< Isaias 46 >

1 Si Bel ay nagpatirapa, si Nebo ay yumuyukod; nabigatan ang mga hayop na nagdadala ng kanilang diyus-diyosan. Ang mga diyus-diyosan na kanilang dala ay mabigat na pasanin sa mga pagod na mga hayop.
כָּרַ֥ע בֵּל֙ קֹרֵ֣ס נְב֔וֹ הָיוּ֙ עֲצַבֵּיהֶ֔ם לַחַיָּ֖ה וְלַבְּהֵמָ֑ה נְשֻׂאֹתֵיכֶ֣ם עֲמוּס֔וֹת מַשָּׂ֖א לַעֲיֵפָֽה׃
2 Magkakasama silang yumuyukod at lumuluhod; hindi nila mailigtas ang imahe, at sila mismo ay mapupunta sa pagkabihag.
קָרְס֤וּ כָֽרְעוּ֙ יַחְדָּ֔ו לֹ֥א יָכְל֖וּ מַלֵּ֣ט מַשָּׂ֑א וְנַפְשָׁ֖ם בַּשְּׁבִ֥י הָלָֽכָה׃ ס
3 Makinig kayo sa akin, sambahayan ni Jacob, at lahat kayo, ang mga nalabi sa sambahayan ni Jacob, kayong inalagaan ko mula sa inyong pagsilang, na maalagaan mula sa sinapupunan:
שִׁמְע֤וּ אֵלַי֙ בֵּ֣ית יַעֲקֹ֔ב וְכָל־שְׁאֵרִ֖ית בֵּ֣ית יִשְׂרָאֵ֑ל הַֽעֲמֻסִים֙ מִנִּי־בֶ֔טֶן הַנְּשֻׂאִ֖ים מִנִּי־רָֽחַם׃
4 Hanggang sa katandaan ay Ako ay siya nga, at hanggang sa magkauban ay dadalhin kita. Ginawa kita, at tutulungan kita, akin kitang dadalhin sa kaligtasan.
וְעַד־זִקְנָה֙ אֲנִ֣י ה֔וּא וְעַד־שֵיבָ֖ה אֲנִ֣י אֶסְבֹּ֑ל אֲנִ֤י עָשִׂ֙יתִי֙ וַאֲנִ֣י אֶשָּׂ֔א וַאֲנִ֥י אֶסְבֹּ֖ל וַאֲמַלֵּֽט׃ ס
5 Kanino ninyo ako itutulad? at kanino ninyo ako ipaparis, para kami ay ihambing?
לְמִ֥י תְדַמְי֖וּנִי וְתַשְׁו֑וּ וְתַמְשִׁל֖וּנִי וְנִדְמֶֽה׃
6 Sila ay nagbuhos ng ginto mula sa supot at nagtitimbang ng pilak sa timbangan. Sila ay umuupa ng isang panday, at ginagawa niya ito ng isang diyos; sila ay nagpapatirapa at sinasamba ito.
הַזָּלִ֤ים זָהָב֙ מִכִּ֔יס וְכֶ֖סֶף בַּקָּנֶ֣ה יִשְׁקֹ֑לוּ יִשְׂכְּר֤וּ צוֹרֵף֙ וְיַעֲשֵׂ֣הוּ אֵ֔ל יִסְגְּד֖וּ אַף־יִֽשְׁתַּחֲוּֽוּ׃
7 Pinapasan nila ito sa balikat at dinadala nila ito; inilalagay ito sa kaniyang lugar, at ito ay nakatayo sa kaniyang lugar at hindi gumagalaw mula dito. Tumatawag sila dito, gayun man hindi ito makakasagot ni makapagliligtas ng sinuman sa kanilang kaguluhan.
יִ֠שָּׂאֻהוּ עַל־כָּתֵ֨ף יִסְבְּלֻ֜הוּ וְיַנִּיחֻ֤הוּ תַחְתָּיו֙ וְיַֽעֲמֹ֔ד מִמְּקוֹמ֖וֹ לֹ֣א יָמִ֑ישׁ אַף־יִצְעַ֤ק אֵלָיו֙ וְלֹ֣א יַעֲנֶ֔ה מִצָּרָת֖וֹ לֹ֥א יוֹשִׁיעֶֽנּוּ׃ ס
8 Tandaan ninyo ang mga bagay na ito; huwag ninyo itong balewalain, kayong mga suwail!
זִכְרוּ־זֹ֖את וְהִתְאֹשָׁ֑שׁוּ הָשִׁ֥יבוּ פוֹשְׁעִ֖ים עַל־לֵֽב׃
9 Isipin ninyo ang mga unang pangyayari, mga nakaraang panahon, dahil ako ang Diyos, wala ng iba, Ako ay Diyos, at walang ibang katulad ko.
זִכְר֥וּ רִאשֹׁנ֖וֹת מֵעוֹלָ֑ם כִּ֣י אָנֹכִ֥י אֵל֙ וְאֵ֣ין ע֔וֹד אֱלֹהִ֖ים וְאֶ֥פֶס כָּמֽוֹנִי׃
10 Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”
מַגִּ֤יד מֵֽרֵאשִׁית֙ אַחֲרִ֔ית וּמִקֶּ֖דֶם אֲשֶׁ֣ר לֹא־נַעֲשׂ֑וּ אֹמֵר֙ עֲצָתִ֣י תָק֔וּם וְכָל־חֶפְצִ֖י אֶעֱשֶֽׂה׃
11 Tumatawag ako ng ibong mangdadagit mula sa silangan, ng taong aking pinili mula sa malayong lupain; Oo, ako ay nagsalita; tutuparin ko rin ito; ako ang nagplano; ako rin ang gagawa nito.
קֹרֵ֤א מִמִּזְרָח֙ עַ֔יִט מֵאֶ֥רֶץ מֶרְחָ֖ק אִ֣ישׁ עֲצָתִ֑י אַף־דִּבַּ֙רְתִּי֙ אַף־אֲבִיאֶ֔נָּה יָצַ֖רְתִּי אַף־אֶעֱשֶֽׂנָּה׃ ס
12 Makinig kayo sa akin, kayong mga taong matitigas ang ulo; na malayo sa paggawa ng matuwid.
שִׁמְע֥וּ אֵלַ֖י אַבִּ֣ירֵי לֵ֑ב הָרְחוֹקִ֖ים מִצְּדָקָֽה׃
13 Aking inilalapit ang aking kabanalan; ito ay hindi malayo at ang pagliligtas ko ay hindi maghihintay; at Ibibigay ko ang kaligtasan sa Sion at ang aking kagandahan sa Israel.
קֵרַ֤בְתִּי צִדְקָתִי֙ לֹ֣א תִרְחָ֔ק וּתְשׁוּעָתִ֖י לֹ֣א תְאַחֵ֑ר וְנָתַתִּ֤י בְצִיּוֹן֙ תְּשׁוּעָ֔ה לְיִשְׂרָאֵ֖ל תִּפְאַרְתִּֽי׃ ס

< Isaias 46 >