< Isaias 28 >

1 Kaawaan ang ipinagyayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim at sa kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan, na nasa tuktok ng masaganang lambak ng mga lango sa alak!
祸哉!以法莲的酒徒, 住在肥美谷的山上, 他们心里高傲, 以所夸的为冠冕, 犹如将残之花。
2 Masdan ninyo, may isang makapangyarihan at malakas na tao mula sa Panginoon; gaya ng isang ulan ng yelo, isang namiminsalang bagyo, gaya ng isang laganap na napakalakas na ulan. Papaluin niya ang daigdig ng kanyang kamay.
看哪,主有一大能大力者, 像一阵冰雹, 像毁灭的暴风, 像涨溢的大水, 他必用手将冠冕摔落于地。
3 Ang ipinagmamayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim ay tatapakan.
以法莲高傲的酒徒, 他的冠冕必被踏在脚下。
4 Ang kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan, na nasa tuktok ng mayamang lambak, ay magiging gaya ng unang hinog na igos bago magtag-araw, na kapag nakita ito ng isang tao, habang ito ay nasa kamay pa lamang niya, nilulunok na niya ito.
那荣美将残之花, 就是在肥美谷山上的, 必像夏令以前初熟的无花果; 看见这果的就注意, 一到手中就吞吃了。
5 Sa araw na iyon si Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel ay magiging isang magandang korona at isang putong ng kagandahan para sa mga natitira pa sa kanyang bayan,
到那日,万军之耶和华 必作他余剩之民的荣冠华冕,
6 isang espiritu ng katarungan para sa kanya na nakaupo sa paghuhukom, at lakas para sa mga nagpapaatras sa kanilang mga kaaway sa kanilang mga tarangkahan.
也作了在位上行审判者公平之灵, 并城门口打退仇敌者的力量。
7 Pero kahit na ang mga ito ay humahapay-hapay sa alak, at nagpapasuray-suray sa inuming matapang. Ang pari at ang propeta ay humahapay-hapay sa malakas na alak, at nalululon sila ng alak. Nagpapasuray-suray sila sa malakas na alak, nagsusuray-suray sa pangitain at humahapay-hapay sa pagpasya.
就是这地的人也因酒摇摇晃晃, 因浓酒东倒西歪。 祭司和先知因浓酒摇摇晃晃, 被酒所困, 因浓酒东倒西歪。 他们错解默示, 谬行审判。
8 Tunay nga, lahat ng mesa ay natatakpan ng suka, kung kaya't walang malinis na lugar.
因为各席上满了呕吐的污秽, 无一处干净。
9 Kanino niya ituturo ang kaalaman, at kanino niya ipapaliwanag ang mensahe? Sa mga naawat na sa pagsuso sa ina o sa mga kakaawat pa lamang mula sa mga dibdib?
讥诮先知的说: 他要将知识指教谁呢? 要使谁明白传言呢? 是那刚断奶离怀的吗?
10 Sapagkat ito ay utos pagkaraan ng utos, utos pagkaraan ng utos; panuntunan pagkaraan ng panuntunan, panuntunan pagkaraan ng panuntunan; kaunti dito, kaunti doon.
他竟命上加命,令上加令, 律上加律,例上加例, 这里一点,那里一点。
11 Tunay nga, gamit ang mapanuyang mga labi at isang banyagang dila, magsasalita siya sa bayang ito.
先知说:不然,主要借异邦人的嘴唇 和外邦人的舌头对这百姓说话。
12 Sa nakalipas sinabi niya sa kanila “Ito ang kapahingahan, bigyan ng kapahingahan ang siyang napapagod; at ito ang pagpapanariwa,” pero ayaw nilang makinig.
他曾对他们说: 你们要使疲乏人得安息, 这样才得安息,才得舒畅, 他们却不肯听。
13 Kaya ang salita ni Yahweh ay mapapasakanila, utos pagkaraan ng utos; panuntunan pagkaraan ng panuntunan, panuntunan pagkaraan ng panuntunan; kaunti dito, kaunti doon; nang sa gayon sumulong sila at mabuwal, at masaktan, mahulog sa bitag at mabihag.
所以,耶和华向他们说的话是 命上加命,令上加令, 律上加律,例上加例, 这里一点,那里一点, 以致他们前行仰面跌倒, 而且跌碎,并陷入网罗被缠住。
14 Kaya makinig sa salita ni Yahweh, kayo na nangungutya, na namamahala sa bayang ito sa Jerusalem.
所以,你们这些亵慢的人, 就是辖管住在耶路撒冷这百姓的, 要听耶和华的话。
15 Sinabi ninyo, “Nakipagtipan kami sa kamatayan; nakipagkasundo kami sa Sheol. Kaya kapag dumaan ang umaapaw na paghatol, hindi nito kami aabutan, sapagkat ginawa naming kanlungan ang isang kasinungalingan, at sa kabulaanan kami ay nagtago.” (Sheol h7585)
你们曾说: 我们与死亡立约, 与阴间结盟; 敌军如水涨漫经过的时候, 必不临到我们; 因我们以谎言为避所, 在虚假以下藏身。 (Sheol h7585)
16 Kaya sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo: Maglalagay ako ng isang pundasyong bato sa Sion, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. Siya na naniniwala ay hindi mapapahiya.
