< Isaias 24 >

1 Masdan, malapit nang ubusin ni Yahweh ang laman ng mundo, para sirain ito, dungisan ang ibabaw nito, at ikalat ang mga naninirahan dito.
Ecce Dominus dissipabit terram: et nudabit eam, et affliget faciem ejus, et disperget habitatores ejus.
2 Mangyayari ito, sa mga tao, ganun din sa mga pari; sa mga lingkod, ganun din sa kaniyang amo; sa mga katulong na babae, ganun din sa kaniyang among babae; sa mga mamimimili, ganun din sa nagbebenta; sa mga pinagkakautangan, ganun din sa mga nangungutang; sa mga tumatanggap ng tubo, ganun din sa mga tagapagbigay ng tubo.
Et erit sicut populus, sic sacerdos; et sicut servus, sic dominus ejus; sicut ancilla, sic domina ejus; sicut emens, sic ille qui vendit; sicut fœnerator, sic is qui mutuum accipit; sicut qui repetit, sic qui debet.
3 Ganap na masisira ang mundo at ganap na huhubaran; dahil sinabi na ni Yahweh ang salitang ito.
Dissipatione dissipabitur terra, et direptione prædabitur; Dominus enim locutus est verbum hoc.
4 Manunuyo at malalanta ang mundo, mabubulok at maglalaho ang mundo, mabubulok ang mga kilalang tao sa lupa.
Luxit, et defluxit terra, et infirmata est; defluxit orbis, infirmata est altitudo populi terræ.
5 Ang mundo ay narumihan dahil sinuway ng mga naninirahan dito ang mga batas, nilabag ang mga kautusan, at winasak ang walang hanggang tipan.
Et terra infecta est ab habitatoribus suis, quia transgressi sunt leges, mutaverunt jus, dissipaverunt fœdus sempiternum.
6 Kaya nilamon ng sumpa ang mundo, at napatunayan na ang naninirahan dito ay maysala. Sinunog ang mga naninirahan sa mundo, at kaunting tao lang ang natira.
Propter hoc maledictio vorabit terram, et peccabunt habitatores ejus; ideoque insanient cultores ejus, et relinquentur homines pauci.
7 Natuyo ang bagong alak, nabulok ang ubasan, lahat ng masasayang puso ay naghihinagpis.
Luxit vindemia, infirmata est vitis, ingemuerunt omnes qui lætabantur corde;
8 Huminto ang masayang tunog ng mga tamburin, at ang maingay at magulong pagsasaya ng mga nagdidiwang; ang kagalakan ng mga lira ay naglalaho.
cessavit gaudium tympanorum, quievit sonitus lætantium, conticuit dulcedo citharæ.
9 Hindi na sila umiinom ng alak at nag-aawitan, at mapait ang alak sa mga umiinom nito.
Cum cantico non bibent vinum; amara erit potio bibentibus illam.
10 Bumagsak ang lungsod ng kaguluhan; sarado at walang laman ang bawat bahay.
Attrita est civitas vanitatis, clausa est omnis domus, nullo introëunte.
11 Sa bawat lansangan ay may umiiyak dahil sa alak; nagdilim ang lahat ng kagalakan, ang kasiyahan sa lupa ay naglaho.
Clamor erit super vino in plateis, deserta est omnia lætitia, translatum est gaudium terræ.
12 Isang lagim na lungsod ang naiwan, at ang tarangkahan ay basag sa pagkawasak.
Relicta est in urbe solitudo, et calamitas opprimet portas.
13 Dahil ito ang mangyayari sa buong mundo sa kalagitnaan ng mga bansa, gaya ng pagpalo sa puno ng olibo, gaya ng pamumulot ng mga natira nang matapos ang pag-ani ng ubas.
Quia hæc erunt in medio terræ in medio populorum, quomodo si paucæ olivæ quæ remanserunt excutiantur ex olea et racemi, cum fuerit finita vindemia.
14 Ilalakas nila ang kanilang mga boses at isisigaw ang kapurihan ni Yahweh, at magagalak silang sisigaw mula sa dagat.
Hi levabunt vocem suam, atque laudabunt: cum glorificatus fuerit Dominus, hinnient de mari.
15 Kaya sa silangan luluwalhatiin si Yahweh, at sa maliliit na mga pulo ng dagat magbigay ng kaluwalhatian sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Propter hoc in doctrinis glorificate Dominum; in insulis maris nomen Domini Dei Israël.
16 Mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo aming narinig ang mga awit, “Kaluwalhatian sa matuwid!” Pero sinabi ko, “Sinayang ko lang, sinayang ko lang, kasawian ay sa akin! Ang taksil ay gumagawa ng pagtataksil; oo, ang taksil ay gumagawa ng matinding pagtataksil.”
A finibus terræ laudes audivimus, gloriam Justi. Et dixi: Secretum meum mihi, secretum meum mihi. Væ mihi! prævaricantes prævaricati sunt, et prævaricatione transgressorum prævaricati sunt.
17 Matinding takot, ang hukay, at ang patibong ang sasainyo, mga naninirahan sa mundo.
Formido, et fovea, et laqueus super te, qui habitator es terræ.
18 Siyang tumakas mula sa tunog ng takot ang mahuhulog sa hukay, at siyang umahon sa kalagitnaan ng hukay ay mahuhuhli sa silo. Magbubukas ang bintana ng kalangitan, at ang pundasyon ng mundo ay mayayanig.
Et erit: qui fugerit a voce formidinis cadet in foveam; et qui se explicaverit de fovea tenebitur laqueo; quia cataractæ de excelsis apertæ sunt et concutientur fundamenta terræ.
19 Ang mundo ay ganap na masisira. ang mundo ay mahahati sa gitna; ang mundo ay marahas na mayayanig.
Confractione confringetur terra, contritione conteretur terra, commotione commovebitur terra;
20 Ang mundo ay magsusuray-suray tulad ng isang lasing na lalaki at gumigiwang-giwang at pabalik-ballik tulad ng isang duyan. Ang kasalanan nito ay magiging mabigat dito, at babagsak ito at hindi na muling babangon.
agitatione agitabitur terra sicut ebrius, et auferetur quasi tabernaculum unius noctis; et gravabit eam iniquitas sua, et corruet, et non adjiciet ut resurgat.
21 Darating ang araw na paparusahan ni Yahweh ang hukbo na dakila sa kataas-taasan, at mga hari ng mundo sa lupa.
Et erit: in die illa visitabit Dominus super militiam cæli in excelso, et super reges terræ qui sunt super terram;
22 Sila ay sama-samang titipunin, mga bilanggo sa hukay, at ikukulong sa isang bilangguan; at pagkatapos ng maraming araw sila ay hahatulan.
et congregabuntur in congregatione unius fascis in lacum, et claudentur ibi in carcere, et post multos dies visitabuntur.
23 At ang buwan ay mahihiya, at ang araw ay mapapahiya, dahil si Yahweh ng mga hukbo ay maghahari sa Bundok Sion at sa Jerusalem, at sa harap ng kaniyang nakatatanda sa kaluwalhatian.
Et erubescet luna, et confundetur sol, cum regnaverit Dominus exercituum in monte Sion et in Jerusalem et in conspectu senum suorum fuerit glorificatus.

< Isaias 24 >