< Isaias 27 >
1 Sa araw na iyon si Yahweh at ang kaniyang matigas, malaki at mabalasik na espada ay parurusahan ang Leviatan, ang madulas na ahas, ang Leviatan na namamaluktot na ahas, at papatayin niya ang halimaw na nasa dagat.
Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat.
2 Sa araw na iyon: Isang ubasan ng alak, aawit nito.
Sa araw na yaon: Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak.
3 “Ako si Yahweh, ang tagapag-ingat nito; dinidiligan ko ito bawat sandali; para walang manakit dito, binabantayan ko ito sa gabi at araw.
Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.
4 Hindi ako galit, dahil mayroon mga dawag at tinik! Sa digmaan nagmamartsa ako laban sa kanila; susunugin ko silang lahat ng magkakasama;
Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.
5 kung hahawakan nila ng maiigi ang aking pag-iingat at makipag kasundo sa akin; hayaan silang makipag kasundo sa akin.
O manghawak sana siya sa aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.
6 Sa darating na araw, lalalim ang ugat ni Jacob; at ang Israel ay mamumulaklak at uusbong; at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng lupa.”
Sa mga araw na darating ay maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.
7 Nilusob ba ni Yahweh si Jacob at Israel gaya ng pagsugod niya sa mga bansa? Si Jacob ba at Israel ay pinatay gaya ng pagpatay sa bayan na kanilang pinatay?
Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?
8 Sa wastong panukat ikaw ay nakipaglaban, itinaboy si Jacob at ang Israel palayo; hinayaan mo silang matangay palayo sa pamamagitan ng iyong matinding hangin, sa araw ng hanging silanganan.
Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.
9 Sa ganitong paraan, ang matinding kasalanan ni Jacob ay mapapawalang sala, dahil ito ang magiging buong bunga sa pagtalikod niya sa kaniyang kasalanan: Gagawin niyang tisa at ginawang pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar ng insenso ang mananatiling nakatayo.
Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang ang mga Asera at ang mga Iarawang araw ay hindi na matatayo.
10 Dahil winasak ang matibay na lungsod, ang tahanan ay iniwanan at pinabayaan tulad ng ilang. Doon isang guya ang nanginginain, at doon siya nagpahinga at kinain ang mga sanga nito.
Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.
11 Kapag nalanta ang mga sanga, sila ay puputulin. Dadating ang mga babae at gagawa ng apoy sa pamamagitan ng mga ito, dahil ang mga ito ay mga taong walang pang-unawa. Sa gayon ang kanilang manlilikha ay hindi mahahabag sa kanila, at siyang gumawa sa kanila ay hindi maaawa sa kanila.
Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
12 Mangyayari sa araw na iyon na ihihiwalay ni Yahweh ang dumadaloy na agos ng Ilog ng Eufrates, hanggang sa batis ng Ehipto, at isa-isa kayong titipunin, bayan ng Israel.
At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos ng ilog hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.
13 Sa araw na iyon hihipan ang malaking trumpeta; at ang mga nawasak mula sa lupain ng Asirya ay dadating, at ang mga itinakwil sa lupain ng Ehipto, sila ay sasamba kay Yahweh sa banal na bundok ng Jerusalem.
At mangyayari sa araw na yaon, na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at silang mga tapon sa lupain ng Egipto; at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.