< Isaias 16 >

1 Magpadala ka ng mga tupa sa tagapamahala ng lupain mula sa Sela sa ilang, sa mga babaing anak sa bundok ng Sion.
שלחו כר משל ארץ מסלע מדברה אל הר בת ציון
2 Gaya ng naggagalang mga ibon, gaya ng isang nakakalat na pugad, kaya ang mga babae ng Moab ay nasa mga tawiran ng Ilog Arnon.
והיה כעוף נודד קן משלח--תהיינה בנות מואב מעברת לארנון
3 Magbigay ng tagubilin, gawin ang makatwiran; magbigay ng ilang silungan gaya ng gabi sa kalagitnaan ng araw; itago ang mga takas; huwag pagtaksilan ang mga takas.
הביאו (הביאי) עצה עשו פלילה שיתי כליל צלך בתוך צהרים סתרי נדחים--נדד אל תגלי
4 Hayaan silang mamuhay kasama ninyo, mga takas mula sa Moab; maging taguan kayo para sa kanila mula sa tagapagwasak.” Dahil hihinto ang pang-aapi, at titigil ang pagkawasak, mawawala sa lupain ang mga yumuyurak.
יגורו בך נדחי מואב הוי סתר למו מפני שודד כי אפס המץ כלה שד תמו רמס מן הארץ
5 Isang trono ang maitatatag sa katapatan sa tipan; at isa mula sa tolda ni David ang matapat na uupo doon. Maghuhusga siya habang naghahanap ng katarungan at gumagawa ng katwiran.
והוכן בחסד כסא וישב עליו באמת באהל דוד שפט ודרש משפט ומהר צדק
6 Narinig natin ang pagmamataas ng Moab, kaniyang kayabangan, kaniyang kahambugan at kaniyang galit. Pero ang kaniyang kahambugan ay walang lamang mga salita.
שמענו גאון מואב גא מאד גאותו וגאונו ועברתו לא כן בדיו
7 Kaya mananangis ang Moab para sa Moab, mananangis ang lahat. Magluluksa kayo para sa mamon na may pasas ng Kir-Hareset na lubos na nawasak.
לכן ייליל מואב למואב--כלה ייליל לאשישי קיר חרשת תהגו אך נכאים
8 Natuyo ang mga taniman sa Hesbon pati ang mga ubasan ng Sibma. Tinapakan ng mga namamahala sa mga bansa ang napiling mga ubusan na umabot sa Jazer at kumalat sa ilang. Malawak na kumalat ang mga sibol; napunta sila lagpas sa dagat.
כי שדמות חשבון אמלל גפן שבמה בעלי גוים הלמו שרוקיה--עד יעזר נגעו תעו מדבר שלחותיה נטשו עברו ים
9 Tunay nga na iiyak ako kasama ng Jazer dahil sa taniman ng ubas ng Sibma. Tutubigan kita ng aking luha, Hesbon, at Eleale. Dahil sa iyong taniman ng mga prutas at tinapos ko ang aking pag-ani nang may sigaw ng kagalakan.
על כן אבכה בבכי יעזר גפן שבמה אריוך דמעתי חשבון ואלעלה כי על קיצך ועל קצירך הידד נפל
10 Nawala ang kagalakan at kasiyahan mula sa mga prutasan; at wala ng awitan ni masasayang sigawan sa iyong taniman ng ubas. Wala ng taga-tapak ang umaapak sa pagawaan ng alak; ginawa kong pahintuin ang antigong sigawan.
ונאסף שמחה וגיל מן הכרמל ובכרמים לא ירנן לא ירעע יין ביקבים לא ידרך הדרך--הידד השבתי
11 Kaya naghihinagpis ang aking puso gaya ng isang alpa para sa Moab, at aking kalooban para sa Kir-heres.
על כן מעי למואב ככנור יהמו וקרבי לקיר חרש
12 Nang pinagod ng Moab ang kaniyang sarili sa mataas na lugar at pumasok sa kaniyang templo para manalangin, walang magagawa ang kaniyang panalangin.
והיה כי נראה כי נלאה מואב על הבמה ובא אל מקדשו להתפלל ולא יוכל
13 Ito ang salita na nakaraang sinabi ni Yahweh tungkol sa Moab.
זה הדבר אשר דבר יהוה אל מואב--מאז
14 Muli nagsalita si Yawheh, “Sa loob ng tatlong taon, mawawala ang kaluwalhatian ng Moab; kahit na marami siyang mga tao, kakaunti lang ang matitira at hindi pa mahalaga.”
ועתה דבר יהוה לאמר בשלש שנים כשני שכיר ונקלה כבוד מואב בכל ההמון הרב ושאר מעט מזער לוא כביר

< Isaias 16 >