< Isaias 10 >
1 Anong kapighatian ang nakalaan sa mga gumagawa nang hindi makatuwirang mga batas at hindi patas na mga tuntunin.
Ve dem, der giver Ulykkeslove og ivrigt fører Uret til Bogs
2 Pinagkaitan nila ng katarungan ang mga nangangailangan, ninakawan ng karapatan ang naghihirap kong bayan, ninanakawan ang mga balo, at binibiktima ang mga ulila sa ama!
for at trænge de ringe fra Retten og røve de armes Ret i mit Folk, at Enker kan blive deres Bytte og faderløse kan plyndres.
3 Ano ang gagawin mo sa araw ng paghuhukom kapag dumating na ang pagkawasak mula sa malayo? Kanino ka tatakbo para magkubli at ilalagak ang iyong kayamanan?
Hvad gør I paa Straffens Dag, naar Undergang kommer fra det fjerne? Til hvem vil I ty om Hjælp, hvor gemmer I da eders Rigdom?
4 Walang matitira, gagapang ka kasama ng mga bihag, o babagsak kasama ng mga napaslang. Sa lahat ng mga ito, hindi pa humuhupa ang galit ni Yahweh, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Enten maa I knæle blandt Fanger, eller ogsaa falde paa Valen! Men trods alt har hans Vrede ej lagt sig, hans Haand er fremdeles rakt ud.
5 Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot!
Ve Assur, min Harmes Kæp, min Vrede er Stokken i hans Haand.
6 Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
Jeg sender ham mod et vanhelligt Folk, opbyder ham mod min Vredes Folk til at gøre Bytte og røve og trampe det ned som Skarn paa Gaden.
7 Pero hindi ito ang kaniyang intensyon, o hindi niya inisip ang ganitong pamamaraan. Nasa kaniyang puso ang wasakin ang maraming bansa.
Men han, han mener det ej saa, hans Hjerte tænker ej saa. Nej, at ødelægge, det er hans Attraa, at udrydde Folk, ikke faa.
8 Dahil sinabi niya, “Hindi ba lahat ng aking mga prinsipe ay mga hari?
Thi han siger: »Er ej mine Høvedsmænd Konger til Hobe?
9 Hindi ba tulad ng Calno ang Carquemis? Hindi ba ang Hamat ay tulad ng Arpad? Hindi ba ang Samaria ay tulad ng Damasco?
Gik det ej Kalno som Karkemisj, mon ikke Hamat som Arpad, Samaria som Damaskus?
10 Gaya ng pagsakop ko sa mga paganong kaharian, na ang mga inukit na rebulto ay mas malaki kaysa sa Jerusalem at Samaria,
Som min Haand fandt hen til Afgudernes Riger, der dog havde flere Gudebilleder end Jerusalem og Samaria —
11 tulad ng ginawa ko sa Samaria at sa mga walang kwenta niyang diyus-diyosan, hindi ko rin ba ito gagawin sa Jerusalem at sa kaniyang mga diyus-diyosan?”
mon jeg da ikke skal handle med Jerusalem og dets Gudebilleder, som jeg handlede med Samaria og dets Afguder?«
12 Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura.
Men naar Herren fuldbyrder alt sit Værk paa Zions Bjerg og i Jerusalem, vil jeg hjemsøge Assyrerkongens Hjertes Hovmodsfrugt og hans Øjnes trodsige Pral,
13 Dahil sinabi niya, “Sa pamamagitan ng aking lakas at katalinuhan kaya ko ito nagawa, at tinanggal ko ang mga hangganan ng mga tao. Ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at tulad ng isang makapangyarihang tao winasak ko silang mga nakaupo sa mga trono.
fordi han siger: »Med min stærke Haand greb jeg ind, med min Visdom, thi jeg er klog. Jeg flyttede Folkeslags Grænser og rev deres Skatte til mig, stødte Folk fra Tronen i Almagt;
14 Kinuha ng aking kamay, na tila mula sa isang pugad, ang kayamanan ng mga bansa, na parang kumukuha lang ng mga naiwang itlog, ganoon ko kinamkam ang buong mundo. Walang nagpagaspas ng kanilang pakpak o nagbukas sa kanilang bibig para humuni.”
min Haand fandt til Folkenes Rigdom som hen til en Fuglerede; som man sanker forladte Æg, har jeg sanket den vide Jord, og ingen rørte en Vinge, aabnede Næbbet og peb.«
15 Makakapagmayabang ba ang palakol sa taong gumagamit nito? Pupurihin ba ng lagari ang kaniyang sarili nang higit pa kaysa sa mamumutol na gumagamit nito? O kaya naman kaya bang iangat ng pamalo ang namamalo o ang pamalo ba ay kayang buhatin ang bumubuhat sa kaniya?
Mon Øksen bryster sig mod den, som hugger, gør Saven sig til mod den, som saver? Som om Kæppen kan svinge den, der løfter den, Stokken løfte, hvad ikke er Træ!
16 Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
Derfor sender Herren, Hærskarers HERRE, Svindsot i hans Fedme, og under hans Herlighed luer en Lue som luende Ild;
17 Ang liwanag ng Israel ay magiging isang apoy, at ang kaniyang Banal ay alab; tutupukin niya ang mga damo at mga tinik sa loob lang ng isang araw.
