< Isaias 5 >

1 Hayaan mong umawit ako para sa aking pinakamamahal, isang awit ng aking pinakamamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay nagkaroon ng ubasan sa isang napakatabang lupain sa burol.
אשירה נא לידידי שירת דודי לכרמו כרם היה לידידי בקרן בן שמן׃
2 Hinukay niya ito at inalis ang mga bato, at tinaniman ito ng pinakamasasarap na ubas. Nagtayo siya ng isang tore sa gitna nito, at nagtayo rin siya ng isang pigaan ng ubas. Umasa siyang mamumunga ito ng matatamis na ubas, pero namunga ito ng maaasim.
ויעזקהו ויסקלהו ויטעהו שרק ויבן מגדל בתוכו וגם יקב חצב בו ויקו לעשות ענבים ויעש באשים׃
3 Kaya ngayon, mga naninirahan sa Jerusalem at mga mamamayan sa Juda, kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
ועתה יושב ירושלם ואיש יהודה שפטו נא ביני ובין כרמי׃
4 Ano pa ang maaari kong gawin na hindi ko nagawa para sa aking ubasan? Nang inasahan kong mamunga ito ng matatamis na ubas, bakit namunga ito ng maaasim?
מה לעשות עוד לכרמי ולא עשיתי בו מדוע קויתי לעשות ענבים ויעש באשים׃
5 Ngayon, ipaaalam ko sa inyo kung ano ang gagawin ko sa aking ubasan; puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito; gagawin ko itong isang pastulan; wawasakin ko ang pader nito, at tatapak-tapakan ito.
ועתה אודיעה נא אתכם את אשר אני עשה לכרמי הסר משוכתו והיה לבער פרץ גדרו והיה למרמס׃
6 Pababayaan ko itong nakatiwangwang, at hindi ito mapuputol ni mabubungkal. Pero tutubuan ito ng madawag at matinik na halaman, uutusan ko rin ang mga ulap na hindi magpaulan dito.
ואשיתהו בתה לא יזמר ולא יעדר ועלה שמיר ושית ועל העבים אצוה מהמטיר עליו מטר׃
7 Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.
כי כרם יהוה צבאות בית ישראל ואיש יהודה נטע שעשועיו ויקו למשפט והנה משפח לצדקה והנה צעקה׃
8 Kaawa-awa ang mga kumakamkam sa mga bahay-bahay, kumakamkam sa mga bukirin, hanggang wala ng natira para sa iba, at kayo na lang ang nakatira sa lupain!
הוי מגיעי בית בבית שדה בשדה יקריבו עד אפס מקום והושבתם לבדכם בקרב הארץ׃
9 Sinabi sa akin ni Yahweh ng mga hukbo, maraming bahay ang mawawalan ng mga taong nakatira, kahit pa ang mga malalaki at magagandang bahay, ay walang nakatira.
באזני יהוה צבאות אם לא בתים רבים לשמה יהיו גדלים וטובים מאין יושב׃
10 Dahil ang sampung ektaryang ubasan ay makapagbibigay lamang ng isang banyerang alak, at ang isang homer ng binhi ay makapagbibigay lamang ng isang epa.
כי עשרת צמדי כרם יעשו בת אחת וזרע חמר יעשה איפה׃
11 Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!
הוי משכימי בבקר שכר ירדפו מאחרי בנשף יין ידליקם׃
12 Nagsasalo-salo sila ng may alpa, lira, tamburin, plauta, at alak, pero hindi nila kinikilala ang gawa ni Yahweh, ni iniisip ang mga ginawa ng kaniyang mga kamay.
והיה כנור ונבל תף וחליל ויין משתיהם ואת פעל יהוה לא יביטו ומעשה ידיו לא ראו׃
13 Kaya nga, ang bayan ko ay binihag dahil sa kakulangan ng pang-unawa; nagutom ang kanilang mga pinuno, at walang mainom ang kanilang mga tao.
לכן גלה עמי מבלי דעת וכבודו מתי רעב והמונו צחה צמא׃
14 Kaya nga lalong naging matakaw ang kamatayan at ibinuka ang bibig nito nang malaki; ang mga maharlika, ang mga tao, ang kanilang mga pinuno at ang mga nagdiriwang at nagsasaya, ay bumagsak sa sheol. (Sheol h7585)
לכן הרחיבה שאול נפשה ופערה פיה לבלי חק וירד הדרה והמונה ושאונה ועלז בה׃ (Sheol h7585)
15 Ang tao ay ibinagsak, ang dakila ay ibinaba, at ang mga mata ng mayayabang ay inilugmok.
וישח אדם וישפל איש ועיני גבהים תשפלנה׃
16 Si Yahweh ng mga hukbo ay itinaas dahil sa kaniyang katarungan, at ang Diyos, ang Banal ay ipinakita ang kaniyang kabanalan sa pamamagitan ng kaniyang katuwiran.
