< Isaias 54 >

1 “Umawit ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak; ikaw ay biglang umawit nang may galak at umiyak nang malakas, kayong mga hindi pa kailanman nakaranas manganak. Dahil ang mga anak ng naulila ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaeng may asawa,” ang sinasabi ni Yahweh.
Ĝoju, ho senfruktulino, kiu ne naskis; sonigu kanton kaj ĝojkriu, ho vi, kiu ne suferis doloron; ĉar la forlasitino havos pli da infanoj, ol la havanta edzon, diras la Eternulo.
2 Gawin ninyong mas malaki ang inyong tolda at ilatag ang inyong mga kurtina ng tolda nang mas malawak; nang walang panghihinayang, pahabain ang inyong mga lubid at patibayin ang inyong mga tulos.
Vastigu la spacon de via tendo, disetendu la tapiŝojn de viaj loĝejoj, ne retenu; etendu pli longe viajn ŝnurojn, kaj viajn palisojn fortikigu.
3 Dahil lalaganap kayo sa kanang kamay at sa kaliwa, at lulupigin ng inyong mga kaapu-apuhan ang mga bansa at muling maninirahan sa pinabayaang mga lungsod.
Ĉar dekstren kaj maldekstren vi disvastiĝos, kaj via idaro ekposedos naciojn kaj ekloĝos en urboj dezertigitaj.
4 Huwag kayong matakot dahil hindi kayo mapapahiya, ni panghinaan ng loob dahil hindi kayo dudulutan ng kahihiyan; makakalimutan ninyo ang kahihiyan ng inyong kabataan at ang kahihiyan ng inyong pagpapabaya.
Ne timu, ĉar vi ne estos malhonorata; ne kaŝu vin honte, ĉar vi ne estos hontigata, kaj ĉar la honton de via juneco vi forgesos kaj la malhonoron de via vidvineco vi ne plu rememoros.
5 Dahil ang inyong Manlilikha ay ang inyong asawa; Yahweh ng mga hukbo ang kanyang pangalan. At Ang Banal ng Israel ay ang inyong Manunubos; Tinatawag siyang Diyos ng buong daigdig.
Ĉar via Kreinto estas via edzo, Eternulo Cebaot estas Lia nomo; kaj via Liberiginto estas la Sanktulo de Izrael, kiun oni nomas Dio de la tuta tero.
6 Dahil tinatawag kayo muli ni Yahweh bilang asawa napabayaan at nagdadalamhati sa espiritu, gaya ng isang babaeng maagang nag-asawa at itinakwil, Ang sabi ng iyong Diyos.
Ĉar kiel virinon forlasitan kaj afliktitan en la spirito la Eternulo vin alvokis; kaj kiel edzinon de la juneco, kvankam forpuŝitan, diras via Dio.
7 Sa maikling sandali ay pinabayaan ko kayo, pero sa matinding kahabagan ay titipunin ko kayo.
Por malgranda momento Mi vin forlasis, kaj kun granda kompato Mi vin reprenos al Mi.
8 Sa pagbaha ng aking galit ay pansamantala kong itinago ang aking mukha sa inyo; pero sa pamamagitan ng walang hanggang katapatan sa tipan ay maaawa ako sa inyo—sinasabi ni Yahweh, ang siyang nagliligtas sa inyo.
En eksplodo de kolero Mi forturnis de vi Mian vizaĝon por momento, sed per eterna favorkoreco Mi vin kompatis, diras via Liberiginto, la Eternulo.
9 Katulad ito ng mga tubig sa panahon ni Noe sa akin: kagaya ng pagsumpa ko sa mga tubig noong panahon ni Noe na hindi na muli babahain ang ibabaw ng mundo, kaya isinumpa kong hindi na ako magagalit sa inyo o sawayin kayo.
Ĉar tio estas por Mi kiel la akvo de Noa; kiel Mi ĵuris, ke Mi ne plu venigos la akvon de Noa sur la teron, tiel Mi ĵuris, ke Mi ne koleros vin nek insultos vin.
10 Kahit na ang mga bundok ay maaring bumagsak at yayanigin ang mga burol, gayon man ang aking katapatan sa tipan ay hindi hihiwalay mula sa inyo, ni ang aking tipan ng kapayapaan ay mayayanig—sinasabi ni Yahweh, siyang naaawa sa inyo.
Ĉar montoj forŝoviĝos kaj altaĵoj ŝanceliĝos; sed Mia favorkoreco ne foriĝos de vi, kaj la interligo de Mia paco ne ŝanceliĝos, diras la Eternulo, via Kompatanto.
11 Kayo na sinugatan, kayo na tinangay ng bagyo at walang kaaliwan, masdan ninyo, ilalatag ko ang inyong daanan sa turkesa at lalatagan ko ng mga safiro ang inyong mga pundasyon.
Ho mizera, suferanta de ventego, senkonsola! jen Mi donos brilon al viaj ŝtonoj, kaj vian fundamenton Mi faros el safiroj.
12 Gagawin kong mga rubi ang inyong mga tore at ang inyong mga tarangkahan ng mga nagniningning na bato, at magagandang bato sa labas ng inyong pader.
Kaj Mi faros viajn murdentojn el rubenoj kaj viajn pordegojn el kristaloj kaj ĉiujn viajn limojn el multekostaj ŝtonoj.
13 At tuturuan ni Yahweh ang lahat ng inyong mga anak; at ang kapayapaan ng inyong mga anak ay magiging dakila.
Kaj ĉiuj viaj infanoj estos instruitaj de la Eternulo, kaj granda estos la bonstato de viaj filoj.
14 Sa katuwiran ay itatatag ko kayo muli. Hindi na kayo makakaranas ng pag-uusig, dahil hindi kayo matatakot, walang anumang nakakatakot ang makakalapit sa inyo.
Per vero vi fortikiĝos; estu malproksima de premiteco, ĉar vi ne bezonas timi, kaj de teruro, ĉar ĝi ne alproksimiĝos al vi.
15 Masdan, kung sinuman ang mag-uumpisa ng kaguluhan, hindi ito magmumula sa akin; ang sinumang mag-uumpisa ng kaguluhan sa inyo ay babagsak sa pagkatalo.
Certe, oni sin armos kontraŭ vi, sed tio ne estos de Mi; kiu sin armos kontraŭ vi, tiu falos antaŭ vi.
16 Masdan, nilikha ko ang panday na siyang umiihip sa mga nagbabagang uling at nagpapanday ng mga sandata bilang kanyang hanapbuhay, nilikha ko ang manlilipol para lumipol.
Jen Mi kreis la forĝiston, kiu blovas fajron sur karboj kaj ellaboras ilojn por siaj faroj; kaj Mi ankaŭ kreis ekstermanton por detruado.
17 Walang sandata na ginawa laban sa inyo ang magtatagumpay; at isusumpa ninyo ang lahat nang nagpaparatang sa inyo. Ito ang pamana ng mga lingkod ni Yahweh, at kanilang pagbibigay-matuwid mula sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.
Nenia ilo, kreita kontraŭ vi, havos sukceson; kaj ĉiun langon, kiu batalos kontraŭ vi en la juĝo, vi malpravigos. Tio estas la heredaĵo de la servantoj de la Eternulo, kaj ilia praveco antaŭ Mi, diras la Eternulo.

< Isaias 54 >

A Dove is Sent Forth from the Ark
A Dove is Sent Forth from the Ark