< Isaias 18 >
1 Pighati sa lupain ng kumakaluskos na mga pakpak, na nasa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia;
Teško zemlji koja sjen èini krilima s one strane rijeka Etiopskih;
2 ang nagpapadala ng mga kinatawan sa karagatan, sakay ng mga bangkang gawa sa papirus sa katubigan. Kayong mabibilis na mga mensahero, pumunta kayo sa bansa ng matatangkad at makikinis, sa bansang kinakatakutan ng mga malapit at malayo dito, isang bansang malakas at manlulupig, na nagmamay-ari ng lupain kung saan hinahati ang mga ilog!
Koja šalje poslanike preko mora, u laðama od site po vodama, govoreæi: idite, brzi glasnici, k narodu rasijanu i oplijenjenu, k narodu strašnu otkako je dosad, k narodu razmjerenu i pogaženu, kojemu zemlju raznose rijeke.
3 Lahat kayong nananahan sa mundo at lahat kayong namumuhay sa lupain, kapag may itinaas na panghudyat sa mga kabundukan, tingnan ninyo; at kapag hinipan ang trumpeta, pakinggan ninyo.
Svi koji živite na svijetu i stanujete na zemlji, kad se digne zastava na gorama, gledajte, i kad zatrubi truba, slušajte.
4 Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Tahimik akong magmamasid mula sa tahanan ko, gaya ng matinding init sa sikat ng araw, gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.”
Jer ovako mi reèe Gospod: umiriæu se i gledaæu iz stana svojega, kao vruæina koja suši poslije dažda i kao rosan oblak o vruæini žetvenoj.
5 Bago ang pag-aani, kapag natapos na ang pagsisibol, at kapag ang mga bulaklak ay nagiging ubas na, puputulin niya ang mga sanga gamit ang pamutol na karit, at kaniyang puputulin at itatapon ang mga kumakalat na mga sanga.
Jer prije berbe, kad napupe pupci i od cvijeta postane grozd i stane zreti, okresaæe odvode kosijerom, i uzeæe lozu i otsjeæi.
6 Iiwanan sila para sa mga ibon ng kabundukan at para sa mga hayop ng kalupaan. Magsisilbi silang pagkain para sa mga ibon sa tag-araw, at sa mga hayop sa lupa sa panahon ng tag-lamig.
Sve æe se ostaviti pticama gorskim i zvijerima zemaljskim; i ptice æe ljetovati na njima, a svakojake zvijeri zemaljske zimovaæe.
7 Sa panahon na iyon, dadalhin kay Yahweh ng mga hukbo ang mga parangal na mula sa mga taong matatangkad at makikinis, mula sa mga taong kinakatakutan ng lahat, isang bansang makapangyarihan at manlulupig, sa nagmamay-ari ng lupaing humahati ng mga ilog, sa kinaroroonan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, sa Bundok Sion.
Tada æe se donijeti dar Gospodu nad vojskama od naroda rasijanoga i oplijenjenoga, od naroda strašnoga otkako je dosad, od naroda razmjerenoga i pogaženoga, kojemu zemlju raznose rijeke, k mjestu imena Gospoda nad vojskama, ka gori Sionskoj.