ויגבה יהוה צבאות במשפט והאל הקדוש נקדש בצדקה׃
17 Pagkatapos, ang mga tupa ay kakain tulad ng sa sarili nilang pastulan, at sa mga guho ng mayayaman, ang mga batang tupa ay manginginain ng damo.
ורעו כבשים כדברם וחרבות מחים גרים יאכלו׃
18 Kaawa-awa sila na hinahatak ang kasamaan gamit ang tali ng kawalan at kinakaladkad ang kasalanan ng lubid ng kariton;
הוי משכי העון בחבלי השוא וכעבות העגלה חטאה׃
19 sila na nagsasabi, “Hayaan nating magmadali ang Diyos, hayaan natin siyang kumilos agad, para makita natin na mangyayari ito; at hayaan natin na ang mga plano ng Banal ng Israel ay mabuo at dumating, para makilala natin sila!”
האמרים ימהר יחישה מעשהו למען נראה ותקרב ותבואה עצת קדוש ישראל ונדעה׃
20 Kaawa-awa silang nagsasabing mabuti ang kasamaan, at masama ang kabutihan; silang nagsasabing liwanag ang kadiliman, at kadiliman ang liwanag; silang nagsasabing matamis ang mapait, at mapait ang matamis!
הוי האמרים לרע טוב ולטוב רע שמים חשך לאור ואור לחשך שמים מר למתוק ומתוק למר׃
21 Kaawa-awa silang matalino sa sarili nilang mga mata, at marunong sa sarili nilang pang-unawa!
הוי חכמים בעיניהם ונגד פניהם נבנים׃
22 Kaawa-awa silang mga pasimuno sa pag-inom ng alak, at dalubhasa sa paghahalo-halo ng matatapang na alak;
הוי גבורים לשתות יין ואנשי חיל למסך שכר׃
23 silang nagpapawalang-sala sa masasama kapalit ng kabayaran, at nag-aalis ng karapatan ng mga inosente!
מצדיקי רשע עקב שחד וצדקת צדיקים יסירו ממנו׃
24 Kaya nga, gaya ng pinaggapasan na nilamon ng dila ng apoy at tuyong damo na sinunog, gayundin ang ugat nila ay matutuyot, at bulaklak nito ay tatangayin na parang alikabok, dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh ng mga hukbo, at nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.
לכן כאכל קש לשון אש וחשש להבה ירפה שרשם כמק יהיה ופרחם כאבק יעלה כי מאסו את תורת יהוה צבאות ואת אמרת קדוש ישראל נאצו׃
25 Kaya nga, ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, at inabot niya sila ng kaniyang kamay at pinarusahan; nanginig ang mga bundok, at ang kanilang mga bangkay ay naging tulad ng basura sa mga lansangan. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi napawi ang kaniyang galit, kaya ang kaniyang kamay ay nakataas pa rin para handang humampas muli.
על כן חרה אף יהוה בעמו ויט ידו עליו ויכהו וירגזו ההרים ותהי נבלתם כסוחה בקרב חוצות בכל זאת לא שב אפו ועוד ידו נטויה׃
26 Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
ונשא נס לגוים מרחוק ושרק לו מקצה הארץ והנה מהרה קל יבוא׃
27 Walang mapapagod o matitisod sa kanila, walang iidlip ni matutulog; walang matatanggalan ng sinturon, ni masisiraan ng sandalyas;
אין עיף ואין כושל בו לא ינום ולא יישן ולא נפתח אזור חלציו ולא נתק שרוך נעליו׃
28 matalim ang kanilang mga palaso at nakaumang na ang lahat ng kanilang mga pana; ang paa ng kanilang mga kabayo ay tulad ng bato, at ang mga gulong ng kanilang karwahe ay tulad ng mga bagyo.
אשר חציו שנונים וכל קשתתיו דרכות פרסות סוסיו כצר נחשבו וגלגליו כסופה׃
29 Ang kanilang atungal ay magiging tulad sa isang leon; aatungal sila tulad ng mga batang leon. Aatungal sila at susunggaban ang biktima at kakaladkarin ng walang sinuman ang tutulong.
שאגה לו כלביא ושאג ככפירים וינהם ויאחז טרף ויפליט ואין מציל׃
30 Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.
וינהם עליו ביום ההוא כנהמת ים ונבט לארץ והנה חשך צר ואור חשך בעריפיה׃

< Isaias 5 >