< Isaias 14 >
1 Mahahabag si Yahweh sa Jacob; pipiliin niya muli ang Israel at ibabalik sila sa sarili nilang lupain. Sasapi ang mga dayuhan sa kanila at iaanib ang kanilang mga sarili sa bayan ng Jacob.
καὶ ἐλεήσει κύριος τὸν Ιακωβ καὶ ἐκλέξεται ἔτι τὸν Ισραηλ καὶ ἀναπαύσονται ἐπὶ τῆς γῆς αὐτῶν καὶ ὁ γιώρας προστεθήσεται πρὸς αὐτοὺς καὶ προστεθήσεται πρὸς τὸν οἶκον Ιακωβ
2 Dadalahin sila ng mga bansa sa kanilang lugar. Pagkatapos, kukunin sila ng bayan ng Israel sa lupain ni Yahweh bilang lalaki at babaeng mga alipin. Mabibihag nila ang mga bumihag sa kanila, at pamumunuan nilang lahat ng mga nang-api sa kanila.
καὶ λήμψονται αὐτοὺς ἔθνη καὶ εἰσάξουσιν εἰς τὸν τόπον αὐτῶν καὶ κατακληρονομήσουσιν καὶ πληθυνθήσονται ἐπὶ τῆς γῆς τοῦ θεοῦ εἰς δούλους καὶ δούλας καὶ ἔσονται αἰχμάλωτοι οἱ αἰχμαλωτεύσαντες αὐτούς καὶ κυριευθήσονται οἱ κυριεύσαντες αὐτῶν
3 Sa araw na bibigyan kayo ni Yahweh ng kapahingahan mula sa paghihirap at pagdurusa, at mula sa mahirap na pagtratrabaho na kailangan ninyong gawin,
καὶ ἔσται ἐν τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ ἀναπαύσει σε ὁ θεὸς ἐκ τῆς ὀδύνης καὶ τοῦ θυμοῦ σου καὶ τῆς δουλείας σου τῆς σκληρᾶς ἧς ἐδούλευσας αὐτοῖς
4 aawit kayo ng awiting panghamak laban sa hari ng Babilonia, “Paano natapos ang nang-aapi, ang pagmamataas nila ay tapos na!
καὶ λήμψῃ τὸν θρῆνον τοῦτον ἐπὶ τὸν βασιλέα Βαβυλῶνος καὶ ἐρεῖς ἐν τῇ ἡμέρᾳ ἐκείνῃ πῶς ἀναπέπαυται ὁ ἀπαιτῶν καὶ ἀναπέπαυται ὁ ἐπισπουδαστής
5 Sinira na ni Yahweh ang tungkod ng masasama, ang setro ng mga namamahala,
συνέτριψεν ὁ θεὸς τὸν ζυγὸν τῶν ἁμαρτωλῶν τὸν ζυγὸν τῶν ἀρχόντων
6 na pumapalo sa mga tao nang paulit-ulit, na galit na pinamahalaan ang mga bansa, sa pamamagitan ng walang tigil na paglusob.
πατάξας ἔθνος θυμῷ πληγῇ ἀνιάτῳ παίων ἔθνος πληγὴν θυμοῦ ἣ οὐκ ἐφείσατο
7 Nasa kapayapaan at katahimikan ang buong mundo; nagsimula silang magdiwang na may awitan.
ἀνεπαύσατο πεποιθώς πᾶσα ἡ γῆ βοᾷ μετ’ εὐφροσύνης
8 Nagdiriwang maging ang mga puno ng pir sa mga sedar ng Lebanon; sabi nila, 'Ngayong naputol ka na, walang tagaputol ng puno ang pupunta dito para putulin tayo.'
