< Isaias 37 >
1 Ito ang nangyari nang narinig ni Haring Hezekias ang kanilang ulat, pinunit niya ang kanyang kasuotan, sinuotan ang sarili ng sako, at nagtungo sa tahanan ni Yahweh.
And it came to pass, when king Hezekiah heard it, that he tore his clothes, and covered himself with sackcloth, and went into the house of Jehovah.
2 Ipinadala niya si Eliakim, na namumuno sa sambayahan, at Sebna ang escriba, at ang mga nakatatanda ng mga pari, lahat nakasuot ng sakong tela, kay Isaias anak ni Amos, ang propeta.
And he sent Eliakim, who was over the household, and Shebna the scribe, and the elders of the priests, covered with sackcloth, to Isaiah the prophet the son of Amoz.
3 Sinabi nila sa kaniya, “Sinasabi ni Hezekias, 'Ang araw na ito ay araw ng paghihirap, pagsasaway at kahihiyan, tulad kapag ang isang sanggol ay handa ng isilang, pero ang ina ay walang kalakasang iluwal ang kanyang sanggol.
And they said to him, Thus says Hezekiah, This day is a day of trouble, and of rebuke, and of blasphemy, for the sons have come to the birth, and there is not strength to bring forth.
4 Maaaring maririnig ni Yahweh inyong Diyos ang mga salita ng pangunahing pinuno, na siyang ipinadala ng hari ng Asiria kanyang panginoon para hamunin ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh inyong Diyos. Itaas ninyo ngayon ang inyong panalangin para sa mga nalalabi na naroroon pa.””
It may be Jehovah thy God will hear the words of Rabshakeh, whom the king of Assyria his master has sent to defy the living God, and will rebuke the words which Jehovah thy God has heard. Therefore lift up thy prayer for the remnant that is left.
5 Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay nagtungo kay Isaias
So the servants of king Hezekiah came to Isaiah.
6 at sinabi sa kanila ni Isaias, 'Sabihin ninyo sa inyong panginoon: sinabi ni Yahweh, “Huwag kayong matakot sa mga salitang inyong narinig, na kung saan hinamak ako ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
And Isaiah said to them, Thus shall ye say to your master, Thus says Jehovah: Be not afraid of the words that thou have heard, with which the servants of the king of Assyria have blasphemed me.
7 Pagmasdan ninyo, maglalagay ako ng isang espiritu sa kanya, at makakarinig siya ng isang ulat at magbabalik sa kanyang sariling lupain. Dudulutin kong siyang mahulog sa espada sa kanyang sariling lupain.””
Behold, I will put a spirit in him, and he shall hear news, and shall return to his own land. And I will cause him to fall by the sword in his own land.
8 Pagkatapos ang pinunong kumander ay nagbalik at inabot ang Hari ng Asiriang nakikipagdigma kay Libna, dahil narinig niya na ang hari ay umalis mula sa Laquis.
So Rabshakeh returned, and found the king of Assyria warring against Libnah, for he had heard that he was departed from Lachish.
9 Pagkatapos narinig ni Senaquerib na si Tirhaka hari ng Etiopia at Ehipto ay naghahanda para lumaban sa kanya, kaya muli siyang nagpadala ng tagapagbalita kay Hezekias kasama ng isang mensahe:
And he heard say concerning Tirhakah king of Ethiopia, He has come out to fight against thee. And when he heard it, he sent messengers to Hezekiah, saying,
10 “Sabihin kay Hezekias, hari ng Juda, 'Huwag hayaang linlalingin kayo ng inyong Diyos na inyong pinagtitiwalaan, nagsasabing, “Hindi ibibgay sa kamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.”
Thus shall ye speak to Hezekiah king of Judah, saying, Let not thy God in whom thou trust deceive thee, saying, Jerusalem shall not be given into the hand of the king of Assyria.
11 Masdan ninyo, narinig ninyo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng lupain na ganap nang winasak. Kaya maililigtas ba kayo?
Behold, thou have heard what the kings of Assyria have done to all lands, by destroying them utterly. And shall thou be delivered?
