< Isaias 57 >

1 Ang mga matutuwid ay pupuksain, pero hindi isinasaalang-alang ito ng sinuman, at ang mga tao ng katapatan sa tipan ay titipuning palayo, pero walang nakaka-unawa na ang mga matuwid ay ilalayo mula sa kasamaan.
O justo perece, e ninguém há que pense nisso em seu coração; e os bons são levados, sem que ninguém dê atenção, que o justo é levado de diante do mal.
2 Siya ay pumapasok sa kapayapaan; magpapahinga sila sa kanilang mga higaan, silang mga lumalakad sa kanilang katapatan.
Ele entrará [em] paz; descansarão em suas camas aqueles que vivem corretamente.
3 Ngunit magsilapit kayo, kayong mga anak na lalaki ng babaeng mangkukulam, mga anak ng mapakiapid at ang masamang babae na ipinagbili ang kanyang sarili.
Mas chegai-vos aqui, filhos da adivinha, descendência adúltera, e que cometeis pecados sexuais.
4 Para kanino ang masaya ninyong panunukso? Laban kanino ang pagbuka ng inyong bibig at ang inyong pandidila? Hindi ba kayo mga anak ng paghihimagsik, mga anak ng pandaraya?
De quem fazeis piadas de escárnio? Contra quem alargais a boca, e colocais a língua para fora? Por acaso não sois filhos da transgressão, [e] descendentes da falsidade?
5 Pinapainit ninyo ang inyong mga sarili na magkasamang nagsisiping sa ilalim ng mga puno ng ensena? sa ilalim ng bawat luntiang puno, kayong mga pumapatay ng inyong mga anak sa mga tuyong ilog, sa ilalim ng mga mabatong bangin.
[Não sois] vós, que vos inflamais com os ídolos abaixo de toda árvore verde, [e] sacrificais os filhos nos vales, abaixo das fendas dos penhascos?
6 Sa gitna ng mga makikinis na bagay sa ilog ng lambak ay ang mga bagay na itinalaga sa inyo. Sila ang pinagtutuunan ng inyong debosyon. Ibinubuhos ninyo ang inyong inuming handog sa kanila at nagtataas ng handog na butil. Dapat ba akong masiyahan sa mga bagay na ito?
Nas pedras lisas dos ribeiros está tua parte; estas, estas são aquilo que te pertence; a estas também derramas ofertas de líquidos, [e] lhe apresenta ofertas. Por acaso ficaria eu contente com estas coisas?
7 Inihanda ninyo ang inyong higaan sa isang mataas ng bundok; umakyat din kayo doon para maghandog ng mga alay.
Sobre altos e elevados montes pões tua cama; e a eles sobes para oferecer sacrifícios.
8 Sa likod ng pinto at mga haligi ay inilagay ninyo ang iyong mga simbolo; iniwanan ninyo ako at hinubaran ninyo ang inyong mga sarili, at kayo ay umakyat; pinalawak ninyo ang inyong higaan. Gumawa kayo ng tipan sa kanila; nagustuhan ninyo ang kanilang mga higaan; nakita ninyo ang kanilang mga maseselang bahagi.
E debaixo das portas e dos umbrais pões teus memoriais; porque a não a mim, mas a outros tu [te] descobres, e sobes, alargas tua cama, e fazes [pacto] com eles; amas a cama deles, a nudez que tu vês.
9 Kayo ay pumunta sa hari na may langis; pinarami ninyo ang inyong mga pabango. Ipinadala ninyo sa malayo ang inyong mga kinatawan; kayo ay bumaba sa sheol. (Sheol h7585)
E foste ao rei com óleo, e multiplicaste teus perfumes; e enviaste teus embaixadores para longe, e desceste até o Xeol. (Sheol h7585)
10 Kayo ay napagod mula sa inyong mahabang paglalakbay, pero hindi ninyo kailanman sinabi “Ito ay walang pag-asa.” Natagpuan ninyo ang buhay sa inyong mga kamay; kaya hindi kayo nanghina.
Em tua longa viagem te cansaste, [porém] não disseste: Não tenho mais esperança. Achaste força em tua mão, por isso não desanimaste.
