< Isaias 41 >

1 Sa aking harapan ay makinig kayo nang tahimik, kayong mga nakatira sa baybayin; hayaan niyong bumalik ang lakas ng mga bansa; hayaan silang lumapit at magsalita; hayaan tayong magkasamang lumapit para pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan.
[Taceant ad me insulæ, et gentes mutent fortitudinem: accedant, et tunc loquantur; simul ad judicium propinquemus.
2 Sinong nagbuyo ng isang ito sa silangan? Sino ang tumatawag sa kaniya sa mabuting kaayusan sa kaniyang paglilingkod? Siya ang nagbigay ng mga bansa sa kaniya at ginawa siyang may kakayahan na pasukuin ang mga hari; sila ay ginawang tulad ng alikabok sa kaniyang espada, parang hinipang pinaggapasan gamit ang palaso.
Quis suscitavit ab oriente Justum, vocavit eum ut sequeretur se? Dabit in conspectu ejus gentes, et reges obtinebit: dabit quasi pulverem gladio ejus, sicut stipulam vento raptam arcui ejus.
3 Hinabol niya sila at ligtas na nakalagpas, sa isang matuling paglalakbay na ang daan na ang kaniyang paa ay madaling matapakan.
Persequetur eos, transibit in pace: semita in pedibus ejus non apparebit.
4 Sino ang nakagawa at nagtupad ng mga gawang ito? Sino ang nagpatawag ng mga henerasyon mula sa simula? Ako, si Yahweh, ang una, at kasama ang mga nahuli, ako ay siya.
Quis hæc operatus est, et fecit, vocans generationes ab exordio? Ego Dominus: primus et novissimus ego sum.
5 Nakita ng mga maliit na pulo at sila'y natakot; ang mga dulo ng mundo ay nayanig; sila ay dumating.
Viderunt insulæ, et timuerunt; extrema terræ obstupuerunt: appropinquaverunt, et accesserunt.
6 Ang lahat ay tumulong sa kaniyang kapit-bahay, at ang bawat isa ay nagsabi sa isa't isa, 'lakasan mo ang loob mo'.
Unusquisque proximo suo auxiliabitur, et fratri suo dicet: Confortare.
7 Kaya sinikap ng karpintero ang pagpapanday ng ginto, at ang siyang nagtatrabaho gamit ang martilyo ay hinikayat ang siyang nagtatrabaho gamit ang maso, na sinasabi ng nanghihinang, 'ito ay maganda' Ito ay kanilang ikinabit gamit ang mga pako para hindi ito bumaliktad.
Confortavit faber ærarius percutiens malleo eum, qui cudebat tunc temporis, dicens: Glutino bonum est; et confortavit eum clavis, ut non moveretur.]
8 Pero kayo, Israel, na aking lingkod, Jacob na siyang aking pinili, ang anak ni Abraham na aking kaibigan,
[Et tu, Israël, serve meus, Jacob quem elegi, semen Abraham amici mei:
9 ikaw na ibabalik ko mula sa dulo ng mundo, at siyang tinawag ko mula sa malalayong mga lugar, at sa aking sinabihan, “Ikaw ang aking lingkod;” pinili kita at hindi tinanggihan.
in quo apprehendi te ab extremis terræ, et a longinquis ejus vocavi te, et dixi tibi: Servus meus es tu: elegi te, et non abjeci te.
10 Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.
Ne timeas, quia ego tecum sum; ne declines, quia ego Deus tuus: confortavi te, et auxiliatus sum tibi, et suscepit te dextera Justi mei.
11 Tingnan mo, sila ay mahihiya at manliliit, lahat nang nagagalit sa iyo; sila ay papanaw at maglalaho, silang kumakalaban sa iyo.
Ecce confundentur et erubescent omnes qui pugnant adversum te; erunt quasi non sint, et peribunt viri qui contradicunt tibi.
12 Hahanapin mo at hindi matatagpuan silang mga nakipaglaban sa iyo; silang nakipagdigma laban sa iyo ay papanaw, ganap nang mawawala.
Quæres eos, et non invenies, viros rebelles tuos; erunt quasi non sint, et veluti consumptio homines bellantes adversum te.
13 Sapagkat ako, si Yahweh na iyong Diyos, ay hahawakan ang iyong kanang kamay, sasabihin sa iyo, 'Huwag kang matakot; tutulungan kita.'
Quia ego Dominus Deus tuus, apprehendens manum tuam, dicensque tibi: Ne timeas: ego adjuvi te.
14 Huwag matakot, Jacob ikaw na uod, at kayong mga Israelita; tutulungan ko kayo” — ito ang pahayag ni Yahweh, ang iyong tagapagligtas, ang Banal ng Israel.
Noli timere, vermis Jacob, qui mortui estis ex Israël: ego auxiliatus sum tibi, dicit Dominus, et redemptor tuus Sanctus Israël.
15 Tingnan, ginagawa ko kayong katulad ng isang matalas na karetang panggiik; bago at dalawang talim; inyong gigiikin ang mga kabundukan at dudurugin sila; ang mga burol ay gagawin mong tulad ng ipa.
Ego posui te quasi plaustrum triturans novum, habens rostra serrantia; triturabis montes, et comminues, et colles quasi pulverem pones.
