< Isaias 42 >

1 Masdan, aking lingkod, na aking itinataas; ang aking pinili, sa kaniya ako ay nagagalak. Ang aking Espiritu ay nasa kaniya; siya ang magdudulot ng katarungan sa mga bansa.
הן עבדי אתמך בו בחירי רצתה נפשי נתתי רוחי עליו משפט לגוים יוציא
2 Hindi siya iiyak o hihiyaw o magtataas ng boses sa lansangan.
לא יצעק ולא ישא ולא ישמיע בחוץ קולו
3 Ang napitpit na tambo ay hindi niya mababali, at hindi niya maaapula ang mahinang apoy ng mitsa: siya ay matapat na magsasagawa ng katarungan.
קנה רצוץ לא ישבור ופשתה כהה לא יכבנה לאמת יוציא משפט
4 Siya ay hindi manglulupaypay o mapanghihinaan ng loob hanggang matatag niya ang katarungan sa mundo; at ang mga nakatira sa babayin ay maghihintay sa kaniyang batas.
לא יכהה ולא ירוץ עד ישים בארץ משפט ולתורתו איים ייחלו
5 Ito ang sinabi ni Yahweh ating Diyos, na siyang lumikha ng kalangitan at naglatag sa kanila; siyang naglatag ng mundo at binigyang buhay ito; siyang nagbigay ng hininga sa mga tao doon, at buhay sa mga namumuhay doon:
כה אמר האל יהוה בורא השמים ונוטיהם רקע הארץ וצאצאיה נתן נשמה לעם עליה ורוח להלכים בה
6 “Ako, si Yahweh, ang tumawag sa iyo sa katuwiran at hahawak sa iyong kamay. Iingatan kita at itatakda kita bilang tipan para sa mga tao, bilang isang liwanag para sa mga dayuhan,
אני יהוה קראתיך בצדק ואחזק בידך ואצרך ואתנך לברית עם--לאור גוים
7 para buksan ang mga mata ng bulag, para palayain ang mga bilanggo mula sa piitan, at mula sa tahanan ng pagkakulong silang mga nakaupo sa kadiliman.
לפקח עינים עורות להוציא ממסגר אסיר מבית כלא ישבי חשך
8 Ako si Yahweh, iyon ang aking pangalan; at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibabahagi sa iba ni ang aking papuri sa mga inukit na mga diyus-diyusan.
אני יהוה הוא שמי וכבודי לאחר לא אתן ותהלתי לפסילים
9 Tingnan mo, ang mga nakaraang mga bagay ay nangyari na, ngayon ay ipapahayag ko ang mga bagong kaganapan. Bago sila magsimulang mangyari sasabihin ko sa iyo ang tungkol sa kanila.”
הראשנות הנה באו וחדשות אני מגיד בטרם תצמחנה אשמיע אתכם
10 Umawit kay Yahweh ng bagong awitin, at ang kaniyang kapurihan mula sa dulo ng mundo; ikaw na bumaba sa dagat, at ang lahat ng nakapaloob dito, ang mga baybayin at silang naninirahan doon.
שירו ליהוה שיר חדש תהלתו מקצה הארץ יורדי הים ומלאו איים וישביהם
11 Hayaan ang disyerto at ang mga lungsod na tumawag, ang mga nayon kung saan na namumuhay ang Cedar, sumigaw ng may kagalakan! Hayaang umawit ang mga nakatira sa Sela; hayaan silang sumigaw mula sa tuktok ng mga bundok.
ישאו מדבר ועריו חצרים תשב קדר ירנו ישבי סלע מראש הרים יצוחו
12 Hayaan silang magbigay kaluwalhatian kay Yahweh at magpahayag ng kaniyang papuri sa mga baybayin.
ישימו ליהוה כבוד ותהלתו באיים יגידו
13 Si Yahweh ay lalabas bilang isang mandirigma; siya ay magpapatuloy bilang isang lalaking pangdigmaan. Kaniyang ipupukaw ang kasigasigan. Siya ay sisigaw, oo, siya ay hihiyaw ng kaniyang hiyaw na pandigmaan; ipapakita niya sa kaniyang mga kaaway ang kaniyang kapangyarihan.