所以,主耶和华如此说: 看哪,我在锡安放一块石头作为根基, 是试验过的石头, 是稳固根基,宝贵的房角石; 信靠的人必不着急。
17 Gagawin kong panukat na kahoy ang katarungan, at panukat na hulog ang katuwiran. Tatangayin ng ulan na yelo ang tanggulan ng mga kasinungalingan, at tatabunan ng mga tubig baha ang taguan.
我必以公平为准绳, 以公义为线铊。 冰雹必冲去谎言的避所; 大水必漫过藏身之处。
18 Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito. (Sheol h7585)
你们与死亡所立的约必然废掉, 与阴间所结的盟必立不住。 敌军如水涨漫经过的时候, 你们必被他践踏; (Sheol h7585)
19 Tuwing dumadaan ito, aanurin kayo nito, at tuwing umaga dadaan ito at sa araw at sa gabi ay darating ito. Kapag naunawaan ang mensahe, ito ay magdudulot ng matinding takot.
每逢经过必将你们掳去。 因为每早晨他必经过, 白昼黑夜都必如此。 明白传言的必受惊恐。
20 “Dahil napakaikli ng kama para makapag-unat ang isang tao, at napakakitid ng kumot para talukbungan niya ang kanyang sarili.”
原来,床榻短,使人不能舒身; 被窝窄,使人不能遮体。
21 Aakyat si Yahweh tulad ng sa Bundok ng Perazim; gigisingin niya ang kanyang sarili tulad ng sa lambak ng Gideon para gawin ang kanyang gawain, ang kanyang kakaibang trabaho, at isakatuparan ang kanyang kakaibang gawa.
耶和华必兴起,像在毗拉心山; 他必发怒,像在基遍谷, 好做成他的工,就是非常的工; 成就他的事,就是奇异的事。
22 Kaya ngayon huwag kayong mang-inis o ang mga gapos ninyo ay hihigpitan. Nakarinig ako mula sa Panginoon, Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, isang kautusan ng pagkawasak sa daigdig.
现在你们不可亵慢, 恐怕捆你们的绑索更结实了; 因为我从主—万军之耶和华那里听见, 已经决定在全地上施行灭绝的事。
23 Bigyan ninyo ng pansin at makinig sa aking tinig; bigyan ninyo ng masusing pansin at makinig sa aking mga salita.
你们当侧耳听我的声音, 留心听我的言语。
24 Ang magsasaka ba na buong araw nag-aararo para maghasik, ay nag-aararo lang ng lupa? Patuloy ba niyang binubungkal at sinusuyod ang bukid?
那耕地为要撒种的, 岂是常常耕地呢? 岂是常常开垦耙地呢?
25 Kapag naihanda na niya ang lupa, hindi ba niya ikinakalat ang buto ng anis, inihahasik ang linga, inilalagay ang trigo sa mga hanay at ang sebada sa tamang lugar, at ang espelta sa mga gilid nito?
他拉平了地面, 岂不就撒种小茴香, 播种大茴香, 按行列种小麦, 在定处种大麦, 在田边种粗麦呢?
26 Tinatagubilinan siya ng Diyos; tinuturuan niya siya nang may karunungan.
因为他的 神教导他务农相宜, 并且指教他。
27 Higit pa rito, ang linga ay hindi ginigiik gamit ang isang paragos, ni pinapagulungan ang linga ng gulong ruweda ng karitela; pero ang anis ay binabayo ng isang kahoy, at ang linga ng isang pamalo.
原来打小茴香,不用尖利的器具, 轧大茴香,也不用碌碡; 但用杖打小茴香, 用棍打大茴香。
28 Ang butil ay ginigiling para sa tinapay pero hindi napakapino, at kahit na ikinakalat ito ng mga gulong ng kanyang karitela at ng kanyang mga kabayo, hindi ito dinudurog ng kanyang mga kabayo.
做饼的粮食是用磨磨碎, 因它不必常打; 虽用碌碡和马打散, 却不磨它。
29 Ito rin ay nanggagaling mula kay Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, na kahanga-hanga sa pagpapayo at mahusay sa karunungan.
这也是出于万军之耶和华— 他的谋略奇妙; 他的智慧广大。

< Isaias 28 >