< Isaias 37 >
1 Ito ang nangyari nang narinig ni Haring Hezekias ang kanilang ulat, pinunit niya ang kanyang kasuotan, sinuotan ang sarili ng sako, at nagtungo sa tahanan ni Yahweh.
ヒゼキヤ王これをききてその衣をさき麁衣をまとひてヱホバの家にゆき
2 Ipinadala niya si Eliakim, na namumuno sa sambayahan, at Sebna ang escriba, at ang mga nakatatanda ng mga pari, lahat nakasuot ng sakong tela, kay Isaias anak ni Amos, ang propeta.
家司エリアキム書記セブナおよび祭司のなかの長老等をして皆あらたへをまとはせてアモツの子預言者イザヤのもとにゆかしむ
3 Sinabi nila sa kaniya, “Sinasabi ni Hezekias, 'Ang araw na ito ay araw ng paghihirap, pagsasaway at kahihiyan, tulad kapag ang isang sanggol ay handa ng isilang, pero ang ina ay walang kalakasang iluwal ang kanyang sanggol.
かれらイザヤにいひけるは ヒゼキヤ如此いへり けふは患難と責と辱かしめの日なり そは子うまれんとして之をうみいだすの力なし
4 Maaaring maririnig ni Yahweh inyong Diyos ang mga salita ng pangunahing pinuno, na siyang ipinadala ng hari ng Asiria kanyang panginoon para hamunin ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh inyong Diyos. Itaas ninyo ngayon ang inyong panalangin para sa mga nalalabi na naroroon pa.””
なんぢの神ヱホバあるひはラブシヤケがもろもろの言をききたまはん 彼はその君アツスリヤ王につかはされて活る神をそしれり なんぢの神ヱホバその言をききて或はせめたまふならん されば請なんぢこの遺れるもののために祈禱をささげよと
5 Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay nagtungo kay Isaias
かくてヒゼキヤ王の諸僕イザヤにいたる
6 at sinabi sa kanila ni Isaias, 'Sabihin ninyo sa inyong panginoon: sinabi ni Yahweh, “Huwag kayong matakot sa mga salitang inyong narinig, na kung saan hinamak ako ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
イザヤかれらに言けるは なんぢらの君につげよ ヱホバ斯いひたまへり曰く アツスリヤ王のしもべら我をののしりけがせり なんぢらその聞しことばによりて懼るるなかれ
7 Pagmasdan ninyo, maglalagay ako ng isang espiritu sa kanya, at makakarinig siya ng isang ulat at magbabalik sa kanyang sariling lupain. Dudulutin kong siyang mahulog sa espada sa kanyang sariling lupain.””
視よわれかれが意をうごかすべければ 一つの風聲をききておのが國にかへらん かれをその國にて劍にたふれしむべし
8 Pagkatapos ang pinunong kumander ay nagbalik at inabot ang Hari ng Asiriang nakikipagdigma kay Libna, dahil narinig niya na ang hari ay umalis mula sa Laquis.
爰にラブシヤケはアツスリヤ王がラキシを離れさりしとききて歸りけるとき際しも王はリブナを攻をれり
9 Pagkatapos narinig ni Senaquerib na si Tirhaka hari ng Etiopia at Ehipto ay naghahanda para lumaban sa kanya, kaya muli siyang nagpadala ng tagapagbalita kay Hezekias kasama ng isang mensahe:
このときエテオピアの王テルハカの事についてきけり云く かれいでて汝とたたかふべしと このことをききて使者をヒゼキヤに遣していふ
10 “Sabihin kay Hezekias, hari ng Juda, 'Huwag hayaang linlalingin kayo ng inyong Diyos na inyong pinagtitiwalaan, nagsasabing, “Hindi ibibgay sa kamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.”
なんぢらユダの王ヒゼキヤにつげて如此いへ なんぢが賴める神なんぢを欺きてヱルサレムはアツスリヤ王の手にわたされじといふを聽ことなかれ
11 Masdan ninyo, narinig ninyo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng lupain na ganap nang winasak. Kaya maililigtas ba kayo?
視よアツスリヤの王等もろもろの國にいかなることをおこなひ如何してこれを悉くほろぼししかを汝ききしならん されば汝すくはるることを得んや
12 Nailigtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, mga bansang winasak ng aking mga ama: ang Gozan, Haran, Resef, at mamamayan ng Eden sa Telasar?