Israels Lys bliver til Ild og dets Hellige til en Flamme, og den brænder og fortærer hans Tidsel og Torn paa een Dag;
18 Tutupukin ni Yahweh ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ang kaniyang masaganang lupain, ang parehong kaluluwa at katawan, ito ay magiging tulad ng isang lalaking may sakit na unti-unting nawawalan ng buhay.
hans Skovs og Frugthaves Herlighed skal den rydde Rub og Stub, og han bliver som en syg, der hentæres.
19 Ang mga maiiwan na bahagi ng mga puno sa kaniyang kagubatan ay kakaunti lamang, na kaya itong bilangin ng isang bata.
De Træer, som levnes i hans Skov, bliver det let at tælle; et Barn kan skrive dem op.
20 Sa araw na iyon, ang mga naiwan sa Israel, ang pamilya ni Jacob na nakatakas, ay hindi na patuloy aasa sa sumakop sa kanila, bagkus kay Yahweh na sila aasa, Ang Banal ng Israel.
Paa hin Dag skal Israels Rest og det, som undslipper af Jakobs Hus, ikke mere støtte sig til den, der slaar det, men til HERREN, Israels Hellige, i Sandhed.
21 May mga naiwan kay Jacob ang babalik kay Yahweh.
En Rest skal omvende sig, Jakobs Rest, til den vældige Gud.
22 Kahit na ang iyong mamamayan, Israel, ay kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan, kakaunti lamang mula sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naitalaga na, ayon sa hinihingi ng nag-uumapaw na katuwiran.
Thi var end dit Folk som Sandet ved Havet, Israel, kun en Rest deraf skal omvende sig. Ødelæggelse er fastslaaet, og med Retfærdighed vælter den frem;
23 Dahil ipapatupad na ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo, ang hatol na wasakin ang lupain.
thi Ødelæggelse og fastslaaet Raad fuldbyrder Herren, Hærskarers HERRE, over al Jorden.
24 Kaya sinabi ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo, “Ang aking bayan na nakatira sa Sion ay hindi natatakot sa mga taga-Asiria. Hahampasin niya kayo ng kaniyang pamalo, at papaluin ng kaniyang tungkod, na tulad ng ginawa sa mga taga-Ehipto.
Derfor, saa siger Herren, Hærskarers HERRE: Frygt ikke, mit Folk, som bor i Zion, for Assyrien, naar det slaar dig med Kæppen og løfter sin Stok imod dig som fordum Ægypten!
25 Huwag kayong matakot sa kaniya, dahil sa konting sandali na lang ang aking galit sa inyo ay matatapos na, at itutuon ko naman sa kaniya ang aking galit na wawasak sa kaniya.”
Thi end om en føje Stund er Vreden ovre, og min Harme vender sig til deres Fordærv.
26 At hahampasin sila ni Yahweh ng mga hukbo ng latigo, tulad nang pagtalo niya sa Midian sa bato ng Oreb. Itataas niya ang kaniyang pamalo sa ibabaw ng dagat tulad nang ginawa niya sa Ehipto.
Saa svinger Hærskarers HERRE Svøben imod det, som da Midjan blev slaaet ved Orebs Klippe; hans Stok er udrakt imod Havet, og han løfter den som fordum mod Ægypten.
27 Sa araw na iyon, ang mga pabigat ay aalisin sa inyong balikat at ang pamatok ay tatanggalin mula sa inyong mga leeg, at sisirain ang mga pamatok dahil malayo na ang inyong mga leeg mula rito.
Paa hin Dag tager han Byrden af din Skulder og Aaget af din Nakke, ja, Aaget brister for Fedme.
28 Tinahak ng mga kalaban ang Migron at dumating sa Aiat, at inilagak ang kanilang mga kagamitan sa Micmas.
Han rykker mod Ajjat, drager uden om Migron, i Mikmas lader han Trosset blive;
29 Tinawid nila ang lambak at gumawa ng kuta sa Geba. Nanginig sa takot ang Ramah at ang Gibea ni Saul ay tumakas.
de gaar over Passet: »I Geba holder vi Natterast!« Rama ryster, Sauls Gibea flyr.
30 Sumigaw kayo nang malakas, mga dalaga ng Galim! Makinig kayo, Laisa! Kayong mga kaawa-awang Anatot!
Skrig højt, Gallims Datter! Lyt til, Lajsja! Stem i, Anatot!
31 Tumatakas ang Madmenah, at ang mga nananahan sa Gebim ay naghanap ng mapagkakanlungan.
Madmena flyr, Gebims Folk bjærger deres Gods.
32 Ngayong araw mismo, titigil siya sa Nob at iuumang ang kaniyang kamao sa bundok ng anak ng Sion, sa bulubundukin ng Jerusalem.
Endnu i Dag staar han i Nob; han svinger Haanden mod Zions Datters Bjerg, Jerusalems Høj —
33 Masdan, puputulin ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo ang mga sanga ng puno sa isang kasindak-sindak na pagbagsak; ang mga matataas na puno ay puputulin, at ang mga matatayog ay babagsak.
Se, Herren, Hærskarers HERRE, afhugger hans Grene med Gru; de knejsende Stammer fældes, de stolte Træer maa segne.
34 puputulin niya ang kasukalan ng kagubatan gamit ang palakol, at ang tanyag na Lebanon ay babagsak.
Med Jernet gør han lyst i Skovens Tykning, og Libanon falder for den Herlige.