< Isaias 21 >
1 Isang kapahayagan tungkol sa disyerto sa may dagat. Gaya ng mga hanging bagyo na umiihip sa Negev umiihip ito mula sa ilang, mula sa nakakatakot na lupain.
海の荒野についての託宣。つむじ風がネゲブを吹き過ぎるように、荒野から、恐るべき地から、来るものがある。
2 Isang nakakabagabag na pangitain ang ipinakita sa akin: nagtataksil ang taksil, at nagwawasak ang taga-wasak. Umakyat kayo at lumusob, Elam; lupigin ninyo, Media; ihihinto ko ang lahat ng kaniyang paghihinagpis.
わたしは一つのきびしい幻を示された。かすめ奪う者はかすめ奪い、滅ぼす者は滅ぼす。エラムよ、のぼれ、メデアよ、囲め。わたしはすべての嘆きをやめさせる。
3 Kaya napupuno ng kirot ang aking laman; kirot na gaya ng kirot ng babaeng nanganganak ang nanaig sa akin; napaluhod ako sa aking narinig; nabagabag ako sa aking nakita.
それゆえ、わが腰は激しい痛みに満たされ、出産に臨む女の苦しみのような苦しみがわたしを捕えた。わたしは、かがんで聞くことができず、恐れおののいて見ることができない。
4 Kumakabog ang aking puso; nanaig sa akin ang panginginig; ang gabi na aking ninanais ay naging panginginig para sa akin.
わが心はみだれ惑い、わななき恐れること、はなはだしく、わたしのあこがれたたそがれは変っておののきとなった。
5 Hinahanda nila ang hapag kainan, nilalatag nila ang sapin at kumakain at umiinom; bumangon kayo, mga prinsipe, at pahiran ninyo ng langis ang inyong mga kalasag.
彼らは食卓を設け、じゅうたんを敷いて食い飲みする。もろもろの君よ、立って、盾に油をぬれ。
6 Dahil ito ang sinabi ng Panginoon sa akin, “Maglagay ka ng bantay sa tore; dapat iulat niya ang kaniyang nakikita.
主はわたしにこう言われた、「行って、見張びとをおき、その見るところを告げさせよ。
7 Kapag nakakita siya ng karwahe, ng pares ng mangangabayo, ng mga nakasakay sa asno, ng mga nakasakay sa kamelyo, dapat siyang magbigay pansin at maging alerto.”
馬に乗って二列に並んだ者と、ろばに乗った者と、らくだに乗った者とを彼が見るならば、耳を傾けてつまびらかに聞かせよ」。
8 Sumisigaw ang bantay ng tore, “Panginoon, nagbabantay ako sa tore buong araw, bawat araw, at nakatayo ako sa aking himpilan buong gabi.”
その時、見張びとは呼ばわって言った、「主よ、わたしがひねもすやぐらに立ち、夜もすがらわが見張所に立っていると、
9 Paparating na ang mangangarwahe nang may kasamang hukbo, mga pares ng mangangabayo. Sumisigaw siya, “Bumagsak na, bumagsak na ang Babilonia, at nawasak ang lahat ng rebulto ng mga diyus-diyosan na sira sa lupa.”
見よ、馬に乗って二列に並んだ者がここに来ます」。彼は答えて言った、「倒れた、バビロンは倒れた、その神々の像はことごとく打ち砕かれて地に伏した」。
10 Ang aking mga giniik at mga tinahip, mga anak ko sa aking giikan! Ipinahayag ko sa inyo ang aking narinig mula kay Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel.
ああ、踏みにじられたわが民、わが打ち場の子よ、イスラエルの神、万軍の主からわたしが聞いたところのものをあなたがたに告げる。
11 Isang kapahayagan tungkol sa Duma. Ang tumatawag sa akin mula sa Seir, “Bantay, ano na lang ang natira sa gabi? Bantay, ano na lang ang natira sa gabi?”
ドマについての託宣。セイルからわたしに呼ばわる者がある、「夜回りよ、今は夜のなんどきですか、夜回りよ、今は夜のなんどきですか」。
12 Sinabi ng bantay ng tore, “Paparating na ang umaga, at gayun din ang gabi: kung magtatanong ka, magtanong ka, at bumalik ka na lang muli.”
夜回りは言う、「朝がきます、夜もまたきます。もしあなたがたが聞こうと思うならば聞きなさい、また来なさい」。
13 Isang kapahayagan tungkol sa Arabia. Pinapalipas ninyo ang gabi sa disyerto ng Arabia, kayong mga karawan ng taga-Dedan.
アラビヤについての託宣。デダンびとの隊商よ、あなたがたはアラビヤの林にやどる。
14 Magdala ng tubig para sa mga nauuhaw; mga naninirahan sa lupain ng Tema, salubungin nang may dalang tinapay ang mga takas.
テマの地に住む民よ、水を携えて、かわいた者を迎え、パンをもって、逃げのがれた者を迎えよ。
15 Dahil tumakas sila mula sa espada, mula sa inilabas na espada, mula sa nakaumang na pana, at mula sa bigat ng digmaan.
彼らはつるぎを避け、抜いたつるぎを避け、張った弓を避け、また激しい戦いを避けて、逃げてきたからである。
16 Dahil ito ang sinabi ng Diyos sa akin, “Sa loob ng isang taon, gaya ng makikita ng isang manggagawa, lahat ng kaluwalhatian ng Kedar ay magwawakas.
主はわたしにこう言われた、「雇人の年期のように一年以内にケダルのすべての栄華はつきはてる。
17 Ilan lang sa mga mamamana, sa mga mandirigma ng Kedar ang matitira, dahil nagsalita na si Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
ケダルの子らの勇士で、射手の残る者は少ない」。これはイスラエルの神、主が語られたのである。