< Isaias 12 >

1 Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.
וְאָֽמַרְתָּ֙ בַּיּ֣וֹם הַה֔וּא אוֹדְךָ֣ יְהוָ֔ה כִּ֥י אָנַ֖פְתָּ בִּ֑י יָשֹׁ֥ב אַפְּךָ֖ וּֽתְנַחֲמֵֽנִי׃
2 Tingnan ninyo, ang Diyos ang aming kaligtasan; magtitiwala kami at hindi matatakot, dahil si Yahweh, oo, si Yahweh ang aming kalakasan at awitin. Siya ang aming naging kaligtasan.”
הִנֵּ֨ה אֵ֧ל יְשׁוּעָתִ֛י אֶבְטַ֖ח וְלֹ֣א אֶפְחָ֑ד כִּֽי־עָזִּ֤י וְזִמְרָת֙ יָ֣הּ יְהוָ֔ה וַֽיְהִי־לִ֖י לִֽישׁוּעָֽה׃
3 Masaya kayong kukuha ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
וּשְׁאַבְתֶּם־מַ֖יִם בְּשָׂשׂ֑וֹן מִמַּעַיְנֵ֖י הַיְשׁוּעָֽה׃
4 Sa araw na iyon, inyong sasabihin, “Magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at tumawag sa kaniyang pangalan; sabihin ang kaniyang mga ginawa sa kalagitnaan ng mga tao, ihayag ang dakila niyang pangalan.
וַאֲמַרְתֶּ֞ם בַּיּ֣וֹם הַה֗וּא הוֹד֤וּ לַֽיהוָה֙ קִרְא֣וּ בִשְׁמ֔וֹ הוֹדִ֥יעוּ בָֽעַמִּ֖ים עֲלִֽילֹתָ֑יו הַזְכִּ֕ירוּ כִּ֥י נִשְׂגָּ֖ב שְׁמֽוֹ׃
5 Umawit kay Yahweh, dahil gumawa siya ng mga dakilang bagay; ipaalam ito sa buong mundo.
זַמְּר֣וּ יְהוָ֔ה כִּ֥י גֵא֖וּת עָשָׂ֑ה מוּדַ֥עַת זֹ֖את בְּכָל־הָאָֽרֶץ׃
6 Umiyak nang malakas at sumigaw sa tuwa, kayong mga naninirahan sa Sion, dahil nasa inyong kalagitnaan ang Banal na Diyos ng Israel.”
צַהֲלִ֥י וָרֹ֖נִּי יוֹשֶׁ֣בֶת צִיּ֑וֹן כִּֽי־גָד֥וֹל בְּקִרְבֵּ֖ךְ קְד֥וֹשׁ יִשְׂרָאֵֽל׃ פ

< Isaias 12 >