καὶ τὰ ξύλα τοῦ Λιβάνου εὐφράνθησαν ἐπὶ σοὶ καὶ ἡ κέδρος τοῦ Λιβάνου ἀφ’ οὗ σὺ κεκοίμησαι οὐκ ἀνέβη ὁ κόπτων ἡμᾶς
9 Sabik kang sasalubungin ng Sheol kapag bumaba ka doon. Papabangunin nito ang mga patay para sa iyo, lahat ng hari sa mundo, itataas sila mula sa kanilang mga trono. (Sheol )
ὁ ᾅδης κάτωθεν ἐπικράνθη συναντήσας σοι συνηγέρθησάν σοι πάντες οἱ γίγαντες οἱ ἄρξαντες τῆς γῆς οἱ ἐγείραντες ἐκ τῶν θρόνων αὐτῶν πάντας βασιλεῖς ἐθνῶν (Sheol )
10 Kakausapin ka nilang lahat at sasabihin sa'yo, 'naging mahina ka na gaya namin. Gaya ka na namin.
πάντες ἀποκριθήσονται καὶ ἐροῦσίν σοι καὶ σὺ ἑάλως ὥσπερ καὶ ἡμεῖς ἐν ἡμῖν δὲ κατελογίσθης
11 Binaba ang iyong karangyaan sa Sheol kasama ng tunog ng iyong instrumentong may kuwerdas. Nakakalat ang mga uod sa iyong ilalim, at nakabalot ang mga bulate sa iyo. (Sheol )
κατέβη δὲ εἰς ᾅδου ἡ δόξα σου ἡ πολλή σου εὐφροσύνη ὑποκάτω σου στρώσουσιν σῆψιν καὶ τὸ κατακάλυμμά σου σκώληξ (Sheol )
12 Paano ka nahulog mula sa kalangitan, ikaw na bituin sa araw, anak ng umaga! Paano ka naputol sa lupa, ikaw na sumakop sa mga bansa!
πῶς ἐξέπεσεν ἐκ τοῦ οὐρανοῦ ὁ ἑωσφόρος ὁ πρωὶ ἀνατέλλων συνετρίβη εἰς τὴν γῆν ὁ ἀποστέλλων πρὸς πάντα τὰ ἔθνη
13 Sabi mo sa iyong puso, 'Aakyat ako sa langit, itataas ko ang aking trono sa taas ng mga bituin ng Diyos, at uupo ako sa bundok ng kapulungan, sa malayong bahagi ng hilaga.
σὺ δὲ εἶπας ἐν τῇ διανοίᾳ σου εἰς τὸν οὐρανὸν ἀναβήσομαι ἐπάνω τῶν ἄστρων τοῦ οὐρανοῦ θήσω τὸν θρόνον μου καθιῶ ἐν ὄρει ὑψηλῷ ἐπὶ τὰ ὄρη τὰ ὑψηλὰ τὰ πρὸς βορρᾶν
14 Aakyat ako na mas mataas sa mga ulap; gagawin kong Kataas-taasang Diyos ang aking sarili.'
ἀναβήσομαι ἐπάνω τῶν νεφελῶν ἔσομαι ὅμοιος τῷ ὑψίστῳ
15 Pero ngayon nadala ka dito pababa sa Sheol, sa ilalim ng hukay. (Sheol )
νῦν δὲ εἰς ᾅδου καταβήσῃ καὶ εἰς τὰ θεμέλια τῆς γῆς (Sheol )
16 Titingnan ka nila at iisipin ang nangyari sa iyo. Sasabihin nila. 'Ito ba ang taong nagpanginig sa mundo, na nagpayanig ng mga kaharian, na siyang ginawang ilang ang daigdig,
οἱ ἰδόντες σε θαυμάσουσιν ἐπὶ σοὶ καὶ ἐροῦσιν οὗτος ὁ ἄνθρωπος ὁ παροξύνων τὴν γῆν σείων βασιλεῖς
17 na siyang nagbagsak ng mga lungsod at ang siyang hindi nagpauwi sa mga bilanggo sa kanilang mga tahanan?
