< Isaias 39 >
1 Sa mga oras na iyon si Merodac Baladan anak ni Baladan, hari ng Babylonia, ay nagpadala ng mga liham at regalo kay Hezekias; dahil narinig niya na nagkasakit si Hezekias at gumaling.
IN quel tempo, Merodac-bala-dan, figliuolo di Baladan, re di Babilonia, mandò lettere e presenti ad Ezechia; perciocchè avea inteso ch'era stato infermo, e ch'era guarito.
2 Si Hezekias ay nagalak sa mga bagay na ito; ipinakita niya sa mensahero ang kanyang imbakan ng mga mahahalagang bagay - ang pilak, ang ginto, ang pabango at mamahaling langis. ang imbakan ng kanyang mga sandata, at lahat ng matatagpuan sa kaniyang mga imbakan. Wala siyang hindi ipinakita sa kanila, sa kaniyang tahanan, ni sa kaniyang kaharian.
Ed Ezechia si rallegrò di loro, e mostrò loro la casa delle sue cose preziose, l'argento, e l'oro, e gli oromati, e gli olii odoriferi, e la casa di tutti i suoi arredi, e tutto quello che si ritrovava ne' suoi tesori; non vi fu cosa alcuna in casa, ovvero in tutto il dominio di Ezechia, ch'egli non mostrasse loro.
3 Pagkatapos lumapit si Isaias ang propeta kay Haring Hezekias at tinanong siya, “Ano ang sinabi sa iyo ng mga taong ito? Saan sila nagmula?” Sumagot si Hezekias, “Naparito sila sa akin mula sa malayong bansa ng Babilonia.”
E il profeta Isaia venne al re Ezechia, e gli disse: Che hanno detto quegli uomini? e donde son venuti a te? Ed Ezechia disse: Son venuti a me di paese lontano, di Babilonia.
4 Tinanong ni Isaias, “Ano ang nakita nila sa tahanan mo?” Sagot ni Hezekias, “Nakita nilang ang lahat sa tahanan ko. Walang mahalagang bagay ang hindi ko ipinakita sa kanila.”
Ed [Isaia] disse: Che hanno veduto in casa tua? Ed Ezechia disse: Hanno veduto tutto quello che [è] in casa mia; non vi [è] nulla ne' miei tesori, che io non abbia lor mostrato.
5 Pagkatapos sinabi ni Isaias kay Hezekias, “Makinig ka sa salita ni Yahweh ng mga hukbo:
Ed Isaia disse ad Ezechia: Ascolta la parola del Signor degli eserciti:
6 'Masdan mo, darating ang araw na ang lahat sa iyong kaharian, mga bagay na itinabi ng iyong ninuno hanggang sa mga panahong ito, ay dadalahin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
Ecco, i giorni vengono, che tutto quello che [è] in casa tua, e quello che i tuoi padri hanno raunato in tesoro infino a questo giorno, sarà portato in Babilonia; non ne sarà lasciata di resto cosa veruna, dice il Signore.
7 At ang mga lalaking nagmula sa iyo, na ikaw mismo ang ama - sila ay kukunin palayo, at sila ay magiging mga eunuko sa palasyo ng hari ng Babilonia.”'
Ed anche si prenderanno de' tuoi figliuoli, i quali saranno usciti di te, i quali tu avrai generati; e saranno eunuchi nel palazzo del re di Babilonia.
8 Pagkatapos sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Ang sinabi ni Yahweh na iyong binanggit ay mabuti.” Dahil kanyang inakala, “Magkakaroon ng kapayapaan at tatatag ang aking mga araw.”
Ed Ezechia disse ad Isaia: La parola del Signore, che tu hai pronunziata, [è] buona. Poi disse: Noi vi sarà egli pur pace e sicurtà, a' miei dì?