16 Tatahipan mo at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng hangin. Ikaw ay magagalak kay Yahweh, ikaw ay magagalak sa Banal ng Israel.
Ventilabis eos, et ventus tollet, et turbo disperget eos; et tu exsultabis in Domino, in Sancto Israël lætaberis.
17 Naghahanap ng tubig ang mga api at nangangailangan, pero doon ay wala, at ang kanilang mga dila ay tigang sa uhaw; Ako, si Yahweh, ang tutugon sa kanilang panalangin; Ako, ang Diyos ng Israel, ay hindi sila pababayaan.
Egeni et pauperes quærunt aquas, et non sunt; lingua eorum siti aruit. Ego Dominus exaudiam eos, Deus Israël, non derelinquam eos.
18 Gagawa ako ng batis na aagos sa mga hilig ng lupa, at mga bukal sa kalagitnaan ng mga lambak; ang disyerto ay gagawin kong lawa ng tubig, at ang tuyong lupain sa bukal ng batis.
Aperiam in supinis collibus flumina, et in medio camporum fontes: ponam desertum in stagna aquarum, et terram inviam in rivos aquarum.
19 Sa ilang, ang sedro, ang akasya, at ang mertel, at ang puno ng oliba ay lalago; ako ang magsasanhi para lumago sa disyerto ang puno ng igos, puno ng pino, at ng saypres.
Dabo in solitudinem cedrum, et spinam, et myrtum, et lignum olivæ; ponam in deserto abietem, ulmum, et buxum simul:
20 Gagawin ko ito para makita ng mga tao, kilalanin at maunawaan ng lahat, na ang kamay ni Yahweh ang gumawa nito, na ang Banal ng Israel ang lumikha nito.
ut videant, et sciant, et recogitent, et intelligant pariter, quia manus Domini fecit hoc, et Sanctus Israël creavit illud.
21 “Ihain mo ang iyong kaso”, sabi ni Yahweh, “sabihin mo ang iyong pinakamagagaling na katuwiran para sa iyong mga diyus-diyusan', sabi ng Hari ni Jacob.
Prope facite judicium vestrum, dicit Dominus; Afferte, si quid forte habetis, dicit rex Jacob.
22 Hayaan mong dalhin nila sa atin ang kanilang sariling mga argumento, hayaan mo silang lumapit sa atin at ipahayag sa atin ang mangyayari, para malaman nating mabuti ang mga bagay na ito. Hayaan mong sabihin nila sa atin ang mga bagay na noo'y ipinahayag na mangyayari, para ang mga ito ay mapag-isipan namin at para malaman kung paano ito natupad.
Accedant, et nuntient nobis quæcumque ventura sunt; priora quæ fuerunt, nuntiate, et ponemus cor nostrum, et sciemus novissima eorum; et quæ ventura sunt, indicate nobis.
23 Magsabi kayo ng mga bagay tungkol sa hinaharap, para malaman natin kung kayo ay mga diyos; gumawa kayo ng mabuti o masama, para kami ay matakot at mapabilib.
Annuntiate quæ ventura sunt in futurum, et sciemus quia dii estis vos; bene quoque aut male, si potestis, facite, et loquamur et videamus simul.
24 Tingnan mo, ang inyong diyus-diyusan ay walang kwenta, at ang inyong mga gawa ay walang kabuluhan, sinumang pumili sa inyo ay kasuklam-suklam.
Ecce vos estis ex nihilo, et opus vestrum ex eo quod non est: abominatio est qui elegit vos.
25 Ako ay may isang itinalaga mula sa hilaga, at siya ay dumating na; mula sa pagsikat ng araw tinawag ko siyang tumatawag sa aking pangalan, at kaniyang yuyurakan ang mga pinuno gaya ng putik, gaya ng manggagawa ng palayok na nakatungtong sa luad.
Suscitavi ab aquilone, et veniet ab ortu solis: vocabit nomen meum, et adducet magistratus quasi lutum, et velut plastes conculcans humum.
26 Sino ang naghayag nito mula nung umpisa, para maaari nating malaman? At bago ang panahon maaari nating sabihin, “Siya ay tama”? Tunay nga na wala nag-utos nito, oo, walang nakarinig na nagsabi ka ng kahit ano.
Quis annuntiavit ab exordio ut sciamus, et a principio ut dicamus: Justus es? Non est neque annuntians, neque prædicens, neque audiens sermones vestros.
27 Una kong sinabi kay Sion, “masdan ninyo, nandito na sila;” nagpadala ako ng tagapagbalita sa Jerusalem.
Primus ad Sion dicet: Ecce adsunt, et Jerusalem evangelistam dabo.
28 Walang sinuman ang nandoon nang ako ay tumingin, walang ni isa sakanila ang makapagbibigay ng mabuting payo, sino, kapag ako ay nagtanong, ang makakasagot.
Et vidi, et non erat neque ex istis quisquam qui iniret consilium, et interrogatus responderet verbum.
29 Masdan na, lahat sila ay walang kabuluhan, at ang kanilang mga gawa ay walang kahulugan; ang kanilang mga diyus-diyusan ay hangin at walang alam.
Ecce omnes injusti, et vana opera eorum; ventus et inane simulacra eorum.]

< Isaias 41 >