple was filled with smoke.
5 Pagkatapos sinabi ko, “Kaawa-awa ako! Mapapahamak ako dahil ako ay isang taong marumi ang labi, at namumuhay kasama ng mga taong marurumi ang mga labi, dahil nakita ng aking mga mata ang Hari, si Yahweh, si Yahweh na pinuno ng mga hukbo!”
I cried out, “I'm doomed! I'm going to die because I'm a man of unclean lips, and I live among a people of unclean lips, for I've seen the King, the Lord Almighty!”
6 Pagkatapos, isang serapin ang lumipad papalapit sa akin; mayroon siyang hawak na nagbabagang uling na kinuha niya gamit ang panipit mula sa altar.
Then one of the seraphim flew over to me. He was holding a glowing coal that he had picked up with tongs from the altar.
7 Idinampi niya ito sa aking bibig at sinabi, “Masdan mo, naidampi na ito sa iyong labi; ang iyong kasalanan ay nilinis at tinubos na.
He touched me on my mouth with it and told me, “Look! This has touched your lips, so now your guilt is taken away and your sin is forgiven.”
8 Narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabing, “Sino ang aking isusugo? Sino ang magpapahayag para sa atin? Pagkatapos sinabi ko, “Narito ako; ako ang iyong isugo.”
Then I heard the Lord asking, “Who shall I send? Who will go and speak for us?” So I said, “I'm here! Please send me!”
9 Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga taong ito, makinig man kayo, hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo, hindi kayo makakikita.
He replied, “Go and tell this people: ‘Keep on listening, but never understanding. Keep on seeing, but never comprehending.’
10 Patigasin mo ang puso ng mga taong ito, gawin mong bingi ang kanilang mga tainga, at bulagin mo ang kanilang mga mata para hindi sila makakita o hindi sila makarinig at hindi makaunawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila sa akin at sila ay gagaling.”
Make the minds of this people insensitive; make their ears deaf and shut their eyes. Otherwise they might see with their eyes, hear with their ears, understand with their minds, and repent and be healed.”
11 Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Then I asked, “How long will this last, Lord?” He replied, “Until towns are ruined and empty, houses are abandoned, and the land is devastated and destroyed;
12 at hanggang ipatapon ni Yahweh ang ang mga tao palayo, at tuluyang mawalan ng pakinabang ang lupain.
until the Lord sends the people far away and the country is totally deserted.
13 Manatili man ang ikasampung bahagi ng mga tao roon, muli itong wawasakin; gaya ng isang roble o owk na pinutol at naiwan ang katawan nito, ang banal na binhi naman ay nasa tuod na ito.”
Even though a tenth of the population remains in the land, it will be destroyed again. But in the same way as the terebinth and oak trees leave stumps when they're cut down, so the holy seed will remain as stump.”