12 Nailigtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, mga bansang winasak ng aking mga ama: ang Gozan, Haran, Resef, at mamamayan ng Eden sa Telasar?
Have the gods of the nations delivered them, which my fathers have destroyed, Gozan, and Haran, and Rezeph, and the sons of Eden who were in Telassar?
13 Nasaan ang hari ng Hamat, hari ng Arpad, hari ng mga lunsod ng Sefarvaim, ng Hena at Iva?”
Where is the king of Hamath, and the king of Arpad, and the king of the city of Sepharvaim, of Hena, and Ivvah?
14 Tinanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mensahero at binasa ito. Pagkatapos umakyat siya sa bahay ni Yahweh at inilatag ito sa kanyang harapan.
And Hezekiah received the letter from the hand of the messengers, and read it. And Hezekiah went up to the house of Jehovah, and spread it before Jehovah.
15 Nanalangin si Hezekias kay Yahweh:
And Hezekiah prayed to Jehovah, saying,
16 Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, ikaw ang tangging Diyos sa lahat ng kaharian ng mundo. Ikaw na gumawa ng mga langit at lupa.
O Jehovah of hosts, the God of Israel, who sit above the cherubim, thou are the God, even thou alone, of all the kingdoms of the earth. Thou have made heaven and earth.
17 Ibaling mo ang inyong tainga, Yahweh, at makinig. Imulat mo ang inyong mga mata, Yahweh, at tingnan mo, at dingin mo ang mga salita ni Senaquerib, na kanyang ipinadala para alipustahin ang Diyos na buhay.
Incline thine ear, O Jehovah, and hear. Open thine eyes, O Jehovah, and see, and hear all the words of Sennacherib, who has sent to defy the living God.
18 Totoo ito, Yahweh, winasak ng mga hari ng Asiria lahat ng mga bansa at kanilang mga lupain.
Of a truth, Jehovah, the kings of Assyria have laid waste all the countries, and their land,
19 Inilagay nila sa apoy ang kanilang mga diyos, dahil sila ay hindi mga diyos pero gawa ng kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
and have cast their gods into the fire. For they were no gods, but the work of men's hands, wood and stone. Therefore they have destroyed them.
20 Pero ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kanyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na ikaw Yahweh ang nag-iisa.”
Now therefore, O Jehovah our God, save us from his hand, that all the kingdoms of the earth may know that thou are Jehovah, even thou only.
21 Pagkatapos magpadala ni Isaias anak ni Amos ng mensahe kay Hezekias, nagsasabing, “Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabing, 'Dahil ikaw ay nanalangin sa akin tungkol kay Senaquerib hari ng Asiria,
Then Isaiah the son of Amoz sent to Hezekiah, saying, Thus says Jehovah, the God of Israel, Whereas thou have prayed to me against Sennacherib king of Assyria,
22 ito ang salitang sinalita ni Yahweh tungkol sa kanya: “Ang birheng anak ng Sion ay kinamumuhian ka at tinatawanan ka para kutyain; ang mga anak na babae ng Jerusalem ay iniiling ang kanilanh ulo para sa iyo.
this is the word which Jehovah has spoken concerning him: The virgin daughter of Zion has despised thee and laughed thee to scorn. The daughter of Jerusalem has shaken her head at thee.
23 Sino ang iyong nilapastangan at hinamak? at laban kanino mo itinaas ang iyong tinig at nagmataas sa iyong mga tinggin? Laban sa Ang Banal ng Israel.
Whom have thou defied and blasphemed? And against whom have thou exalted thy voice and lifted up thine eyes on high? Even against the Holy One of Israel.
24 Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
By thy servants thou have defied the Lord, and have said, With the multitude of my chariots I have come up to the height of the mountains, to the innermost parts of Lebanon. And I will cut down the tall cedars of it, and the choice fir trees of it, and I will enter into its farthest height, the forest of its fruitful field.
25 Nakapaghukay ako ng mga balon at uminom ng kanilang tubig; tinuyo ko ang mga ilog ng Ehipto sa ilalim ng aking mga paa.'
