< Isaias 57 >

1 Ang mga matutuwid ay pupuksain, pero hindi isinasaalang-alang ito ng sinuman, at ang mga tao ng katapatan sa tipan ay titipuning palayo, pero walang nakaka-unawa na ang mga matuwid ay ilalayo mula sa kasamaan.
The just perisheth, and no man layeth it to heart, and men of mercy are taken away, because there is none that understandeth; for the just man is taken away from before the face of evil.
2 Siya ay pumapasok sa kapayapaan; magpapahinga sila sa kanilang mga higaan, silang mga lumalakad sa kanilang katapatan.
Let peace come, let him rest in his bed that hath walked in his uprightness.
3 Ngunit magsilapit kayo, kayong mga anak na lalaki ng babaeng mangkukulam, mga anak ng mapakiapid at ang masamang babae na ipinagbili ang kanyang sarili.
But draw near hither, you sons of the sorceress, the seed of the adulterer, and of the harlot.
4 Para kanino ang masaya ninyong panunukso? Laban kanino ang pagbuka ng inyong bibig at ang inyong pandidila? Hindi ba kayo mga anak ng paghihimagsik, mga anak ng pandaraya?
Upon whom have you jested? upon whom have you opened your mouth wide, and put out your tongue? are not you wicked children, a false seed,
5 Pinapainit ninyo ang inyong mga sarili na magkasamang nagsisiping sa ilalim ng mga puno ng ensena? sa ilalim ng bawat luntiang puno, kayong mga pumapatay ng inyong mga anak sa mga tuyong ilog, sa ilalim ng mga mabatong bangin.
Who seek your comfort in idols under every green tree, sacrificing children in the torrents, under the high rocks?
6 Sa gitna ng mga makikinis na bagay sa ilog ng lambak ay ang mga bagay na itinalaga sa inyo. Sila ang pinagtutuunan ng inyong debosyon. Ibinubuhos ninyo ang inyong inuming handog sa kanila at nagtataas ng handog na butil. Dapat ba akong masiyahan sa mga bagay na ito?
In the parts of the torrent is thy portion, this is thy lot: and thou hast poured out libations to them, thou hast offered sacrifice. Shall I not be angry at these things?
7 Inihanda ninyo ang inyong higaan sa isang mataas ng bundok; umakyat din kayo doon para maghandog ng mga alay.
Upon a high and lofty mountain thou hast laid thy bed, and hast gone up thither to offer victims.
8 Sa likod ng pinto at mga haligi ay inilagay ninyo ang iyong mga simbolo; iniwanan ninyo ako at hinubaran ninyo ang inyong mga sarili, at kayo ay umakyat; pinalawak ninyo ang inyong higaan. Gumawa kayo ng tipan sa kanila; nagustuhan ninyo ang kanilang mga higaan; nakita ninyo ang kanilang mga maseselang bahagi.
And behind the door, and behind the post thou best set up thy remembrance: for thou hast discovered thyself near me, and hast received an adulterer: thou hast enlarged thy bed, and made a covenant with them: thou hast loved their bed with open hand.
9 Kayo ay pumunta sa hari na may langis; pinarami ninyo ang inyong mga pabango. Ipinadala ninyo sa malayo ang inyong mga kinatawan; kayo ay bumaba sa sheol. (Sheol h7585)
And thou hast adorned thyself for the king with ointment, and hast multiplied thy perfumes. Thou hast sent thy messengers far off, and wast debased even to hell. (Sheol h7585)
10 Kayo ay napagod mula sa inyong mahabang paglalakbay, pero hindi ninyo kailanman sinabi “Ito ay walang pag-asa.” Natagpuan ninyo ang buhay sa inyong mga kamay; kaya hindi kayo nanghina.
Thou hast been wearied in the multitude of thy ways: yet thou saidst not: I will rest: thou hast found life of thy hand, therefore thou hast not asked.