11 Kanino ba kayo nag-aalala? Kanino ba kayo labis na natatakot na siyang nagdudulot para kumilos kayo nang may panlilinlang, kaya halos hindi ninyo maala-ala o maisip ang tungkol sa akin? Dahil nanahimik ako nang napakatagal, hindi na kayo natatakot sa akin.
Mas de quem tiveste receio e temeste? Por que mentiste, e não te lembraste de mim, nem pensaste em mim em teu coração? Por eu ter me calado desde muito tempo, [agora] não me temes?
12 Ipapahayag ko ang inyong mga matuwid na gawain at sabihin ang lahat ng inyong mga nagawa, pero hindi nila kayo tutulungan.
Eu declararei abertamente a tua justiça, e tuas obras; mas elas não te trarão proveito.
13 Kapag kayo ay umiiyak, hayaan ninyong sagipin kayo ng mga inipon ninyong mga diyus-diyosan. Sa halip ay tatangayin silang lahat ng hangin palayo, ang isang hininga ang tatangay sa kanila palayo. Ngunit ang nagkukubli sa akin ay magmamana ng lupain at magmamay-ari ng aking banal na bundok.
Quando tu vieres a clamar, que os ídolos que juntaste te livrem; porém o vento levará a todos eles, e um sopro os arrebatará; mas aquele que confia em mim herdará a terra, e tomará posse do meu santo monte.
14 Sasabihin niya, “Magtayo kayo, magtayo kayo! Linisin ninyo ang daan! Alisin lahat ang mga hadlang sa landas ng aking bayan!””
E será dito: Aplanai! Aplanai! Preparai o caminho! Tirai os tropeços do caminho do meu povo!
15 Dahil ito ang sinasabi ng Nag-iisang mataas at matayog, na nabubuhay magpakailanman, na ang pangalan ay banal.” Namumuhay ako sa dakila at banal na lugar, kasama rin niya ang durog at mapagpakumbabang espiritu, para muling buhayin ang espiritu ng mga mabababang loob at muling buhayin ang puso ng mga nagsisisi.
Porque assim diz o Alto e Sublime, que habita na eternidade, e cujo nome é santo: Na altura e no lugar santo habito; e também com o contrito e abatido espírito, para vivificar o espírito dos abatidos, e para vivificar o coração dos contritos.
16 Dahil hindi ako magpaparatang magpakailanman; ni magagalit nang walang katapusan, dahil pagkatapos ang espiritu ng tao ay manlulupaypay sa harapan ko, ang mga buhay na aking ginawa.
Pois não brigarei para sempre, nem ficarei continuamente indignado; pois perderia todas as forças diante de mim o espírito, as almas que eu criei.
17 Dahil sa kasalanan ng kanyang marahas na pakinabang, ako ay nagalit, at pinarusahan ko siya; itinago ko ang aking mukha at ako ay nagalit, pero siya ay nanumbalik sa pamamaraan ng kanyang puso.
Pela maldade de sua cobiça eu me indignei, e o feri; eu me escondi, e me indignei; porém ele se rebelou seguindo o caminho de seu coração.
18 Nakita ko ang kanilang mga pamamaraan, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at pagiginhawain at aaliwin ang mga nagdadalamhati para sa kaniya,
Tenho visto seus caminhos; porém eu o sararei, e o guiarei, e voltarei a dar consolo, a ele a os que por ele lamentam.
19 at nilikha ko ang bunga ng mga labi. Kapayapaan, kapayapaan, sa mga malalayo at sa mga malalapit—sinasabi ni Yahweh—pagagalingin ko sila.
Eu crio os frutos dos lábios; paz, paz para os que estão longe e para os que estão perto, diz o SENHOR, e eu os sararei.
20 Pero ang mga masasama ay gaya nang maalon na dagat, kung saan hindi nagpapahinga, at ang tubig nito ay umaalimbukay ng burak at putik.
Mas os perversos são como o mar bravo, que não pode se aquietar.
21 Walang kapayapaan para sa isang masama—sinasabi ng Diyos.”
Os perversos, (diz meu Deus), não tem paz.

< Isaias 57 >