< Isaias 51 >
1 Makinig kayo sa akin, kayong mga naghahabol ng katuwiran, kayong naghahanap kay Yahweh: tingnan ninyo ang bato kung saan kayo tinapyas at sa tibagan ng bato kung saan kayo tinibag.
你們追求正義,尋覓上主的人,請聽我說:你們又細察那巖石,你們是從那上邊鑿下來的;要細察那石穴,你們是從那裏挖出來的。
2 Tingnan ninyo si Abraham, ang inyong ama, at si Sara, na nagpanganak sa inyo; dahil nang siya ay mag-isa, tinawag ko siya. Pinagpala ko siya at pinarami.
你們要細察你們的父親亞巴郎和產生你們的撒辣,因為當我召叫他時,只有他一人,但我祝福了他,使他繁盛。
3 Oo, aaliwin ni Yahweh ang Sion; aaliwin niya ang kaniyang mga napabayaang lugar; ang kaniyang ilang ay ginawa niyang parang Eden, at ang kaniyang mga disyerto sa tabi ng lambak ng Ilog Jordan na parang hardin ni Yahweh; kagalakan at kaligayahan ay matatagpuan sa kaniya, pasasalamat, at ang tunog ng pag-awit.
的確,上主必要憐憫熙雍,憐憫她所有的廢墟,使她的荒野成為伊甸,使她的沙漠變為上主的樂園,其中必有歡樂和愉快,歌頌和絃樂之聲。
4 Pansinin ninyo ako, aking bayan; at makinig kayo sa akin, aking bayan! Dahil maglalabas ako ng kautusan, at gagawin kong ilaw ang aking katarungan para sa mga bansa.
萬民啊!請傾聽我;萬邦啊!請側耳聽我:法律將由我而出,我的正義要作為萬民的光明。
5 Ang aking katuwiran ay malapit na; lalabas ang aking kaligtasan, at hahatulan ng aking bisig ang mga bansa; hihintayin ako ng mga baybayin; sabik nilang hihintayin ang aking bisig.
我的正義要迅速降臨,我的救恩業已出現,我的手臂要掌管萬民;諸島嶼都仰望我,依賴我的手臂。
6 Itaas ninyo ang inyong mga mata sa himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba, dahil maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw. Pero ang aking kaligtasan ay magpapatuloy magpakailanman, at ang aking katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
你們仰觀諸天,俯察大地:縱然諸天將如煙雲消散,大地要像衣服破舊,地上的居民要如蚊子死去,然而我的救恩永遠常存,我的正義決不廢除。
7 Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng tama, kayong mga taong may batas ko sa inyong puso: Huwag ninyong katakutan ang mga insulto ng mga tao, maging ang mapanghinaan ng loob dahil sa kanilang abuso.
你們認識正義,心懷法律的人民,請聽我說:不要怕人家的侮辱,對他們的嘲笑也不必驚恐;
8 Dahil kakainin sila ng gamu-gamo tulad ng damit, at kakainin sila ng bulate tulad ng lana; pero ang aking katuwiran ay magpakailanman, at ang aking kaligtasan sa lahat ng salinlahi.”
因為他們必如衣服一樣,為蠹蟲所吃掉;如羊毛一樣,為衣魚所吃掉;然而我的正義永遠常存,我的救恩直到萬世。
9 Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
上主的手臂!醒來,醒來!施展威能罷!醒來有如在古時古代一樣。不是你斬了辣哈布,刺殺了巨龍嗎﹖
10 Hindi ba ikaw ang nagpatuyo ng dagat, ang tubig ng kailaliman, at ginawang daanan ang kailaliman ng dagat para makadaan ang mga iniligtas?
不是你令海令大洋的水涸竭了嗎﹖不是你使海底變為大路,叫蒙救的人走過嗎﹖
11 Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
上主所解救的人必要歸來,快樂地來到熙雍,永久的歡樂將臨於他們頭上;他們將享盡歡欣與快樂,憂愁與悲哀必將遠遁。
12 “Ako, Ako, ang siyang umaaliw sa inyo. Bakit kayo natatakot sa mga tao, na mamamatay, ang mga anak ng tao, na ginawa tulad ng damo?
