< Isaias 20 >
1 Sa taon nang pumunta si Tartan sa Asdod, nang pinadala siya ni Sargon ang hari ng Asiria, nilabanan niya at sinakop ang Asdod.
2 Sa panahon na iyon, nagsalita si Yahweh kay Isaias ang anak na lalaki ni Amoz at sinabing, “Hubarin mo ang iyong sako sa iyong baywang, at tanggalin mo ang iyong sandalyas”. Ginawa niya ito, naglalakad ng hubad at nakayapak.
3 Sinabi ni Yahweh, “Gaya ng lingkod kong si Isaias na naglakad ng hubad at nakayapak ng tatlong taon, isa iyong palatandaan at pangitain tungkol sa Ehipto at tungkol sa Etiopia—
4 sa ganitong paraan dadalhin ng hari ng Asiria ang mga bihag ng Ehipto, ang mga tapon ng Etiopia, bata at matanda, hubad at nakayapak, at walang panakip sa pigi, sa kahihiyan ng Ehipto.
5 Sila ay malulungkot at mapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pag-asa at dahil sa Ehipto na kanilang kaluwalhatian.
6 Sa araw na iyon, sasabihin ng mga naninirahan sa mga pampang na ito, 'Tunay nga, ito ang naging pinaggagalingan ng ating mga pag-asa, kung saan tayo tumakbo para masagip mula sa hari ng Asiria, pero ngayon, paano tayo makakatakas?'”