わが先祖たちの滅ぼししゴザン、ハラン、レゼフおよびテラサルなるエデンの族など此等のくにぐにの神はその國をすくひたりしや
13 Nasaan ang hari ng Hamat, hari ng Arpad, hari ng mga lunsod ng Sefarvaim, ng Hena at Iva?”
ハマテの王アルバデの王セバルワイムの都の王ヘナの王およびイワの王はいづこにありやと
14 Tinanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mensahero at binasa ito. Pagkatapos umakyat siya sa bahay ni Yahweh at inilatag ito sa kanyang harapan.
ヒゼキヤつかひの手より書をうけて之を讀り しかしてヒゼキヤ、ヱホバの宮にのぼりゆきヱホバの前にこのふみを展ぶ
15 Nanalangin si Hezekias kay Yahweh:
ヒゼキヤ、ヱホバに祈ていひけるは
16 Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, ikaw ang tangging Diyos sa lahat ng kaharian ng mundo. Ikaw na gumawa ng mga langit at lupa.
ケルビムの上に坐したまふ萬軍のヱホバ、イスラエルの神よ ただ汝のみ地のうへなるよろづの國の神なり なんぢは天地をつくりたまへり
17 Ibaling mo ang inyong tainga, Yahweh, at makinig. Imulat mo ang inyong mga mata, Yahweh, at tingnan mo, at dingin mo ang mga salita ni Senaquerib, na kanyang ipinadala para alipustahin ang Diyos na buhay.
ヱホバよ耳をかたむけて聽たまへ ヱホバよ目をひらきて視たまへ セナケリブ使者して活る神をそしらしめし言をことごとくききたまへ
18 Totoo ito, Yahweh, winasak ng mga hari ng Asiria lahat ng mga bansa at kanilang mga lupain.
ヱホバよ實にアツスリヤの王等はもろもろの國民とその地とをあらし毀ち
19 Inilagay nila sa apoy ang kanilang mga diyos, dahil sila ay hindi mga diyos pero gawa ng kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
かれらの神たちを火になげいれたり これらのものは神にあらず 人の手の工にして あるひは木あるひは石なり 斯るがゆゑに滅ぼされたり
20 Pero ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kanyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na ikaw Yahweh ang nag-iisa.”
さればわれらの神ヱホバよ 今われらをアツスリヤ王の手より救ひいだして 地のもろもろの國にただ汝のみヱホバなることを知しめたまへ
21 Pagkatapos magpadala ni Isaias anak ni Amos ng mensahe kay Hezekias, nagsasabing, “Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabing, 'Dahil ikaw ay nanalangin sa akin tungkol kay Senaquerib hari ng Asiria,
ここにアモツの子イザヤ人をつかはしてヒゼキヤにいはせけるは イスラエルの神ヱホバかくいひたまふ 汝はアツスリヤ王セナケリブのことにつきて我にいのれり
22 ito ang salitang sinalita ni Yahweh tungkol sa kanya: “Ang birheng anak ng Sion ay kinamumuhian ka at tinatawanan ka para kutyain; ang mga anak na babae ng Jerusalem ay iniiling ang kanilanh ulo para sa iyo.
ヱホバが彼のことにつきて語り給へるみことばは是なり いはくシオンの處女はなんぢを侮りなんぢをあざけり ヱルサレムの女子はなんぢの背後より頭をふれり
23 Sino ang iyong nilapastangan at hinamak? at laban kanino mo itinaas ang iyong tinig at nagmataas sa iyong mga tinggin? Laban sa Ang Banal ng Israel.
汝がそしりかつ罵れるものは誰ぞ なんぢが聲をあげ目をたかく向てさからひたるものはたれぞ イスラエルの聖者ならずや
24 Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
なんぢその使者によりて主をそしりていふ 我はおほくの戰車をひきゐて山々のいただきに登りレバノンの奧にまでいりぬ 我はたけたかき香柏とうるはしき松樹とをきり またその境なるたかき處にゆき腴たる地の林にゆかん
25 Nakapaghukay ako ng mga balon at uminom ng kanilang tubig; tinuyo ko ang mga ilog ng Ehipto sa ilalim ng aking mga paa.'