是我,是我親自安慰了你,你怎麼還怕那有死的人,怕那命如草芥的人子呢﹖
13 Bakit ninyo nakalimutan si Yahweh na inyong Manlilikha, na umunat ng kalangitan at naglatag ng mga pundasyon ng mundo? Kayo ay nasa patuloy na pangamba araw-araw dahil sa nag-aalab na galit ng mang-aapi kapag nagpasya siyang magwasak. Nasaan ang galit ng mang-aapi?
你怎麼竟忘記了那創造你,展開諸天,奠定大地的上主,而終日不斷對那壓迫你,決意要消滅你的人的狂怒恐怖呢﹖如今壓迫你者的狂怒在那裏呢﹖
14 Ang isang nakayuko, magmamadali si Yahweh na pakawalan; hindi siya mamamatay at pupunta sa hukay, maging ang mawalan ng tinapay.
囚禁的人即將釋放,不致死於深坑,他的口糧也不會缺乏。
15 Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos, na ginagambala ang dagat, para dumagundong ang mga alon—Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
我是上主你的天主,即那攪動海洋使浪濤澎湃的,他的名字是「萬軍的上主。」
16 Nilagay ko ang aking mga salita sa inyong bibig, at tinakpan ko kayo ng anino ng aking kamay, para matanim ko ang kalangitan, mailatag ang mga pundasyon ng mundo, at sabihin sa Sion, 'Kayo ang aking bayan.'”
是我把我的話放在你的口中,將你掩護在我的手蔭之下;是我展開了諸天,奠定了大地,並給熙雍說:「你是我的百姓。」
17 Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, Jerusalem, ikaw na ininom ang mangkok ng galit ni Yahweh mula sa kaniyang kamay; ikaw na ininom ang mangkok, ang mangkok ng pagsuray, at inubos mo ito.
起來,起來!耶路撒冷!立起來!你這由上主手中飲了他震怒之杯,啜盡了那麻醉爵中渣滓的!
18 Wala sa lahat ng mga anak niya ang gagabay sa kaniya; wala sa lahat ng mga anak niyang pinalaki ang kukuha sa kaniyang kamay.
她所生的兒子中沒有一個來引領她的,她養大的兒子中沒有一個來扶持她手的。
19 Nangyari sa iyo ang dalawang kaguluhan na ito—sino ang makikidalamhati sa iyo? —pangungulila at pagkawasak, at ang taggutom at ang espada. Sino ang aaliw sa iyo?
這兩件事臨到了你身上,有誰哀憐你呢﹖就是荒涼與滅亡,饑饉與兵燹,有誰安慰你呢﹖
20 Nahimatay ang mga anak mo; nakahiga sila sa bawat sulok ng lansangan, tulad ng antilope sa lambat; puno sila ng galit ni Yahweh, ang pagsaway ng iyong Diyos.
你的兒子昏迷不醒,躺在街頭,像陷入羅網的羚羊;他們還飽嘗了上主的憤怒,受盡了你的天主的恐嚇。
21 Pero ngayon pakinggan mo ito, ikaw na inapi at lasing, pero hindi lasing sa alak:
為此,你這受苦難的,非因酒而醉倒的,請聽這事!
22 Ang iyong Panginoong si Yahweh, na iyong Diyos, na nakikiusap para sa kapakanan ng kaniyang bayan, ay sinasabi ito, “Tingnan mo, kinuha ko ang kopa ng pagsuray mula sa iyong kamay—ang kopa ng tasa ng aking galit—para hindi mo na ito iinumin muli.
你的主宰上主,為自己的人民辯護的天主,這樣說:「看!我已從你手中取回了那麻醉的杯,我憤怒的爵,你必不再喝,
23 Ilalagay ko ito sa kamay ng mga nagpapahirap sa iyo, silang sinabi sa iyo, 'Mahiga ka, para malakaran ka namin'; ginawa mong tulad ng lupa ang likod mo at tulad ng lansangan para malakaran nila.”
我將此杯放在壓迫你者的手中,就是曾對你說:「躺下來!讓我們走過去!」你便使你的背脊作為平地,作為街道,任他們走過去的那些人。