ὁ θεὶς τὴν οἰκουμένην ὅλην ἔρημον καὶ τὰς πόλεις καθεῖλεν τοὺς ἐν ἐπαγωγῇ οὐκ ἔλυσεν
18 Lahat ng hari sa mga bansa, matutulog sa kaluwalhatian, sa bawat libingan nila.
πάντες οἱ βασιλεῖς τῶν ἐθνῶν ἐκοιμήθησαν ἐν τιμῇ ἄνθρωπος ἐν τῷ οἴκῳ αὐτοῦ
19 Pero hindi ka kabilang sa iyong libingan gaya ng isang sangang tinapon, matatabunan ka ng mga patay gaya ng isang damit, sa mga natusok ng espada - sa mga nahulog sa mga batuhan ng hukay.
σὺ δὲ ῥιφήσῃ ἐν τοῖς ὄρεσιν ὡς νεκρὸς ἐβδελυγμένος μετὰ πολλῶν τεθνηκότων ἐκκεκεντημένων μαχαίραις καταβαινόντων εἰς ᾅδου ὃν τρόπον ἱμάτιον ἐν αἵματι πεφυρμένον οὐκ ἔσται καθαρόν
20 Gaya ng isang bangkay na tinapon sa ilalim, hindi ka makakasama sa kanila sa libingan, dahil winasak mo ang iyong lupain. Ikaw na pumatay sa iyong kababayan ay anak ng mga gumagawa ng masama at hindi na muling babanggitin kailanman.”
οὕτως οὐδὲ σὺ ἔσῃ καθαρός διότι τὴν γῆν μου ἀπώλεσας καὶ τὸν λαόν μου ἀπέκτεινας οὐ μὴ μείνῃς εἰς τὸν αἰῶνα χρόνον σπέρμα πονηρόν
21 Maghanda ka sa pagkatay sa kaniyang mga anak, dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno, upang hindi sila tumaas at makuha ang mundo at punuin ang buong daigdig ng mga lungsod.
ἑτοίμασον τὰ τέκνα σου σφαγῆναι ταῖς ἁμαρτίαις τοῦ πατρός σου ἵνα μὴ ἀναστῶσιν καὶ τὴν γῆν κληρονομήσωσιν καὶ ἐμπλήσωσι τὴν γῆν πόλεων
22 “Lalaban ako sa kanila” - pahayag ito ni Yahweh ng mga hukbo.” Puputulin ko ang pangalan ng Babilonia, kaapu-apuhan, at saling-lahi sa hinaharap” - payahag ito ni Yahweh.
καὶ ἐπαναστήσομαι αὐτοῖς λέγει κύριος σαβαωθ καὶ ἀπολῶ αὐτῶν ὄνομα καὶ κατάλειμμα καὶ σπέρμα τάδε λέγει κύριος
23 Gagawin ko din silang papunta sa lugar ng mga kuwago, at sa mga sapa, at wawalisin ko siya ng walis ng pagkawasak” - payahag ito ni Yahweh ng mga hukbo.
καὶ θήσω τὴν Βαβυλωνίαν ἔρημον ὥστε κατοικεῖν ἐχίνους καὶ ἔσται εἰς οὐδέν καὶ θήσω αὐτὴν πηλοῦ βάραθρον εἰς ἀπώλειαν
24 Nanumpa si Yahweh ng mga hukbo, “Sigurado, gaya ng nais ko, mangyayari iyon; at gaya ng layunin ko, mangyayari iyon:
τάδε λέγει κύριος σαβαωθ ὃν τρόπον εἴρηκα οὕτως ἔσται καὶ ὃν τρόπον βεβούλευμαι οὕτως μενεῖ
25 Wawasakin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain, at tatapakan ko sila sa aking mga bundok. Pagkatapos, maiaangat ang pamatok sa kaniya at kaniyang pasanin sa kaniyang mga balikat.”
