< Hosea 1 >
1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Hosea, na anak na lalaki ni Beeri sa panahon nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias na mga hari ng Juda, at sa panahon ni Jeroboam, na anak na lalaki ni Jehoas na hari ng Israel.
웃시야와 요담과 아하스와 히스기야가 이어 유다 왕이 된 시대 곧 요아스의 아들 여로보암이 이스라엘 왕이 된 시대에 브에리의 아들 호세아에게 임한 여호와의 말씀이라
2 Noong unang magsalita si Yahweh sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya sa kaniya, “Humayo ka, mag-asawa ka ng babaing nagbebenta ng aliw. Magkakaroon siya ng mga anak na bunga ng kaniyang pagbebenta ng aliw. Sapagkat nagkakasala ang lupain ng matinding gawain ng pagbebenta ng aliw habang tinatalikuran ako.”
여호와께서 비로소 호세아로 말씀하시니라 여호와께서 호세아에게 이르시되 너는 가서 음란한 아내를 취하여 음란한 자식들을 낳으라 이 나라가 여호와를 떠나 크게 행음함이니라
3 Kaya, humayo si Hosea at pinakasalan si Gomer na anak na babae ni Diblaim, at nagbuntis siya at nagsilang siya sa kaniya ng isang anak na lalaki.
이에 저가 가서 디블라임의 딸 고멜을 취하였더니 저가 잉태하여 아들을 낳으매
4 Sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Jezreel. Sapagkat hindi magtatagal, paparusahan ko ang sambahayan ni Jehu dahil sa pagdanak ng dugo sa Jezreel at wawakasan ko ang kaharian ng sambahayan ni Israel.
여호와께서 호세아에게 이르시되 그 이름을 이스르엘이라 하라 조금 후에 내가 이스르엘의 피를 예후의 집에 갚으며 이스라엘 족속의 나라를 폐할 것임이니라
5 Mangyayari ito sa araw na iyon na babaliin ko ang pana ng Israel sa lambak ng Jezreel.”
그 날에 내가 이스르엘 골짜기에서 이스라엘의 활을 꺾으리라 하시니라
6 Nagbuntis muli si Gomer at nagsilang ng isang anak na babae. At sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ruhama, sapagkat hindi na ako mahahabag sa sambahayan ni Israel, ni dapat ko pa silang patawarin.
고멜이 또 잉태하여 딸을 낳으매 여호와께서 호세아에게 이르시되 그 이름을 로루하마라 하라 내가 다시는 이스라엘 족속을 긍휼히 여겨서 사하지 않을 것임이니라
7 Ngunit mahahabag ako sa sambahayan ni Juda, at ako mismo, si Yahweh na kanilang Diyos ang magliligtas sa kanila. Hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng pana, espada, digmaan, mga kabayo, o ng mga mangangabayo.”
그러나 내가 유다 족속을 긍휼히 여겨 저희 하나님 여호와로 구원하겠고 활과 칼이나 전쟁이나 말과 마병으로 구원하지 아니하리라 하시니라
8 Nang maawat ni Gomer si Lo-ruhama sa pagsuso, nagbuntis siya at nagsilang ng isa pang anak na lalaki.
고멜이 로루하마를 젖뗀 후에 또 잉태하여 아들을 낳으매
9 At sinabi ni Yahweh, “Tawagin mo siya sa pangalang Lo-ammi, sapagkat hindi ko kayo mga tao at hindi ako ang inyong Diyos.
여호와께서 이르시되 그 이름을 로암미라 하라 너희는 내 백성이 아니요 나는 너희 하나님이 되지 아니할 것임이니라
10 Ngunit ang bilang ng mga tao ng Israel ay magiging tulad ng buhangin sa dalampasigan, na hindi masusukat o mabibilang. Mangyayari ito kung saan sinabi sa kanila na, 'Hindi ko kayo mga tao,' sasabihin ito sa kanila, 'Kayo ay mga tao ng buhay na Diyos.'
그러나 이스라엘 자손의 수가 바닷가의 모래 같이 되어서 측량할 수도 없고 셀 수도 없을 것이며 전에 저희에게 이르기를 너희는 내 백성이 아니라 한 그곳에서 저희에게 이르기를 너희는 사신 하나님의 자녀라 할 것이라
11 Titipunin ang mga tao ng Juda at mga tao ng Israel. Magtatalaga sila ng isang pinuno para sa kanila at lalabas sila mula sa lupain, sapagkat magiging dakila ang araw ng Jezreel.
이에 유다 자손과 이스라엘 자손이 함께 모여 한 두목을 세우고 그 땅에서부터 올라 오리니 이스르엘의 날이 클 것임이로다