< Isaias 59 >

1 Pagmasdan ninyo, Ang kamay ni Yahweh ay hindi napakaigsi para hindi ito makapagligtas; ni ang kaniyang pandinig ay napakahina, para hindi ito makarinig.
Redzi, Tā Kunga roka nav paīsināta, palīdzēt, un Viņa auss nav bieza, dzirdēt.
2 Ang inyong makasalanang mga kilos, gayunman, ay naghiwalay sa inyo mula sa inyong Diyos, at dahil sa inyong mga kasalanan ay nagawa niyang maitago ang kaniyang mukha mula sa inyo at mula sa pakikinig sa inyo.
Bet jūsu noziegumi jūs atšķir no jūsu Dieva, un jūsu grēki apslēpj Viņa vaigu no jums, ka Viņš neklausa.
3 Dahil ang inyong mga kamay ay narumihan ng dugo at ang inyong mga daliri ng kasalanan. Ang inyong mga labi ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at ang inyong dila ay nagsasalita ng may malisya.
Jo jūsu rokas ir sagānītas ar asinīm un jūsu pirksti ar netaisnību, jūsu lūpas runā viltību, un jūsu mēle izdomā nepatiesību.
4 Walang isa man ang tumatawag sa katuwiran, at walang nagsusumamo ng kaniyang kalagayan nang totoo. Sila ay nagtitiwala sa walang kabuluhang mga salita, at nagsasabi ng mga kasinungalingan; sila ay nagbabalak ng kaguluhan at nagbubunga ng kasalan.
Neviena nav, kas taisnību sludina, un neviena, kas uzticīgi tiesā; tie paļaujas uz tukšiem niekiem un runā viltu, tie nesās ar nelietību un dzemdē postu.
5 Sila ay nagpipisa ng mga itlog ng isang makamandag na ahas at naghahabi ng sapot ng gagamba. Sinuman ang kumakain ng kanilang mga itlog ay namamatay, at kung ang isang itlog ay mapisa, ito ay napipisa para maging isang makamandag na ahas.
Tie perē čūsku pautus(olas) un auž zirnekļa tīklus. Kas no viņu pautiem ēd, tam jāmirst, un kad vienu samin, tad odze izlec.
6 Ang kanilang mga sapot ay hindi maaaring magamit para sa mga kasuotan, ni maaaring takpan nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga gawain. Ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasalanan, at ang mga gawain ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
Viņu audumi neder drēbēm, un ar viņu darījumiem nevar apsegties, viņu darbi ir nelietīgi darbi, un varmācība ir viņu rokās.
7 Ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan, at sila ay tumatakbo para magbuhos ng dugo ng walang kasalanan. Ang kanilang mga kaisipan ay mga kaisipan ng kasalanan; karahasan at kasiraan ay kanilang mga daan.
Viņu kājas skrien uz ļaunumu un steidzās izliet nenoziedzīgas asinis, viņu domas ir nelietīgas domas, posts un nelaime ir uz viņu ceļiem.
8 Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman, at walang katarungan sa kanilang mga landas. Sila ay gumawa ng mga likong mga landas; ang sinumang naglalakbay sa mga landas na ito ay hindi nalalaman ang kapayapaan.
Miera ceļu tie nezin, un tiesa nav viņu gājumos, tie groza savus ceļus; neviens, kas pa tiem staigā, nezin mieru.
9 Kaya ang katarungan ay malayo mula sa amin, ni ang katuwiran ay nakararating sa amin. Kami ay naghihintay sa liwanag, pero kadiliman ang nakikita, naghahanap kami ng kaningningan, pero naglalakad kami sa kadiliman.
Tādēļ tiesa ir tālu no mums, un taisnība mūs nepanāk, mēs gaidām uz gaismu, bet redzi, te ir tumsa, - uz spožumu, bet mēs staigājam krēslā.
10 Kinakapa namin ang pader katulad ng bulag, katulad ng mga hindi nakakikita. Kami ay natitisod sa katanghalian na parang sa takip-silim; sa kalagitnaan ng malakas kami ay katulad ng mga patay.
Mēs grābstāmies gar sienām, kā akli, un kā kam acu nav, tā mēs grābstāmies; mēs piedauzamies dienas vidū tā kā krēslā, pašā zaļā dzīvībā esam kā miruši.
11 Kami ay umuungal katulad ng mga oso at dumadaing katulad ng mga kalapati; kami ay naghihintay ng katarungan, pero wala; para masagip, pero ito ay malayo mula sa amin.
Mēs rūcam visi kā lāči, vaidam kā baloži, gaidām uz tiesu bet nav, uz pestīšanu, bet tā no mums tālu.