我は井をほりて水をのみたり われは足跖をもてエジプトの河々をからさんと
26 Hindi mo ba narinig kung paano ko binalak ito noon pa man at gawin ito ng sinaunang panahon? Ngayon, gagawin ko na itog mangyari. Ikaw ay naririto para gawing tumpok ng batong durog ang mga hindi matinag na mga lunsod.
なんぢ聞ずや これらのことはわが昔よりなす所 いにしへの日よりさだめし所なり 今なんぢがこの堅城をこぼちあらして石堆となすも亦わがきたらしし所なり
27 Ang mga naninirahan dito, na walang kalakasan, ay litong-lito at hiyang-hiya. Sila ay mga pananim sa bukid, damong luntian, ang damo sa ibabaw ng bubong o sa bukid, sa harap ng hanging silangan.
そのなかの民はちから弱くをののきて恥をいだき 野草のごとく靑き菜のごとく屋蓋の草のごとく未だそだたざる苗のごとし
28 Pero alam ko ang iyong pag-upo, ang iyong paglabas, ang iyong pagpasok, at iyong labis na galit sa akin.
我なんぢが居ること出入すること又われにむかひて怒りさけべることをしる
29 Dahil sa labis mong galit sa akin, at dahil sa iyong pagmamataas ay nakaabot sa aking mga tainga, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa pinanggalingan mo.”
なんぢが我にむかひて怒りさけべると汝がほこれる言とわが耳にいりたれば我なんぢの鼻に環をはめ汝のくちびるに鑣をつけて汝がきたれる路よりかへらしめん
30 Ito ang magiging palatandaan sa iyo: Sa taong ito kakain ka ng ligaw na halaman, at sa ikalawang taon kung ano ang bunga nito. Pero sa ikatlong taon kailangan mong magtanim at mag-ani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
ヒゼキヤよ我がなんぢにたまふ徴はこれなり なんぢら今年は落穂より生たるものを食ひ 明年は糵生より出たるものを食はん 三年にあたりては種ことをなし收ことをなし 葡萄ぞのを作りてその果を食ふべし
31 Ang nalalabing lahi ni Juda ay muling mag-uugat at mamumunga.
ユダの家ののがれて遺れる者はふたたび下は根をはり上は果を結ぶべし
32 Kaya may nalalabi mula sa Jerusalem ang lalabas; may mga nakaligtas mula sa Bundok ng Sion ang darating.' Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang gagawa nito.”
そは遺るものはヱルサレムよりいで脱るるものはシオンの山よりいづるなり 萬軍のヱホバの熱心これを成たまふべし
33 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari ng Asiria: “Hindi siya makararating sa lungsod na ito, ni papana ng palaso dito. Ni makakalapit ito ng may panangga o gumawa ng taguan laban dito.
この故にヱホバ、アツスリヤの王については如此いひたまふ 彼はこの城にいらず ここに箭をはなたず盾を城のまへにならべず 壘をきづきて攻ることなし
34 Ang daang pinanggalingan niya ay ang daan din na kanyang pag-aalisan; hindi siya makakapasok sa lungsod na ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh.
かれはそのきたりし道よりかへりてこの城にいらず
35 Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, sa aking kapakanan at sa kapakanan ni David aking lingkod.”
我おのれの故によりて僕ダビデの故によりて この城をまもり この城をすくはん これヱホバ宣給るなり
36 Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
ヱホバの使者いできたりアツスリヤの陣營のなかにて十八萬五千人をうちころせり早晨におきいでて見ればみな死てかばねとなれり
37 Kaya si Senaquerib hari ng Asiria ay umuwi at nanatili sa Nineveh.
アツスリヤ王セナケリブ起てかへりゆきニネベにとどまる
38 Kalaunan, habang siya ay nagpupuri sa tahanan ng kanyang diyos na si Nisroc, pinatay siya ng kanyang mga anak na si Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos sila ay nagtago sa lupain ng Ararat. Tapos ang kanyang anak si Esarhadon ang naghari kapalit niya.
一日おのが神ニスロクのみやにて禮拜をなし居しにその子アデランメレクとシヤレゼルと劍をもて彼をころし而してアララテの地ににげゆけり かれが子エサルハドンつぎて王となりぬ