יהוה כגבור יצא כאיש מלחמות יעיר קנאה יריע אף יצריח--על איביו יתגבר
14 Nanahimik ako ng mahabang panahon; ako ay hindi kumibo at nagpigil sa sarili; ngayon iiyak ako gaya ng isang babaeng nanganganak; ako ay maghahabol ng hininga at hihingalin.
החשיתי מעולם--אחריש אתאפק כיולדה אפעה אשם ואשאף יחד
15 Aking wawasakin ang mga bundok at mga burol at patutuyuin ko ang lahat ng kanilang pananim; at ang mga ilog ay gagawin kong mga isla at patutuyuin ko ang mga sapa.
אחריב הרים וגבעות וכל עשבם אוביש ושמתי נהרות לאיים ואגמים אוביש
16 Dadalhin ko ang bulag sa daan na hindi nila alam; dadalhin ko sila sa mga landas na hindi nila alam na dadalhin ko sila. Ang kadiliman ay gagawin kong liwanag sa harap nila at itutuwid ang baluktot na mga lugar. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko sila pababayaan.
והולכתי עורים בדרך לא ידעו--בנתיבות לא ידעו אדריכם אשים מחשך לפניהם לאור ומעקשים למישור--אלה הדברים עשיתם ולא עזבתים
17 Sila ay tatalikuran, at sila ay ganap na mailalagay sa kahihiyan, silang nagtitiwala sa mga inukit na mga diyos-diyusan, na nagsasabi sa mga hinulmang bakal na mga diyus-diyosan, “kayo ang aming mga diyos.”
נסגו אחור יבשו בשת הבטחים בפסל האמרים למסכה אתם אלהינו
18 Makinig kayo, kayong mga bingi; at tumingin, kayong bulag, para kayo ay makakita.
החרשים שמעו והעורים הביטו לראות
19 Sino ang bulag kundi ang aking lingkod? O bingi gaya ng mensaherong aking pinadala? Sino ang kasing bulag gaya ng aking tipan ng kasunduan, o bulag gaya ng lingkod ni Yahweh?
מי עור כי אם עבדי וחרש כמלאכי אשלח מי עור כמשלם ועור כעבד יהוה
20 Maraming kang nakikitang mga bagay, pero hindi nauunawaan; ang mga tainga nila ay nakabukas, pero walang nakaririnig.
ראית (ראות) רבות ולא תשמר פקוח אזנים ולא ישמע
21 Nagpapalugod kay Yahweh ang mapapurihan ang kaniyang katarungan at maluwalhati ang kaniyang mga kautusan.
יהוה חפץ למען צדקו יגדיל תורה ויאדיר
22 Pero ito ang mga taong nanakawan at nasamsaman; silang lahat ay nakulong sa mga hukay, nabihag sa mga bilangguan; sila ay naging isang inagaw na walang sinumang makakasagip sa kanila at walang makakapagsabi, “ibalik sila!”
והוא עם בזוז ושסוי הפח בחורים כלם ובבתי כלאים החבאו היו לבז ואין מציל משסה ואין אמר השב
23 Sino sa inyo ang makikinig nito? Sino ang makikinig at pakikinggan ang hinaharap?
מי בכם יאזין זאת יקשב וישמע לאחור
24 Sino ang nagbigay kay Jacob sa mga magnanakaw, at ang Israel sa mga mandarambong? Hindi ba si Yahweh, laban sa kaniya na nagawan natin ng kasalanan, kaninong daan tayo nakagawa ng kasalanan, kaninong mga daan tayo tumangging lumakad, at kaninong batas tayo tumangging sumunod?
מי נתן למשוסה (למשסה) יעקב וישראל לבזזים הלוא יהוה זו חטאנו לו ולא אבו בדרכיו הלוך ולא שמעו בתורתו
25 Kaya ibinuhos niya ang kaniyang mabangis na galit laban sa kanila, kasama ang pagkawasak ng digmaan. Ito ay nagliyab sa kanilang kapaligiran, pero hindi nila ito maunawaan; tinupok sila nito, pero hindi nila ito isinapuso.
וישפך עליו חמה אפו ועזוז מלחמה ותלהטהו מסביב ולא ידע ותבער בו ולא ישים על לב

< Isaias 42 >