τοῦ ἀπολέσαι τοὺς Ἀσσυρίους ἀπὸ τῆς γῆς τῆς ἐμῆς καὶ ἀπὸ τῶν ὀρέων μου καὶ ἔσονται εἰς καταπάτημα καὶ ἀφαιρεθήσεται ἀπ’ αὐτῶν ὁ ζυγὸς αὐτῶν καὶ τὸ κῦδος αὐτῶν ἀπὸ τῶν ὤμων ἀφαιρεθήσεται
26 Ito ang plano na nais ko para sa buong mundo, at ito ang kamay na nakataas sa lahat ng mga bansa.
αὕτη ἡ βουλή ἣν βεβούλευται κύριος ἐπὶ τὴν οἰκουμένην ὅλην καὶ αὕτη ἡ χεὶρ ἡ ὑψηλὴ ἐπὶ πάντα τὰ ἔθνη τῆς οἰκουμένης
27 Dahil binalak ni Yahweh ng mga hukbo ito; sino ang makapipigil sa kaniya? Nakataas ang kaniyang kamay, at sino ang makabababa nito?
ἃ γὰρ ὁ θεὸς ὁ ἅγιος βεβούλευται τίς διασκεδάσει καὶ τὴν χεῖρα τὴν ὑψηλὴν τίς ἀποστρέψει
28 Sa panahon na namatay si haring Ahaz, dumating ang pahayag na ito:
τοῦ ἔτους οὗ ἀπέθανεν Αχαζ ὁ βασιλεύς ἐγενήθη τὸ ῥῆμα τοῦτο
29 Huwag kayong magalak, Filisteo, dahil nasira na ang pamalong hinampas sa inyo. Dahil sa pinanggalingan ng ahas ay may paparating na isa pa, at magiging lumilipad na ahas ang kaniyang anak.
μὴ εὐφρανθείητε πάντες οἱ ἀλλόφυλοι συνετρίβη γὰρ ὁ ζυγὸς τοῦ παίοντος ὑμᾶς ἐκ γὰρ σπέρματος ὄφεων ἐξελεύσεται ἔκγονα ἀσπίδων καὶ τὰ ἔκγονα αὐτῶν ἐξελεύσονται ὄφεις πετόμενοι
30 Kakain ang panganay ng mahirap, at makakatulog ng ligtas ang mga nangangailangan. Papatayin ko ang pinanggalingan mo sa pamamagitan ng kagutuman na papatay sa lahat ng nakaligtas sa inyo.
καὶ βοσκηθήσονται πτωχοὶ δῑ αὐτοῦ πτωχοὶ δὲ ἄνδρες ἐπ’ εἰρήνης ἀναπαύσονται ἀνελεῖ δὲ λιμῷ τὸ σπέρμα σου καὶ τὸ κατάλειμμά σου ἀνελεῖ
31 Umungol kayo, umiyak kayo; lungsod; matutunaw ang lahat ng mayroon ka; Filistio. Dahil mula sa hilaga, darating ang ulap na usok, at walang nakahiwalay sa hanay niya.
ὀλολύζετε πύλαι πόλεων κεκραγέτωσαν πόλεις τεταραγμέναι οἱ ἀλλόφυλοι πάντες ὅτι καπνὸς ἀπὸ βορρᾶ ἔρχεται καὶ οὐκ ἔστιν τοῦ εἶναι
32 Paano sasagutin ng isang tao ang mga mensahero ng bansang iyon? Si Yahweh ang nagtalaga ng Sion, at sa Sion makatatagpo ng kanlungan ang mga nahirapang bayan niya.
καὶ τί ἀποκριθήσονται βασιλεῖς ἐθνῶν ὅτι κύριος ἐθεμελίωσεν Σιων καὶ δῑ αὐτοῦ σωθήσονται οἱ ταπεινοὶ τοῦ λαοῦ