I have dug and drunk water, and with the sole of my feet I will dry up all the rivers of Egypt.
26 Hindi mo ba narinig kung paano ko binalak ito noon pa man at gawin ito ng sinaunang panahon? Ngayon, gagawin ko na itog mangyari. Ikaw ay naririto para gawing tumpok ng batong durog ang mga hindi matinag na mga lunsod.
Have thou not heard how I have done it long ago, and formed it of ancient times? Now I have brought it to pass, that it should be thine to lay waste fortified cities into ruinous heaps.
27 Ang mga naninirahan dito, na walang kalakasan, ay litong-lito at hiyang-hiya. Sila ay mga pananim sa bukid, damong luntian, ang damo sa ibabaw ng bubong o sa bukid, sa harap ng hanging silangan.
Therefore their inhabitants were of small power. They were dismayed and confounded. They were as the grass of the field, and as the green herb. As the grass on the housetops, and as a field of grain before it is grown up.
28 Pero alam ko ang iyong pag-upo, ang iyong paglabas, ang iyong pagpasok, at iyong labis na galit sa akin.
But I know thy sitting down, and thy going out, and thy coming in, and thy raging against me.
29 Dahil sa labis mong galit sa akin, at dahil sa iyong pagmamataas ay nakaabot sa aking mga tainga, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa pinanggalingan mo.”
Because of thy raging against me, and because thine arrogance has come up into my ears, therefore I will put my hook in thy nose, and my bridle in thy lips, and I will turn thee back by the way by which thou came.
30 Ito ang magiging palatandaan sa iyo: Sa taong ito kakain ka ng ligaw na halaman, at sa ikalawang taon kung ano ang bunga nito. Pero sa ikatlong taon kailangan mong magtanim at mag-ani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
And this shall be the sign to thee. Ye shall eat this year that which grows of itself, and in the second year that which springs of the same, and in the third year sow ye, and reap, and plant vineyards, and eat the fruit of it.
31 Ang nalalabing lahi ni Juda ay muling mag-uugat at mamumunga.
And the remnant that is escaped of the house of Judah shall again take root downward, and bear fruit upward.
32 Kaya may nalalabi mula sa Jerusalem ang lalabas; may mga nakaligtas mula sa Bundok ng Sion ang darating.' Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang gagawa nito.”
For out of Jerusalem shall go forth a remnant, and out of mount Zion those who shall escape. The zeal of Jehovah of hosts will perform this.
33 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari ng Asiria: “Hindi siya makararating sa lungsod na ito, ni papana ng palaso dito. Ni makakalapit ito ng may panangga o gumawa ng taguan laban dito.
Therefore thus says Jehovah concerning the king of Assyria, He shall not come to this city, nor shoot an arrow there. Neither shall he come before it with shield, nor cast up a mound against it.
34 Ang daang pinanggalingan niya ay ang daan din na kanyang pag-aalisan; hindi siya makakapasok sa lungsod na ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh.
By the way that he came, by the same he shall return, and he shall not come to this city, says Jehovah.
35 Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, sa aking kapakanan at sa kapakanan ni David aking lingkod.”
For I will defend this city to save it, for my own sake, and for my servant David's sake.
36 Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
And the agent of Jehovah went forth, and smote in the camp of the Assyrians a hundred and eighty-five thousand. And when men arose early in the morning, behold, these were all dead bodies.
37 Kaya si Senaquerib hari ng Asiria ay umuwi at nanatili sa Nineveh.
So Sennacherib king of Assyria departed, and went and returned, and dwelt at Nineveh.
38 Kalaunan, habang siya ay nagpupuri sa tahanan ng kanyang diyos na si Nisroc, pinatay siya ng kanyang mga anak na si Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos sila ay nagtago sa lupain ng Ararat. Tapos ang kanyang anak si Esarhadon ang naghari kapalit niya.
And it came to pass, as he was worshiping in the house of Nisroch his god, that Adrammelech and Sharezer his sons smote him with the sword, and they escaped into the land of Ararat. And Esar-haddon his son reigned in his stead.