12 Dahil ang aming maraming paglabag sa iyong kautusan ay nasa harapan mo, at ang aming mga kasalanan ay magpapatotoo laban sa amin; dahil ang aming mga pagkakasala ay nasa amin, at nalalaman namin ang aming mga kasalanan.
Jo mūsu pārkāpumu ir daudz Tavā priekšā, un mūsu grēki dod pret mums liecību. Jo mūsu pārkāpumi ir mūsu priekšā, un mēs zinām savus noziegumus,
13 Kami ay nagrebelde, itinatanggi si Yahweh at tumatalikod mula sa pagsunod sa aming Diyos. Kami ay nagsalita ng paniniil at sa paglihis, nag-isip ng reklamo mula sa puso at mga salita ng kasinungalingan.
Mēs esam atkāpušies un To Kungu aizlieguši, nogriezušies no sava Dieva, runājam varmācību un bezdievību, sadomājam un izgāžam no sirds melu valodu.
14 Ang katarungan ay ipinagkait, at ang katuwiran ay nananatiling malayo; dahil ang katotohanan ay nakatitisod sa liwasang-bayan, at ang matuwid ay hindi makararating.
Tiesa ir atstumta nost, un taisnība stāv no tālienes, jo patiesība klūp uz ielas, un skaidrība netiek iekšā.
15 Ang mapagkakatiwalaan ay naglaho ng tuluyan, at siya na tumalikod mula sa kasamaan ay ginagawang biktima ang kaniyang sarili. Nakita ito ni Yahweh at nagalit siya na wala ng katarungan.
Tiešām, patiesība palikusi reta, un kas no ļauna atkāpjas, paliek par laupījumu. Tas Kungs to redzēja, un tas viņam nepatika, ka taisnības nav.
16 Nakita niya na wala ng tao, at nagtaka na walang isa man para mamagitan. Kaya ang kaniyang sariling bisig ang nagdala ng kaligtasan para sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay pinalakas siya.
Un Viņš redzēja, ka neviena nav, un brīnījās, ka aizstāvētāja nav. Un Viņam palīdzēja Viņa elkonis, un Viņa taisnība Viņu turēja.
17 Isinuot niya ang katuwiran bilang isang baluti sa dibdib at isang helmet ng kaligtasan sa kaniyang ulo. Dinamitan niya ang kaniyang sarili ng mga kasuotan ng paghihiganti at nagsuot ng kasigasigan bilang isang balabal.
Un Viņš apvilka taisnību kā krūšu bruņas un lika galvā pestīšanas bruņu cepuri, un Viņš apvilka par apģērbu atriebšanas drēbes un apņēma karstu dusmību kā mēteli.
18 Sila ay kaniyang pinagbayad sa kanilang ginawa, galit na paghatol sa kaniyang mga kaaway, paghihiganti para sa kaniyang mga kalaban, sa mga isla ng kaparusahan bilang gantimpala nila.
Tā kā pelnījuši, tā Viņš atmaksās, bardzību Saviem pretiniekiem, atmaksu Saviem ienaidniekiem, salām Viņš atlīdzinās, kā pelnījušas.
19 Kaya sila ay matatakot sa pangalan ni Yahweh mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian mula sa pagsikat ng araw; dahil siya ay darating tulad ng isang batis na mabilis na umaagos, pinadadaloy sa pamamagitan ng paghinga ni Yahweh.
Tad bīsies Tā Kunga vārdu no vakara puses un no saules uzlēkšanas Viņa godību; jo Viņš nāks kā uzplūdusi upe, ko Tā Kunga dvaša dzen.
20 Isang manunubos ay darating sa Sion at sa mga tumalikod mula sa kanilang pagrerebeldeng mga gawain kay Jacob—Ito ang kapahayagan ni Yahweh.
Un Pestītājs nāks Ciānai un tiem, kas iekš Jēkaba atgriežas no pārkāpšanas, saka Tas Kungs.
21 At para sa akin, ito ang aking tipan sa kanila—sinasabi ni Yahweh—ang aking espiritu na nasa inyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa inyong bibig, ay hindi mawawala sa inyong bibig, o mawawala sa bibig ng inyong mga anak, o mawawala sa bibig ng mga anak ng inyong mga anak—sinabi ni Yahweh—mula sa panahon na ito at magpakailanman.”
“Šī ir Mana derība ar tiem,” saka Tas Kungs: “Mans Gars, kas uz tevi, un mani vārdi, ko esmu licis tavā mutē, tie neatstāsies no tavas mutes, nedz no tava dzimuma mutes, nedz no tavu bērnu bērnu mutes,” saka Tas Kungs, “no šī laika mūžīgi mūžam.

< Isaias 59 >