< Isaias 47 >
1 Bumaba ka at umupo ka sa alikabok, birheng anak na babae ng Babilonia; maupo ka sa lupa nang walang trono, anak na babae ng mga taga-Caldea. Hindi ka na magiging kaakit-akit at kahali-halina.
Come down and sit in the dust, virgin daughter of Babylon; sit on the ground without a throne, daughter of the Chaldeans. You will no longer be called dainty and delicate.
2 Kunin mo ang batong gilingan at gilingin mo ang harina; tanggalin mo ang iyong belo, punitin mo ang iyong magandang kasuotan, alisin mo ang takip ng iyong mga binti, tawirin mo ang mga batis.
Take the millstone and grind flour; remove your veil, strip off your flowing robe, uncover your legs, cross the streams.
3 Malalantad ang iyong kahubaran, oo, makikita ang iyong kahihiyan: Maghihiganti ako at walang taong makakaligtas.
Your nakedness will be uncovered, yes, your shame will be seen: I will take vengeance and will not spare a man.
4 Ang aming Tagapagligtas, Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan, ang Banal ng Israel.
Our Redeemer, Yahweh of hosts is his name, the Holy One of Israel.
5 Maupo ka sa katahimikan at pumunta ka sa kadiliman, anak na babae ng mga taga-Caldea; dahil hindi ka na tatawagin na Reyna ng mga kaharian.
Sit in silence and go into darkness, daughter of the Chaldeans; for you will no longer be called queen of kingdoms.
6 Nagalit ako sa aking bayan; dinungisan ko ang aking pamana at binigay ko sila sa iyong kamay, pero hindi mo sila pinakitaan ng awa; nagpatong ka ng napakabigat na pamatok sa mga matatanda.
I was angry with my people; I defiled my heritage and gave them over into your hand, but you showed them no mercy; you placed a very heavy yoke on the old people.
7 Sinabi mo, “Mamumuno ako bilang pinakamataas na reyna magpakailanman.” Hindi mo isinapuso ang mga bagay na ito, maging inisip kung anong mangyayari sa mga ito.
You said, “I will rule forever as sovereign queen.” You did not take these things to heart, nor did you consider how they would turn out.
8 Kaya ngayon pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kasiyahan at nauupo nang may kasiguraduhan, ikaw na sinasabi sa iyong puso, “Nabubuhay ako, at wala akong katulad; hindi ako mauupo bilang isang balo kailanman, maging ang maranasan ang mawalan ng mga anak.”
So now hear this, you who love pleasure and sit securely; you who say in your heart, “I exist, and there is no one else like me; I will never sit as a widow, nor will I ever experience loss of children.”
9 Pero ang dalawang bagay na ito ay biglang darating sa iyo sa isang araw: ang pagkawala ng mga anak at pagiging balo; darating sila sa iyo nang buong lakas, sa kabila ng mga pangkukulam mo at maraming mga dasal at anting-anting.
But these two things will come to you in a moment in one day: the loss of children and widowhood; in full force they will come on you, despite your sorceries and your many incantations and amulets.
10 Nagtiwala ka sa iyong kasamaan; sinabi mo, “Walang nakakakita sa akin;” nililigaw ka ng iyong karunungan at kaalaman, pero sinasabi mo sa iyong puso, “Nabubuhay ako, at walang akong katulad.”
You have trusted in your wickedness; you have said, “No one sees me”; your wisdom and your knowledge lead you astray, but you say in your heart, “I exist, and there is no one else like me.”
11 Magagapi ka ng sakuna; hindi mo matataboy ito gamit ang iyong mga dasal. Babagsak sa iyo ang pagkawasak; hindi mo ito makakayang salagin. Bigla kang tatamaan ng kalamidad, bago mo pa ito malaman.
Disaster will overcome you; you will not be able to drive it away with your incantations. Destruction will fall on you; you will not be able to ward it off. Calamity will strike you suddenly, before you know it.
12 Magpatuloy ka sa paggamit ng salamangka at maraming pangkukulam na tapat mong binibigkas mula pa nang iyong pagkabata; marahil ay magtatagumpay ka, marahil ay matataboy mo ang sakuna.
Persist in casting your spells and your many sorceries which you have faithfully recited since your childhood; perhaps you will be successful, perhaps you will scare away disaster.
13 Pagod ka na sa marami mong pagsangguni; hayaan mong tumayo at iligtas ka ng mga lalaking iyon—sila na tinatala ang kalangitan at tumitingin sa mga bituin, sila na nagpapahayag ng mga bagong buwan—hayaan mo silang iligtas ka mula sa mangyayari sa iyo.
You are tired out with your many consultations; let those men stand up and save you—those who chart the heavens and look at the stars, those who declare the new moons—let them save you from what will happen to you.
14 Tingnan mo, sila ay magiging parang mga pinaggapasan. Susunugin sila ng apoy. Hindi nila maliligtas ang mga sarili nila mula sa kamay ng apoy. Walang uling na magpapainit sa kanila at walang apoy para tabihan nila!
See, they will become like stubble. The fire will burn them up. They will not save themselves from the hand of the flame. There are no coals to warm them and no fire for them to sit by!
15 Para sa iyo, wala silang silbi kundi kapaguran, sila na mga nakasama mo sa pangangalakal simula noong kabataan mo pa; gagala sila sa kani-kaniyang landas; kaya walang magliligtas sa iyo.
This is what they have become to you— those with whom you have worked, and you have bought and sold with them since your youth— they wandered about each one in his own direction; there is no one who can rescue you.”