< Isaias 31 >

1 Nakaaawa ang mga bumababa sa Ehipto para humingi ng tulong at umaasa sa mga kabayo, at magtitiwala sa mga karwahe (dahil sila ay marami) at sa mangangabayo (dahil sila ay hindi mabilang). Pero hindi nila isinasaalang-alang ang Banal ng Israel, ni hinahanap nila si Yahweh!
助をえんとてエジプトにくだり馬によりたのむものは禍ひなるかな 戰車おほきが故にこれにたのみ騎兵はなはだ强きがゆゑに之にたのむ されどイスラエルの聖者をあふがずヱホバを求ることをせざるなり
2 Gayunman siya ay marunong, at nagdadala siya ng sakuna at hindi niya binabawi ang kaniyang mga salita. At siya ay babangon laban sa masamang sambahayan at laban sa mga alipin na nakagawa ng kasalanan.
然はあれどもヱホバもまた智慧あるべし かならず禍害をくだしてその言をひるがへしたまはず 起てあしきものの家をせめ また不義を行ふ者の助をせめ給はん
3 Ang Ehipto ay isang tao at hindi Diyos, ang kanilang mga kabayo ay laman at hindi espiritu. Kapag inunat ni Yahweh ang kaniyang kamay, parehas na matitisod ang tumulong, at mahuhulog ang tinulungan; parehas silang maglalaho.
かのエジプト人は人にして神にあらずその馬は肉にして靈にあらず ヱホバその手をのばしたまはば助くるものも蹟き たすけらるる者もたふれてみなひとしく亡びん
4 Ito ang sinasabi sa akin ni Yahweh, “Tulad ng isang leon, kahit ang batang leon, na umaatungal sa gutay-gutay na biktima nito, pagkatapos na ang isang pangkat ng mga pastol ay tinawag laban dito, pero hindi ito manginginig sa kanilang mga tinig, ni tatakas sa kanilang ingay; kaya si Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay bababa para lumaban sa Bundok ng Sion, sa burol na iyon.
ヱホバ如此われにいひたまふ 獅のほえ壯獅の獲物をつかみてほえたけれるとき 許多のひつじかひ相呼つどひてむかひゆくとも その聲によりて挫けずその喧譁しきによりて臆せざるごとく 萬軍のヱホバくだりてシオンの山およびその岡にて戰ひ給ふべし
5 Tulad ng mga ibon na lumilipad, si Yahweh ng mga hukbo ng mga anghel ay pangangalagaan ang Jerusalem; mangangalaga at magliligtas siya habang dumadaan dito at pinapanatili ito.
鳥の雛をまもるがごとく萬軍のヱホバはヱルサレムをまもりたまはん これを護りてこれをすくひ踰越てこれを援けたまはん
6 Bumalik kayo sa kaniya kayong malalim na tumalikod, bayan ng Israel.
イスラエルの子輩よなんぢらさきには甚だしく主にそむけり 今たちかへるべし
7 Dahil sa araw na iyon aalisin ng bawat isa ang kaniyang mga diyus-diyosang pilak at ang kaniyang mga diyus-diyosang ginto na makasalanang ginawa ng inyong sariling mga kamay.
なんぢらおのが手につくりて罪ををかしし白銀のぐうざう黄金の偶像をその日おのおのなげすてん
8 Babagsak ang Asiria sa pamamagitan ng espada, isang espada na hindi ginawa ng tao ang papatay sa kaniya. Makatatakas siya mula sa espada, at ang kaniyang mga binata ay pipiliting gumawa nang mabibigat na trabaho.
爰にアツスリヤびとは劍にてたふれん されど人のつるぎにあらず 劍かれらをほろぼさん されど世の人のつるぎにあらず かれら劍のまへより逃はしりその壯きものは役丁とならん
9 Panghihinaan sila ng loob dahil sa takot, at ang kaniyang mga prinsipe ay matatakot sa pagtanaw nila ng bandilang pandigma ni Yahweh.” - Ito ang pagpapahayag ni Yahweh, na ang apoy ay nasa Sion at ang pugon niya ay nasa Jerusalem.
かれらの磐はおそれによりて逝去り その君たちは旗をみてくじけん こはヱホバの御言なり ヱホバの火はシオンにありヱホバの爐はヱルサレムにあり

< Isaias 31 >