11 Kanino ba kayo nag-aalala? Kanino ba kayo labis na natatakot na siyang nagdudulot para kumilos kayo nang may panlilinlang, kaya halos hindi ninyo maala-ala o maisip ang tungkol sa akin? Dahil nanahimik ako nang napakatagal, hindi na kayo natatakot sa akin.
For whom hast thou been solicitous and afraid, that thou hast lied, and hast not been mindful of me, nor thought on me in thy heart? for I am silent, and as one that seeth not, and thou hast forgotten me.
12 Ipapahayag ko ang inyong mga matuwid na gawain at sabihin ang lahat ng inyong mga nagawa, pero hindi nila kayo tutulungan.
I will declare thy justice, and thy works shall not profit thee.
13 Kapag kayo ay umiiyak, hayaan ninyong sagipin kayo ng mga inipon ninyong mga diyus-diyosan. Sa halip ay tatangayin silang lahat ng hangin palayo, ang isang hininga ang tatangay sa kanila palayo. Ngunit ang nagkukubli sa akin ay magmamana ng lupain at magmamay-ari ng aking banal na bundok.
When thou shalt cry, let thy companies deliver thee, but the wind shall carry them all off, a breeze shall take them away, but he that putteth his trust in me, shall inherit the land, and shall possess my holy mount.
14 Sasabihin niya, “Magtayo kayo, magtayo kayo! Linisin ninyo ang daan! Alisin lahat ang mga hadlang sa landas ng aking bayan!””
And I will say: Make a way: give free passage, turn out of the path, take away the stumblingblocks out of the way of my people.
15 Dahil ito ang sinasabi ng Nag-iisang mataas at matayog, na nabubuhay magpakailanman, na ang pangalan ay banal.” Namumuhay ako sa dakila at banal na lugar, kasama rin niya ang durog at mapagpakumbabang espiritu, para muling buhayin ang espiritu ng mga mabababang loob at muling buhayin ang puso ng mga nagsisisi.
For thus saith the High and the Eminent that inhabiteth eternity: and his name is Holy, who dwelleth in the high and holy place, and with a contrite and humble spirit, to revive the spirit of the humble, and to revive the heart of the contrite.
16 Dahil hindi ako magpaparatang magpakailanman; ni magagalit nang walang katapusan, dahil pagkatapos ang espiritu ng tao ay manlulupaypay sa harapan ko, ang mga buhay na aking ginawa.
For I will not contend for ever, neither will I be angry unto the end: because the spirit shall go forth from my face, and breathings I will make.
17 Dahil sa kasalanan ng kanyang marahas na pakinabang, ako ay nagalit, at pinarusahan ko siya; itinago ko ang aking mukha at ako ay nagalit, pero siya ay nanumbalik sa pamamaraan ng kanyang puso.
For the iniquity of his covetousness I was angry, and I struck him: I hid my face from thee, and was angry: and he went away wandering in his own heart.
18 Nakita ko ang kanilang mga pamamaraan, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at pagiginhawain at aaliwin ang mga nagdadalamhati para sa kaniya,
I saw his ways, and I healed him, and brought him back, and restored comforts to him, and to them that mourn for him.
19 at nilikha ko ang bunga ng mga labi. Kapayapaan, kapayapaan, sa mga malalayo at sa mga malalapit—sinasabi ni Yahweh—pagagalingin ko sila.
I created the fruit of the lips, peace, peace to him that is far off, and to him that is near, said the Lord, and I healed him.
20 Pero ang mga masasama ay gaya nang maalon na dagat, kung saan hindi nagpapahinga, at ang tubig nito ay umaalimbukay ng burak at putik.
But the wicked are like the raging sea, which cannot rest, and the waves thereof cast up dirt and mire.
21 Walang kapayapaan para sa isang masama—sinasabi ng Diyos.”
There is no peace to the wicked, saith the Lord God.

< Isaias 57 >