< Isaias 52 >

1 Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.
עורי עורי לבשי עזך ציון לבשי בגדי תפארתך ירושלם עיר הקדש--כי לא יוסיף יבא בך עוד ערל וטמא
2 Pagpagin mo ang mga alikabok mula sa iyong sarili; bumangon ka at umupo, Jerusalem; tanggalin mo ang kadena mula sa iyong leeg, bihag, na anak na babae ng Sion.
התנערי מעפר קומי שבי ירושלם התפתחו (התפתחי) מוסרי צוארך שביה בת ציון
3 Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kayo ay ipinagbili ng walang bayad, at kayo ay tutubusin ng walang salapi.”
כי כה אמר יהוה חנם נמכרתם ולא בכסף תגאלו
4 Dahil ito ang sinasabi ng Panginoon na si Yahweh, “Sa panimula ang bayan ko ay bumaba sa Ehipto para mamuhay doon pansamantala; kamakalailan lamang ay inapi sila ng Asiria.
כי כה אמר אדני יהוה מצרים ירד עמי בראשנה לגור שם ואשור באפס עשקו
5 Ngayon, ano ang mayroon ako dito—ito ang pahayag ni Yahweh— nakikita ko ang aking bayan na inilalayo ng walang dahilan? Humahagulgol ang mga namumuno sa kanila—ito ang pahayag ni Yahweh—ang aking pangalan ay patuloy na sinisiraan buong araw.
ועתה מה לי פה נאם יהוה כי לקח עמי חנם משלו יהילילו נאם יהוה ותמיד כל היום שמי מנאץ
6 Kaya makikilala ng aking bayan ang pangalan ko; malalaman nila sa araw na iyon na ako nga ang siyang nagsabi nito. Oo, ako nga ito!”
לכן ידע עמי שמי לכן ביום ההוא כי אני הוא המדבר הנני
7 Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!”
מה נאוו על ההרים רגלי מבשר משמיע שלום מבשר טוב--משמיע ישועה אמר לציון מלך אלהיך
8 Makinig kayo, ang inyong mga bantay ay nilalakasan ang kanilang mga tinig, sabay sabay silang sumisigaw sa kagalakan, dahil makikita nila, sa kanilang bawat mata ang pagbabalik ni Yahweh sa Sion.
קול צפיך נשאו קול יחדו ירננו כי עין בעין יראו בשוב יהוה ציון
9 Magsimula kayong umawit ng sabay-sabay ng may kagalakan; kayong mga guho ng Jerusalem, dahil inaliw ni Yahweh ang kanyang bayan: tinubos niya ang Jerusalem.
פצחו רננו יחדו חרבות ירושלם כי נחם יהוה עמו גאל ירושלם
10 Inilantad ni Yahweh ang kanyang makapangyarihang kamay sa paningin ng lahat ng mga bansa; makikita ng buong daigdig ang pagliligtas ng ating Diyos.
חשף יהוה את זרוע קדשו לעיני כל הגוים וראו כל אפסי ארץ את ישועת אלהינו
11 Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh.
סורו סורו צאו משם טמא אל תגעו צאו מתוכה--הברו נשאי כלי יהוה
12 Dahil hindi kayo magmamadaling lumabas, ni aalis kayo nang may pagkatakot; dahil si Yahweh ang mangunguna sa inyo; at ang Diyos ng Israel ang magiging bantay sa inyong likuran.
כי לא בחפזון תצאו ובמנוסה לא תלכון כי הלך לפניכם יהוה ומאספכם אלהי ישראל
13 Masdan, ang aking lingkod ay makikipagkasundo ng may karunungan at katagumpayan: siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri.
הנה ישכיל עבדי ירום ונשא וגבה מאד
14 Gaya nang maraming nasisindak sa iyo—ang kanyang anyo ay pinapangit, kaya ang kanyang hitsura ay malayo sa anumang anyo ng tao—
כאשר שממו עליך רבים כן משחת מאיש מראהו ותארו מבני אדם
15 kaya gugulatin niya ang maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya. Na kung saan sila hindi nasabihan, makikita nila, na kung saan sila hindi narinig, ay mauunawaan nila.
כן יזה גוים רבים עליו יקפצו מלכים פיהם כי אשר לא ספר להם ראו ואשר לא שמעו התבוננו

< Isaias 52 >